Confession #27

48 4 0
                                    

November 14 na at noong araw na yon ay ang tour natin sa BSP.


Maaga pa lang eh gumora na tayo sa school at maliliit na bag lang ang dala natin dahil hindi naman tayo magkakaroon ng klase. Habang wala pa yung bus na sasakyan nating lahat eh nagchikahan muna ang lahat. Samantalang ikaw eh nakikipagchikahan din sa mga teachers at hindi maiwasang paminsan-minsan eh nagtatama ang paningin natin. It's either ako ang unang iiwas ng tingin o ikaw. Alin man sa dalawang yun.


Hindi ko alam kung nagkakamali lang ang peripheral vision ko pero nahuhuli ka nitong nakatingin din sakin. At pag tinitignan kita pabalik, nagpapanggap kang nakatingin sa basurahan sa tabi ko. May chiks ba sa loob ng sakong yun at ganyan ka makatingin?


Nang dumating ang bus eh nagtakbuhan na ang mga kaklase natin papunta do'n. Since natyempuhang may mens ako nung araw na yon eh mabagal lang akong naglakad dahil baka matagusan ako pag tumakbo. Pagpasok ko sa loob eh occupied na ang halos lahat ng upuan. Uupo sana ako dun sa unahan kaso..


"Sila ma'am uupo dyan!" sigaw ng isang kaklase ko kaya hindi ko na tinuloy ang balak kong pag-upo.


Muli kong iginala ang paningin ko at nakita kong nakangiti lahat ng kaklase natin. Wala na talagang bakanteng seat.. Maliban sa upuan sa tabi mo.


Tinatapik tapik naman nung iba nating kaklase yung bakanteng upuan sa tabi mo.. Ikaw naman eh nakatingin lang sa bintana habang nakapasak ang malaking headset sa tenga mo.


Do I have a choice?


Huminga ako ng malalim at dahan-dahang naglakad palapit sa pwesto mo. Feeling ko papalapit nanaman ako sa kamatayan. Katulad ng unang naramdaman ko nung nasa lower year pa tayo at tinawag mo ko papalapit sayo.


Lumawak ang ngiti ng mga kaklase natin. Napangiwi na lang ako nang ilapag ko ang bagpack ko sa tabi mo. Tumingin ka lang sakin saglit at muli mong ibinalik ang tingin mo sa labas.


Dahan-dahan akong umupo nang hindi inaalis ang tingin ko sayo. Pagkaupo ko eh muli mong binalik ang tingin mo sakin at inirapan ako.


Nagulat ako sa reaksyon mo at gustong gusto ko ng tumawa kaso napigilan ko agad ang sarili ko. Promise. Mukha kang bakla.


Kinuha ko ang bag at hinanap ko ang earphones ko. Pagkakuha ko nito eh ipinasak ko ito agad sa tenga ko. Nagpatugtog ako ng mga kantang rakrakan at pang-jeje para naman malibang ang utak ko. Tinodo ko ang volume at kulang na lang eh lumipad ang eardrums ko sa sobrang lakas nito. Sinadya ko talaga ito para masapawan ng malakas na tugtog ang abnormal heartbeats ko.


Nang pumasok na ang teacher natin sa bus eh nag-umpisa nang magmaneho ang driver. Habang nasa biyahe eh kain ako ng kain ng Piattos habang nakikinig ng music- ang jeje music.


Para namang may sariling utak ang kamay ko at kusa itong kumukuha ng tsitsirya na hindi naman yata napupunta sa bunganga ko. Kukuha sana ulit ako kaso may nasagi ang kamay kong isang nakakakuryenteng bagay.

Nanlaki ang mata ko nang nakita kitang aakma ring kukuha sa hawak kong tsitsirya.


Sinamaan kita ng tingin at ibinaba mo naman ang kamay mo.

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon