Magmula nang mangako si Pedro, wala namang nangyari. Dejk lang. Tulad nga nang sinabi nya, ginawa nya ang lahat.
Lahat lahat na naging dahilan para mas lalo pang mahulog ang loob ko sa kanya.
Para akong nasa panaginip.
Hindi ko lubos akalaing mangyayari to. Parang nung nakaraan lang pinapangarap ko pa syang maabot..
Pero ngayon.. hawak-hawak ko na.
Natatandan ko pa noong minsan na umuwi ako ng bahay. Pagod na pagod ako noon at badtrip pa dahil hindi man lang nagparamdam sa akin si Peds. Nasanay kasi ako na lagi syang nagtetext at lagi akong sinusundo pag pauwi. Naisip ko tuloy na baka natauhan na sya at narealize nyang hinding-hindi nya ako kayang mahalin.
Pag-uwi ko ng bahay, narinig kong may nag-uusap sa loob. Inisip ko na baka may bisita lang ang mga magulang ko kaya nagderederetso lang ako ng lakad. Pagdating ko sa salas, tumambad sakin si mama, papa at....
..at Pedro..
"T-teka? A-anung meron?!" Gulat na tanung ko.
"Matakaw ang anak ko. Pangit, iyakin at isip-bata. Kaya mo bang tiisin lahat 'yon?" Tanung ng papa ko habang nakatingin kay Pedro.
"Opo, sir." desididong sagot nito. SANA NAMAN MAY PUMAPANSIN SAKIN NOH.
"HOY PEDRO! ANUNG KALOKOHAN TO?" Tumayo si Pedro at inayos ang damit nya.
"Sige po aalis na ako. Marami pa po akong gagawin."
"Sige mag-ingat ka ah." Sabi ng nanay ko sa kanya.
"Hoy! Wala ka ba talagang balak na pansinin ako?" Naiinis kong tanong kay Pedro.
Nagdire-diretso lang sya palabas na parang hindi ako narinig. Ano kayang nangyari dun? Bakit di sya namamansin? Sa sobrang inis ko eh sinigawan ko sya.
"BABYE AH! MAG-INGAT KA AH! BWISET!"
Ang sakit. Di man lang nya ko pinansin. Matapos yun eh nagmukmok ako sa bahay at di lumabas ng kwarto. Nakakabadvibes kasi. Pagkatapos ng malanobela nyang linyahan sakin noong nakaraan, bigla-bigla na lang na hindi nya ko papansinin. At ang kapal pa ng mukha, nasa loob na sya ng pamamahay namin pero snob pa rin sya. Nakakairita talaga. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Novela JuvenilThe love that loves the longest is the love that is never returned.