Confession #44

40 3 0
                                    


Pagdilat ko ng mata ko, tumambad sakin ang mga excited na mukha ng mga kaibigan ko. Gulat na gulat naman ako dahil hindi ko inaasahang pupunta sila ngayon sa bahay. At nasaktuhan pang kakagising ko lang. You'll never wanna know what my face looks like by that time.

"Buti naman nagising na sya!"
natutuwang sabi ni Norilyn-sxcz.

Bumangon naman ako at kinusot-kusot ang mga mata ko.
Oo nga pala, nakalimutan kong banggitin na magkakapit-bahay lang kaming 5. Nagpagawa kasi kaming lima ng village at pinatayuan namin ito ng mga pink na bahay. Dito na din kami tumira lahat para magkakalapit lang ang bahay namin. Matagal na kasi namin tong pangarap. Gusto kasi namin na malaya kaming makakapagchismisan kaya ipinangako namin sa mga sarili namin na balang araw eh magpapagawa kami ng ganito. And luckily, natupad naman. O diba, nagtagal kaming lima. Sabi ko naman kasi sa inyo may forever eh.

(A/N: Kaway sa GGSS!)

"Oh ba't kayo nandito?" nagtatakang tanung ko sa kanila habang hinahanap ko ang cellphone kong kanina pa pala nagriring.

"Yung totoo? Hindi mo alam?"
Christine-sxcz asked in disbelief.

"Ang alin?" bored na tanong ko.

"SERYOSO? HINDI MO NGA ALAM?"
nanlalaking mata na tanong nila.

"Hindi nga." sagot ko.
Nang mahanap ko ang cellphone ko eh sinagot ko agad ang tawag without looking at the caller.

"Wait lang ah." paalam ko sa mga kaibigan ko.

"Hello, si Lita ba to?"
tanong ng isang pamilyar na boses.

"Oo. Bakit?"

"Si Fin to. Gising na si Pedro."
sabi nito sabay baba ng tawag.


SI FIN?
AT PANO NAMAN NYA NALAMANG GISING NA SI PEDRO?
AT TEKA, NAGISING NA SI PEDRO NANG HINDI KO ALAM?
Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.

"Alam mo na pala."

Lumingon ako sa mga kaibigan ko at nakita ko ang awa sa mga mata nila.

"Good news and bad news. Gising na si Pedro, ang masaklap lang bumalik na si Fin."

"Teka pa'no nyo nalaman?"

"Madaling araw daw nung magising si Pedro. Pumunta naman si Fin kagabi sa ospital at humihingi ng tawad sa mga magulang ni Pedro. Tapos, si Fin na yata yung nagbantay sa kanya at natulog dun sa ospital. Kaya ayun, nung magising si Pedro, si Fin ang unang tumambad sa kanya."

"Nagmakaawa si Pedro kay Fin na bumalik na sya rito tapos ayun, pumayag naman si Fin. Nabigla lang naman daw sya dun sa alok ni Pedro na magpakasal, hindi pa raw kasi sya handa nung panahong yun."

Pakiramdam ko nabingi ako sa mga sinabi nila. Walang boses na lumalabas sa bibig ko. Dapat maging masaya ako, kasi gising na si Pedro. Masakit lang kasi isipin na babalik na lahat sa normal ngayong bumalik na si Fin. Nakakalungkot lang isipin na talo nanaman ako.

I smiled at them at nagthumbs up ako. "Oh, mabuti naman."



Sinuklian nila ako ng malungkot na ngiti. Alam kong ramdam nila na nasasaktan ako. Pero wala na, nandito na. Ang dapat ko lang gawin ay tanggapin ang mga bagay bagay at kayanin ang sakit. Ganito naman kasi ang mga role ng kontrabida sa isang love story, ang magmove-on sa kahuli-hulihan.

Maya-maya lang eh dumalaw kaming lima sa ospital. Ramdam na ramdam ko ang goodvibes sa apat na sulok ng kwarto ni Pedro. Kitang kita ko ang mga ngiti sa mata nilang dalawa ni Fin. Kitang kita ko ang matinding pagmamahal sa mga mata nilang dalawa.

Kung titignan mo, parang walang nangyari. Parang normal lang ang lahat. Parang nagbingi-bingihan si Pedro nung araw na sinabi kong sumama sa ibang lalaki si Fin. Ganun lang ba talaga kadaling tanggapin ang lahat? Ang sarap batukan ni Pedro. Ang sarap sabihing 'HOY, HINDI MO BA NAALALANG PINAHIYA KA NYAN 4 MONTHS AGO? HINDI MO BA MAALALANG SINAKTAN KA NYA?'
Letse.
Oo, masakit sobra. Pero anung magagawa ko? Wala naman diba. Ganito naman palagi eh.
Is this a sign na dapat ko na talaga syang sukuan?

Matagal kong hinintay ang araw na magising si Pedro. Sabi ko sa sarili ko, pag nagising sya, I'll prove to him na ako ang dapat para sa kanya at hindi si Fin. Ako dapat kasi mas mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya higit pa sa pagmamahal na binigay ni Fin. Pero ngayong bumalik na si Fin sa buhay nya, naglaho na ang pag-asa ko. Wala na. Buset. Siguro nga masyado ng huli ang lahat.
Ha-ha-ha! Ang hirap talagang maging antagonist sa isang perfect love story. Kasi sa kadulo-duluhan, ikaw at ikaw pa din ang magmumukhang tanga kahit anung gawin mo.

"Gusto kong bumawi sa lahat Pedro. Sorry talaga sa mga nagawa ko. Sorry kung iniwan kita that day you asked me to marry you. Sorry, sorry talaga." naiiyak na sabi ni Fin.

Ngumiti lang si Pedro at pinahid ang luha ni Fin gamit ang kamay nya.

"Ayos lang yun. Naiintindihan ko."
nakangiting sagot nito.

Fin held his hand at tinignan nya ito sa mata.

"Pedro.. Gusto ko lang malaman mo na handa na ko.. Handa na kong magpakasal sayo.."

At kusa na ngang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Okay? Anu to? The moment of truth? Sana sa private place nalang sila nagsabihan ng cheesy lines. Hindi yung dito pa. Hindi yung harap-harapan pa na parang ipinapamukha pa nila sakin na ako ang pinakamiserableng tao sa mundo.

Bakas sa mukha ni Pedro ang saya dahil sa sinabi ni Fin. Mangiyak ngiyak pa nga sya sa saya at mangiyak ngiyak naman ako sa lungkot. Buset. Punyeta. Oo na, ako na bitter.



"Oo Fin, magpapakasal tayo. And this time, sana wala ng atrasan."


The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon