Confession #19

46 3 1
                                    

Nakita ko na lang ang sarili kong nanunuod sayo habang masaya kang nagdedeliver ng speech mo.

Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung bakit. I just feel the urge na sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. I just keep mouthening "I love you.." habang tuloy tuloy ang agos ng luha ko.

I kept asking myself kung totoo ba lahat to? Graduation na ba talaga namin?

Pero bakit ako napapaos? Bakit wala akong boses? Bakit ako umiiyak? Anu ba talaga ang nangyayari?

Nagpalakpakan ang lahat habang tumatanggap ka ng medalya. May nagtutulak sa isip kong umalis pero sinasabi ng puso ko na wag muna. Sabi nya hintayin ko daw na marinig mo ko. Pero hindi, hindi mo ako naririnig.

Nakarinig ako ng tunog ng alarm clock at agad namang nagising ang diwa ko. I opened my eyes and blinked twice.

Panaginip lang pala.

Hinawakan ko ang pisngi ko at nakapa ko ang luhang nanggaling sa mata ko. Anu to? Iniyakan ko ang panaginip ko?

Bakit hindi tumitigil sa pagpatak? Nababaliw na yata ako.

Tumayo ako at tinignan ang itsura ko sa salamin. Muntik na nga kong tumakbo dahil nakakita ako ng halimaw sa salamin pero ako lang pala yun. Grabe, ang pangit ko talaga.

Kitang kita ko ang mga makikinang na pimples sa mukha ko, ang pango kong ilong at ang buhok kong gulo gulo na parang dinaanan ng bagyo. Tuwing tumitingin ako sa salamin nada-down ako sa sarili ko. Hindi ko na nga uulitin.

Naligo na ko at nag-ayos ng sarili ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang panaginip ko. Habang nagsusuklay ako ng buhok eh iniisip kong matulog na lang ulit para managinip ako at malaman ko kung anung ending ng nakakainis na nightmare ko.
Pero siguro, obvious naman kung anung ending non. Malamang maiiwan akong luhaan. Yun lang naman yon.

Hindi naman kasi totoo ang fairytale. Hindi ito nag-eexist sa totoong buhay lalo na kung hindi ka naman kagandahan at kagwapuhan. Maniwala ka sa fairytale kung kasing ganda ka ni cinderella at rapunzel. Maniwala ka sa fairytale kung kasing gwapo mo ang mga prince charming nila. Pero kung mukhang paa ka rin tulad ko, mas mabuting matulog ka na lang kesa mangarap na may dadating pang prince charming mo. Kung kumain ka na lang edi nabusog ka pa. At kung balak mo pang maghanap ng true love eh pumunta ka na lang sa kusina nyo.

Maaga akong pumasok dahil pasahan na ng activities nun at kelangan na naming asikasuhin lahat ng yon.
Maingay sa loob ng room at halos lahat eh busy-busy-han.
Nanghingi ako kay Christine ng scotch tape at tinuro naman nya kung nasan yon. Maraming nanghihingi kaya nakigulo rin ako. Nakihingi ka rin Pedro pero nauunahan ka palagi ng iba nating kaklase.

Hanggang sa naubos na silang lahat at tayong dalawa na lang ang natitira. Hawak nating dalawa ang scotch tape at mga limang segundo rin nating tinitigan ito. Parang tanga lang tayong nagpapakiramdaman kung sinu ang mauuna.

Hinatak ko ang dulo ng scotch tape para matapos na.
"Gupitin mo." plain at walang reaksyon na sabi ko.

Parang nag-isip isip ka pa bago mo iyon gupitin.

Nakatingin ng makahulugan nanaman satin yung iba nating kaklase at alam kong hindi mo iyon napapansin.

Buti naman at ginupit mo naman ito agad kundi makakaagaw atensyon tayo sa kanilang lahat.

"Hiramin ko muna to saglit lang." sabi mo sabay alis sa harap ko.

Umayos ang lahat sa pag-upo dahil dumating na rin ang teacher natin. Bumalik na rin ako sa pag-upo.

"Since hindi pwede si King at tsaka si Pedro, si Lita na lang lalaban sa spelling."

Nagtilian naman silang lahat at ako naman eh nagulat syemperd.

"So Pedro? Ibigay mo na rin kay Lita yung reviewer then turuan mo na rin sya pag may time ka."

Wutda.
O_o

Muntik nang malaglag ang panga ko sa sinabi ng teacher natin. Ikaw? At ako? Ohmy.

Nagtilian naman ang mga kaklase natin at inasar asar tayo. Hindi na ko nagbalak pang tignan ang reaksyon mo dahil busy akong sawayin ang nagtatatalon-talon kong puso.

Kung kilig-kiligin ako dito parang hindi ako na broken hearted kahapon. Ang landi ko talaga.

"Ma'am ang sweet kaya nila kanina!" sigaw ni Christine.

Nagtawanan lang sila at tinukso tukso tayong dalawa. Uuy! Siguro bwisit na bwisit si Pedro kasi lakas kong magthrow back eh.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon