Confession #39

44 7 3
                                    

'Ate, punta ka po dito, please. May mahalaga po akong sasabihin.'


Pagkabasa ko ng message ni Geng eh dali-dali na kong tumayo at nagbihis. Sabado ng umaga at sobrang ganda ng gising ko. Ewan ko kung bakit, siguro maganda lang talaga ko. Char!


Nagpaalam ako sa mama ko at agad naman ako nitong pinayagan. Excited na kasi akong makibalita kay Geng. Ito kasi si Joselito, dumami na't lahat lahat ang split ends ko eh hindi pa rin nagpaparamdam. Hindi ko tuloy nakwento sa kanyang nililigawan mo na si Fin. For sure pagtatawanan talaga ko nun at ipapamukha saking wala na talaga kong pag-asa sayo.


Pagkarating ko sa bahay nila Geng eh tumambad sakin ang namumugtong mata nya na may eyebags pa. Dinaig pa nya ang sinapak at nagkaroon ng black eye sa itsura nya no'n. Mukha syang walking zombie. Sa tingin ko eh kulang ito sa tulog at kinagat ng tatlong ipis ang mata.


Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa bago ako nagsalita.

"Anung nangyari sayo?"


Hindi sya sumagot sa tanung ko at nanatiling tikom ang mga bibig nya. Aba! Bastos to si Geng ah.


Pinapasok nya ko sa loob at hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagbabago ng mood ko. Parang sobrang bigat ng dibdib ko at wala akong ideya kung bakit. Ewan ko ba, kinakabahan ako.


Umupo sya sa harap ko at nagulat ako nang bigla syang umiyak.


"G-geng? Anung nangyari? Ang bata bata mo pa nabrokenheart ka na?!" birong tanung ko rito para mawala ang tensyong unti-unti ko ng nararamdaman.


Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at tinignan ako habang patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa mata nya.


"A-ate..."

Naiiyak nyang sabi.


"Oh? Ano ba yun? Anu bang iniiyak mo Geng? Nakakaiyak ba ang pagdalaw ko rito? Oh, ito may dala akong manggang—" Hindi na nya pinatapos ang sasabihin ko at kaagad na syang nagsalita.


"W-wala na si Kuya! Wala na sya! A-ate..."


Huh?


Binigyan ko sya ng hindi makapaniwalang tingin.


"Panung nawala? Naligaw? Ang tanga talaga ni Joselito! HAHAHAHAHA" natatawang sagot ko kay Geng na kasalukuyan noong umiiyak.


Anu naman kayang nakakaiyak dun? Eh matanda na yun si Joselito! Makakabalik rin yun sa kung saan man sila nakatira.

Talaga tong si Geng oh!


"Ate! Hindi mo po ba naiintindihan? Wala na sya! Patay na sya Ate! Wala na si Kuya!"


P-patay?HAHAHAHAHAHAHA! Si Joselito, patay na? Ay gagu!

Nasisiraan na yata ng bait tong si Geng eh!

The Boy I Once LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon