Kinabukasan naman eh pumasok ako ng maaga. Kung bakit? Wala lang. Gusto ko kasing simula 5:40 AM eh malaya na kitang matitigan.
Grabe, habang tumatagal pa-korni ng pa-korni tong confession ko. Sigurado pinagtatawanan na ko ng ibang nakakabasa nito. Hoy ikaw Pedro, wag kang masyadong tumawa. Baka maubusan ka ng oxygen tapos madeadbol ka pa. Ayoko pang mamatay ka ng maaga, mamahalin pa kita. ;">>>
Ekonomiks time no'n at nagtanung yung teacher natin kung sino raw ang INC dito so I raised my hand.
"Lita, diba bawal sa inyo magcelebrate ng araw ng patay?" tanung ng titser natin.
I nodded. "Opo."
"Diba bawal din sa inyo mag-gf bf ng hindi nyo kapanalig?"
"Opo, sir."
"INC ba si Pedro?"
"Hindi po."
Grabe feeling ko nasa hot seat ako."Ah para palang kayo yung KathNiel."
Naghiyawan naman yung mga kaklase natin. At ako eh natatawa na lang din. Ayokong maging defensive noh.
"Pero mabait naman si Pedro ah?" tanung ni Sir.
Psh. Ikaw? Mabait? Siguro pag tulog.
"May naging girlfriend na ba si Pedro?"
Umiwas ako ng tingin at sumagot. "M-meron po."
"Nasa'n na?"
"Nagtransfer na po."
Biglang pumasok sa isip ko yung girlfriend mo. Muntik ko na syang makalimutan. Dapat pala matagal ko ng pinutol ang pagpapantasya ko sayo. May girlfriend ka nga pala, nakalimutan ko.
My thoughts were disturbed nang tanungin ulit ako ng teacher natin.
"Pero may pag-asa ba sayo si Pedro?"
Madami. Madaming pag-asa si Pedro. Sobrang dami na kahit paulit ulit pa nyang mabalewala ang feelings ko eh wala na kong pakialam. S'ya lang naman yung gusto ko eh. Si Pedro lang naman talaga simula pa nang una.
Pag-uwi ko sa bahay eh nahiga na agad ako at nagsenti. Kung bakit? Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako. And oh, nasabi ko na bang dakilang epal ang kapitbahay namin sa buhay ko? Napapansin ko kasing sa tuwing malungkot ako at nagsesenti eh bigla syang magpapatugtog ng mga kantang relate sa nararamdaman ko. Kung minsan gusto ko na syang sugurin at hambalusin dahil sa sobrang right timing ng kanta nya. Gustong gusto ko na syang itapon sa kumunoy at hayaang lumubog dun para magtanda na sya.
(A/N: Pagpasensyahan nyo na yung lyrics kung mali. Di ko kasi nasearch eh. Nagmamadali kasi akong iupdate to)
Late at night when all the world's sleeping
I stayed up and think of you
And I wish on the stars
That somewhere you are, thinking of me tooHaays. Hindi ko tuloy maiwasang sakyan ang kalokohan ng kapitbahay naming epal. Gusto ko na sanang magpahinga kaso ayan ka nanaman Pedro, in-invade mo nanaman yung utak ko.
'Coz I'm dreaming of you tonight
Till tommorrow, I'll be holding you tight
And there's nowhere in this world I'd rather be..Dati rati, palagi kong sinasabi sa sarili ko na gusto lang kita at hanggang dun lang yon. Pero panung-- panung nangyaring pati puso ko tinatraydor na rin ako? Bakit gusto kong mahalin mo rin ako? Bakit ko nga ba iniisip yun? Mahal na nga ba kita?
'Coz here in my room.. Dreaming about you and me..
And it's crazy thinking that in the end of the day, I would end up lying in my bed while thinking of you.
Wonder if you ever see me and I wonder if you know I'm there
If you look in my eyes, and you see what's inside, would you even care?
Sana alien ka na lang at kaya mong makita sa mga mata ko kung gaano ka-espesyal sa paningin ko.
"LITAAA?! MAGHUGAS KA NG PINGGAAAN!"
Napakamot na lang ako sa ulo ko at padabog na tumayo. Grabe, nasa climax na ko ng pag-sesenti tapos biglang umeksena yung nanay ko? WOW. KILL ME NOW.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.