Confession #24

47 5 2
                                    

Kinabukasan pagpasok ko sa school eh hindi sinasadyang nakasabay kita ulit sa pagpasok. Ayoko namang isipin mong sinasadya ko yun because I'm telling you Pedro, sinusunod ko lang ang sarili kong oras sa pagpasok kaya wag ka mag-inaso.


Nahalata ko namang binabagalan mo ang paglalakad para hindi mo 'ko makasabay. At dahil umiral nanaman ang pagka-mapang-asar ko eh binagalan ko rin ang paglalakad.


In short, mukhang tanga lang tayong nagpapabagalan maglakad.


Buti naman at nakarating ako ng payapa sa room at ganun ka rin naman.

English ang unang subject natin kaya hindi ako nakaligtas ng tanungin ng teacher natin kung binigay mo na ba sakin ang reviewer.


Ngumiti ako ng painosente at sumagot gamit ang tonong nangongonsensya.

"Opo. Pumunta po ako sa bahay nila."


"What!? Pumunta ka sa kanila?" gulat na tanung ng maganda naming teacher.


"Opo. Di nya po kasi dinadala eh." sagot ko ulit at sabay yuko.


Hindi ko alam kung naririnig mo 'yung mga pinagsasabi ko Peds. Pero please! Makonsensya ka naman. Hinayaan mong pumunta ang isang (feeling) napakagandang dalaga sa bahay nyo nang dahil lang sa reviewer? Oh God. Conscience, please.


Pfft. And the best actress award goes to me. Lol.


"Woo! Mga galawang Pedro!" sigaw ng kaklase nating echosero.


"Kunwari hindi dadalhin yung reviewer para pumunta sa bahay nila!" pagdudugtong pa nito na naging dahilan ng pagtawa nilang lahat.


Gusto ko na nga ring tumawa ng malakas pero pinipigilan ko lang. Alam ko namang tinatamad ka lang talagang dalhin yung reviewer and that explains everything. Kung alam lang nila. Kung nahahalata lang nila kung gaano mo ka-ayaw sakin.


Nang tumunog ang bell at magbreaktime na eh dali-dali kaming lumabas ng mga kaibigan ko dahil may ikekwento daw si Joyce.


Pagdating sa canteen eh bumili muna kami ng makakain dahil nagugutom na ang mga anaconda namin sa tyan. Pagtapos lumamon eh nag-umpisa na ring magkwento si Joyce.


"Grabe! Hahahahaha! Kinwento namin na inaayos-ayos mo yung bunganga mo noong pumunta tayo kila Pedro!" natatawang balita nito sakin.


"Ano?! Kanino nyo naman kinwento?" magkahalong gulat at curiousity-ng tanung ko dahil alam kong nakakahiya ang ginawa kong yun. At mas lalong nakakahiya pag nalaman mo.


I took a sip on my chocolate shake habang inaantay ang sagot.

"Eh kanino pa ba? Malamang kay Pedro your loves mo!" sagot ni Joyce na parang natural lang ang lahat at sinundan pa nila ng malakas na pagtawa.


"Ah kay Ped- W-what!? Sinabi nyo kay Pedro?!" tanung ko habang nanlalaki ang mata sa pagkagulat. Muntik ko pa ngang mabuga ang iniinom ko sa narinig ko.


"Oo. Tawa nga ng tawa eh." sagot ni Norilyn.


"Hala?!" ang tanging nasabi ko na lang habang hindi pa rin makapaniwala.


Oh mahabaging lupa! Lamunin nyo na ko. Lamunin nyo na ko please.


Hiyang-hiya akong umakyat sa room dahil sa nalaman ko.

Ngayong alam mo na Pedro, anu na lang ang mukhang ihaharap ko sayo?.



Habang recess pa eh napag-usapan naman namin ng mga kagrupo ko ang tungkol sa gagawin naming film. Nag-volunteer kaming tatlo ni Choco este Norilyn na maging scriptwriter tutal wala sa plano namin ang maging artista. Pag wala ka kasing naiambag sa film eh automatic nang wala kang grade kaya maigi ng mag-scriptwriter kesa wala kang magawa para sa film. Habang nag-iisip kami ng concept eh hindi naman ako makapagconcentrate dahil may nakasulat sa blackboard na hindi kaaya aya sa paningin ko.

Capital letters pa nga ito lahat.


At alam mo ba kung anong nakasulat do'n? Yun ay ang combined name nyong dalawa ng bago mong inspirasyon DAW.


Kahit sumasakit ang mata ko eh nagconcentrate na lang ako sa ginagawa namin. Kahit gustong gusto ko ng pumunta sa blackboard at burahin ang pangalan nyong dalawa dun. Kahit gustong gusto ko ng pumunta sa blackboard at iukit ang pangalan nating dalawa. Tama. Gustong gusto ko ng iukit ang pangalan natin do'n para hindi ka na ma-link pa sa iba. Gustong gusto na kitang isako at ikulong para hindi ka na humanap pa ng iba. Bakit kasi hindi na lang ako? Ginawa ko naman na lahat. Mahal kita at hindi ba pwedeng mahalin mo na lang rin ako? Bakit kailangang magkagusto ka pa sa iba? Nandito naman ako at handang mahalin ka.

Para happy ending na. Para maging masaya ang katapusan ng istoryang to.


Kung pwede nga lang sanang kasuhan na lang din ang taong hindi ka mahal, edi sana kulong ka na ngayon. Wala bang batas na ganun dito sa Pilipinas? Nako! Pag naging senador talaga ko magpapasa ako ng batas na ganun. Ipagtatanggol ko ang mga nakakaranas ng one-sided love dito sa Pilipinas! Itatayo natin ang bandera ng mga nagshushunga-shungaan at nagpapakamartir sa pag-ibig!

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon