Confession #50

36 2 0
                                    

"Tuloooonggggg!" Sigaw ko habang nasa loob ng van. 






Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. 

Ang alam ko lang, naglalakad ako pauwi ng bahay. Hindi ko matandaan kung paano ako naisakay sa sasakyang to kasama ang dalawang nakabonet na lalaki. Kikidnapin kaya nila ko? Pero wala naman akong pera. Hindi naman kami mayaman. Baka akala nila mayaman ako.. Ang tanga naman ng mga kidnapper na to. 



"Kuyaaaaa? Parang awa mo na! Hindi kami mayaman! Iba na lang.. Wala kaming pambayad pag humingi ka ng ransom.. Sige na kuya pakawalan nyo na ko parang awa nyo na.." pagmamakaawa ko sa kanila. 



 Deretso pa rin ang tingin nila at parang walang pakialam sa mga pinagsasabi ko. Mga wala silang puso! Letse. 


Kung maigagalaw ko lang ang kamay at paa ko, yari sakin ang dalawang to. Pambihira naman kasi eh! Bakit may tali tali pa silang nalalaman? Kahit naman tumakas ako o hindi wala silang mapapala sakin! Wait, nasan kaya yung celphone ko? Kinapa ko ang bulsa ko gamit ang dalawang kamay ko na nakatali. Wala naman akong makapang matigas. And I'm pretty sure na pati phone ko eh kinuha na rin ng mga hinayupak na to. 



"Alam nyo.. wala po kayong mapapala sakin! Kung gusto nyo, irerecommend ko yung mga kakilala kong mayaman.. sila na lang po ang kidnapin nyo!" 



 Nagulat ako nang biglang magtawananan ang dalawang kidnapper. Oh-kay? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakahithit siguro tong mga to. 



 Inihinto nila ang sasakyan at agad akong piniringan. Hindi ko makita ang daan. Nararamdaman ko lang ang hawak ng dalawang kidnapper sa braso ko habang hinahatak ako papasok sa isang tahimik na bahay. Ohmyghad talaga. Naramdaman kong tinanggal nila ang piring sa mata ko.. 




 At halos mapanganga ako sa nakita ko. 




 "HAPPPYYYY BIRTHDAAAAAYYY!" 





 Oh. My. Goodness. 




 Nakita ko ang parents ko na nasa harapan kasama ang mga bestfriend ko at nasa likod naman nito ang mga close friends ko magmula noon hanggang ngayon. Nakangiti sila lahat sakin at parang inaabangan ang reaksyon ko.. 





The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon