After that very memorable day, naging mas masaya pa kami ni Pedro. We were so inlove with each other. I am falling hard with him everyday. At ngayong may pinanghahawakan na kong bagay, hinding hindi ko na magagawang bitawan pa sya. Obsessed? No. I'm just inlove. I'm just freakin' inlove!
Months passed by. Sumapit na ang bagong taon. Pero this time, haharapin ko na ang panibagong taon kasama sya. Kasama ang lalaking parte na ng buhay ko.
Hindi naiiwasang tuksuhin kami ng mga nakakakilala sa amin. Tinatanong kung bakit hindi pa kami nagpapakasal samantalang 26 na ko at 27 years old naman na sya. I know we're both in the legal age. But marrying someone is a lifelong commitment. Kailangan sigurado kayo na matibay na ang relasyon nyo bago kayo magpakasal. Mag-iisang taon pa lang ang relasyon namin, at sa tingin ko, hindi pa ito ganun katibay para sumabak sa mas malaking hamon ng buhay. Everything takes time. And of course, I want a successful marriage. Hindi namin maaachieve yon kung alam namin sa mga sarili namin na hindi pa kami totally matured sa mga ganoong bagay.
Sa loob ng ilang buwan, madami akong ginawang adjustment. Though Pedro may not consider it as adjustment dahil madalas kaming mag-away. Mga simpleng bagay lang naman ang pinagtatalunan namin, lahat eh pawang kababawan lang but at the end of the day, hindi namin matiis na hindi mag-usap at magbati. We're doing great as a couple, that's all I can say.
Hanggang sa lumipas ulit ang dalawang taon nang hindi namin namamalayan.
Dumating ang mga pagsubok sa relasyon namin. Kawalan ng oras, pagdodoubt, trust issues at kung ano-ano pa. Luckily nagawa naman naming solusyunan ito. Pero dumating ang pagkakataong may nag-offer sakin ng magandang trabaho from other country..
Sinabi ko ito sa kanya at "okay" lang ang tanging sagot nya. Pagkatapos noon eh sobrang cold na ng pakikitungo nya sakin. Sinabi ko sa kanya na hindi ko naman sya pinipilit na payagan ako. Nirerespeto ko naman ang desisyon nya. And besides, kailangan ko pa bang lumayo para kumita ng malaki? Hindi naman mahalaga sakin ang pera. Ang importante lang naman sakin, kasama ko s'ya. Sapat na sakin yun at wala na kong hihilingin pang iba.
"Hindi naman talaga kita papayagan eh. Kaya naman kitang buhayin at ibigay lahat ng luho mo." nagtatampong sabi nito.
Tawa lang ako ng tawa sa sinabi nya noong gabing 'yon habang nagdedate kami sa labas ng bahay. Balot lang ang kinakain namin nun dahil parehas kaming gabi na nakauwi dahil sa trabaho, but that's was the best date I had experienced with him.
Nabalitaan ko ring nagbalik nanaman daw si Fin. But I hope she's here for good. Ayos lang naman daw kay Pedro, pero wag daw umasa si Fin na maibabalik pa ang lahat. Hindi naman daw sya bitter, at wala na lang daw sa kanya ang lahat dahil kasama naman nya na ko.
Dumating ang araw na hindi na ko nakuntento sa set-up naming ganito. Tumatanda na kami, at nararamdaman kong nasa tamang panahon na para ikasal na kaming dalawa. Nakakainis lang dahil hindi pa rin nya ko inaayang magpakasal kahit palagi naman akong nagpaparinig sa kanya na gusto ko ng magpakasal. Tsk. Wala na talagang tatalo sa kanya sa kamanhidan. Baka mamaya kumunat na yung mga balat namin pero hindi nya pa rin ako inaaya. Sarap konyatan para matauhan eh.
Akala ko talaga ayaw nyang magpakasal kami. Pero akala ko lang pala yun..
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa ala-ala ko kung paano sya nagpropose..
Hindi ko akalaing yung kantang pinapangarap kong kantahin ng taong gusto kong makasama habang buhay ay ang kantang kakantahin rin ni Pedro.
A hundred and five is the number that comes to my head
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.