Hiyang hiya ako kinabukasan nang utusan ako ng teacher natin na kunin ko daw sayo yung reviewer. Ewan ko ba, palagi na lang ako nahihiya sayo sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Tumayo ako at tumingin sayo na seryosong seryosong nagsusulat sa papel. May test kasi tayo that day kaya hiwa-hiwalay ang upuan. And right there you were sitting in the sixth row fourth seat.
Favorite spot mo yata yan kasi Grade 1 pa lang tayo palagi ka nang nakaupo sa pang anim na row at pang-apat na upuan everytime na may exam tayo. Napaka-good observer ko, noh? Syempre pagdating sayo lang ako ganito.Hindi ko alam kung paano kita tatawagin kasi parang nauubusan nanaman ako ng boses. It's weird thinking na after all those years eh ganun pa rin kalakas ang epekto mo sakin. Mas lumala pa nga kasi bukod sa kinakabahan ako eh nauubusan pa ko ng boses. Dinaig ko pa ang mga pipi sa drama kong to.
Pero dapat normal lang ako kumilos. Baka makahalata silang naiilang ako at hindi makapagsalita.
Mapaghahalataang deads na deads ako sayo pag nagkataon. Okay lang na ko lang ang makaalam, atleast ako lang ang mahihiya sa sarili ko sa mga pinaggagagawa ko.
Huminga ako ng malalim at..
Woo.
"Mamaya na lang!" sabi ko sa sarili ko.
Nakakahiya talaga. Tumayo tayo pa ko ako rin naman pala tong titiklop. Mukhang tanga lang.
Mukhang narinig naman ng teacher namin at sinaway ako na ngayon ko na daw kunin sayo.
Okay. Breath in. Breath out. Panu ko ba to gagawin? Pa'no? T3T
Napansin yata yun ni Christine kaya tinignan nya ko at tawa sya ng tawa. Grabe. Isa talagang malaking kahihiyan pag hindi pa kita kinausap ngayon. As in now na.
"P-pedro? Yung rrr-reviewer daw sabi ni ma'am?"
Grabehan na to. Bulol na ko. Kulang na lang mamilipit ako sa harap mo.
Nagtinginan naman ang mga kaklase natin saken at kasabay nito ay ang pagtitilian.
Inangat mo ang ulo mo at nakita kong wala kang kaekspre-ekspresyong pinapakita. Napalunok naman ako sa pagkabigla dahil narealize kong kinakausap kita at kinakausap mo rin ako.
Hindi naman ako makatingin sa mata mo dahil baka mahalata mong hindi ako mapakali dahil sa kilig. Shemay talaga.
"Anung aklat?"
"Y-yung a-ano daw.."
Peste. Nakakahiya. Ano nga ba yung hinihiram ko? Anu ba yun? Syet! Nakalimutan ko bigla. Kung kelan kailangang gumana ng utak ko eh tsaka pa nagmissing in action. Traydor talaga ang mga internal organs ko.
"Ano?" tanung mo habang hinihintay yung sagot ko.
Hindi pa rin ako makasagot. Hindi ko pa rin kasi maalala kung ano yung hinihingi ko. Ano ba yun? Anu nga ba yun?
"Hindi mo dala yung reviewer?" singit ng teacher natin.
Ayun! Tama! Reviewer. Buti na lang sumingit si ma'am.
"Naiwan ko eh." sagot mo at bumalik ka na sa pagsusulat.
"Hindi mo dala Pedro?" tanung ulit ng teacher natin.
"Naiwan daw po nya eh." sabat ko naman.
"Dalhin mo yan sa bahay ni Lita, ha!"
utos ng teacher natin sayo.Muntik nanaman akong mapanganga pero ngiti na lang ang iginanti ko. Si Peds? As in si Peds? Dadalhin sa bahay yung reviewer?
Slap me now. Hard. Three times.
Physics na ang subject natin at matapos ang reporting eh pinagawa tayo ng essay. Napakawalang kwenta ng essay ko dahil inaantok ako. Pinasa naman ito pagkaraan. Bubunot daw ng papel ang subject teacher natin at babasahin daw ito sa harapan.
Sana hindi ako makatawag. Napakawalang kwenta pa naman nung akin.
Pang-apat kang tinawag at ayun, walang katapusang tilian nanaman na parang isa kang pinakagwapong ipis na nakita ng mga kaklase natin. Paulit ulit nilang sinisigaw yung combined name natin at paulit ulit rin akong kinikilabutan sa pinagsasabi nila.
Pagtapos mong basahin yung sayo eh natigil na ang tilian. At hindi ko inakalang sunod akong tinawag ng teacher natin kaya nag-umpisa ulit magtilian at mas lumakas pa. Pasoulmate soulmate pa silang nalalaman. Pero deep inside kinikilig kilig din ako. Sorry Pedro ha, pero kinikilig din ako pag tinutukso tayo. Secret lang natin 'yun ah.
Pag-upo ko eh inasar asar pa ako ng katabi ko.
"Ayy? Magkaiba kayo ng sagot ni Pedro? Pero ayos lang yan...
.....kasi unlike poles attract."
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Fiksi RemajaThe love that loves the longest is the love that is never returned.