Confession #35

41 4 0
                                    

"WHOOO! GO PEDROOOO! GALINGAN MOOO!" malakas na sigaw ko with matching tili habang naglalaro ka ng basketball.


"WHOOAH!"


"I-SHOOT MO PEDRING!"


Mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos na ang mga taping at kung anu-anung anek-anek na kailangang ipasa sa school. Sports day na at kasalukuyan kang naglalaro. At expect mo ng todo cheer ako kahit alam kong hindi mo ko naririnig. Isa lang naman kasi ako sa dinami-rami ng mga nagtititili na parang mga baliw.


"WOO! LITA!? NAKITA MO YON?! NAKASHOOT SYA! ANG GALING NI PEDROO! WOOOO!" nakangiting sigaw sakin ni Joyce habang tinuturo si Pedro na seryosong naglalaro.


"SYEMPRE NAMAN NOH! MAHAL KO YAN EH! WOOOOO GALINGAN MOO PEDS!!" sagot ko habang nagtatatalon at patuloy pa ring nagche-cheer na parang gago.


"GO PEEEDS!"


Pinalo-palo ko pa ang mga kaibigan ko nang makashoot ka pa ng isa. Natatawa na lang sila sakin pero wapakels ako, kahit maputol pa litid ko o kahit mapaos pa ko kaka-cheer, hindi ako magsasawang suportahan ka kahit hindi mo alam.


Nang mapansin kong hindi ka na nakaka-shoot ng bola eh hindi pa rin ako tumigil sa pagsigaw. Ilang beses kong sinigaw na magaling ka, at okay lang yan. Alam kong hindi mo naririnig pero tulad nga ng sinabi ko, hindi ako magsasawang sumigaw at tumili rito.


"GOO PEEEDDS! HOOO! I LOVE YOOOOU!"


Pagkasigaw ko eh napansin kong nagtinginan sakin ang lahat. Natigil din ang pagchecheer ng iba at seryoso akong tinignan.


"HEHEHE. B-BAKIT?" tanung ko habang kinakamot ang ulo ko.


Bigla ulit naghiyawan at nagulat ako ng tinulak tulak pa nila ko sa gitna.

"WOOO! GALINGAN MO PEDRO! MAHAL KA RAW NI LITA!" malakas na sigaw ng ibang kaklase natin.


OHMYGOD.


NASABI KO ANG MAGIC WORDS?


KILL ME NOW. TT^TT


Pagkatapos ng larong yun eh nagpahinga na kayo at ang iba pang mga players. Kitang kita ko sa mukha mo ang pagod at ang pawis na tumatagaktak pero kahit na ganun, ang sarap mo pa ring titigan. Alam kong hindi ka ganun ka-hot katulad ng mga gwapong pinapawisan, alam ko ring hindi mabango ang pawis mo dahil mahihirap lang tayo, pero kahit na ganun, ikaw pa rin ang pinaka-attractive na lalaki na nakilala ko.


Hawak-hawak ko ang isang bote ng mineral water na balak ko sanang ibuhos sa mukha mo pero dahil mukhang uhaw na uhaw ka na sa pagmamahal ko este sa tubig pala eh ibibigay ko na lang pala sayo. Binili ko ito para sayo kasi alam kong pagod ka. Syet lang, ang sweet ko. Kinikilig ako sa sarili ko. >/////<


Akma na sana akong lalapit sayo kaso nagulat ako nang bigla kang tumayo at naglakad papunta sa kinauupuan ng kaklase nating si Fin. At mas lalo ko pang ikinagulat ay ang pag-upo mo sa tabi nya..


Nginitian mo sya at ang mga susunod na eksena ay halos nakakapandurog-puso.


Nabitawan ko pa nga ang hawak kong mineral water habang tahimik lang na nakatingin sa inyo.


Inihilig mo ang ulo mo sa balikat nya at isinandal ito.


Sa english, you rest your head at Fin's shoulder.


Sa tagalog, ang sakit. Ang sakit sa mata. Ang sakit sa puso.


Dahan-dahan akong umatras at parang kusang nanlabo ang paningin ko.


I just smiled bitterly habang pinipigilan ang pagpatak ng mahiwagang luha mula sa mga mata ko. Kasi hindi pwede. Kasi bawal. Kasi hindi ako mahina. At maling umiyak sa mga walang kwentang bagay.


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at walang imik na umupo sa tabi. Ilang beses kong sinampal at binatukan ang sarili ko at paulit-ulit kong pinamukha sa puso ko na hindi ka gwapo. Hindi ka gwapo kaya hindi ka kaiyak-iyak. Ang isang tulad mo ay hindi dapat iniiyakan. Hindi dapat. Hindi talaga.


Haay. Pero ewan ko ba, traydor talaga ang luha. Traydor! HA-HA-HA.


Grabe. Ang tanga-tanga ko talaga. Naturingan akong tanga. Hindi naman ako pinalaking tanga ng nanay ko at mas lalong hindi ako pinalaking iyakin. Pero eto, umiyak ako. Naiyak ako dahil lang sa lalaki kong kaklase na hindi naman ako gusto. Katangahan ko talaga. Hahaha!

Si Pedring, iniyakan ko? Gago. Ang gago ko.


Nakatulala lang ako habang nanonood ng kasunod na game. Hindi ko maiwasang magtanung sa hangin, magtanung sa tadhana, magtanung sa mga langgam at langaw na tanging nakakakita kung gaano ako nasaktan. Hindi ko maiwasang tanungin ang mga ito kung kayo na ba, kung may relasyon ba kayo ni Fin, o ano. Ilang beses ko na ring binantaan si Kupido sa utak ko na malalagot sya sakin pag nalaman-laman ko lang na pinana ka nya at si Fin. Magiging kontrabida talaga ko sa loveteam nila ni Psyche pag nangyari yon.

Pero sa ngayon, hindi ko muna iisipin ang mga posibilidad at ang realidad. Kasi hindi ako handa.. Hindi pa ko handang masaktan ng todo to the point na malalasahan ko na ang sipon ko kakaiyak.


Hindi pa ko handang magmukmok sa isang tabi at mag-emo habang malakas ang ulan. Hindi pa ko handang mabahiran ang unan ko ng luha ng katangahan. Hindi pa ko handang aminin sa sarili ko na walang-wala na talaga tayong pag-asa, na hanggang dito na lang tayo, na hanggang pantasya na lang ako. Hindi pa ko handa. Hindi pa ko handa sa lahat.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon