First year HS.
Schoolmate pa rin tayo nyan at magkaklase pa rin. Syempre tuwang tuwa naman ako di lang halata. Ay teka, naalala mo ba nung first day? Nakatambay pa tayong lahat sa kubo no'n, tapos nalaglag yung bag ko sa upuan. Ako naman tong si tanga tinignan lang yung bag na gumugulong na palapit sa putikan. Tapos nakita ko.. May kamay na kumuha. May kamay na inabot sakin yung bag. At alam mo ba kung kaninong kamay yon?
Sayo.
Sayong kamay lang naman.
Naks, gentledog.
Sana lang ganyan ka rin pag ako naman yung nahulog.
Lumipas ang mga araw, mas nakilala pa kita at medyo naging close tayo. Halos palagi ka naming kaasaran, katawanan ng mga kaibigan ko. At sa mga panahong yan, mas lalo kong nafigure out yung nararamdaman ko.
Naggroupings tayo noon sa AP, tapos naging kagrupo kita. Apat lang tayo non, dalawang lalaki at kaming dalawa ni Christine. Inassign mo ko bilang secretary ng grupo, at ako naman eh syempre, hindi na nagpakipot pa. Baka kasi pag naging tagasulat ako ng grupo eh mas lalo kong maging ka-close yung leader, who happened to be you.
Nag-umpisa kang magsulat sa scratch paper. Ako naman eh tinititigan ka lang habang seryosong nagsusulat. Habang tinititigan kita, pakiramdam ko mas lalo kang gumwapo sa paningin ko. Oy teka, SA PANINGIN KO LANG AH.
Napatingin ka sakin nun at pakiramdam ko lahat ng dugo sa mga ugat ko eh napunta lahat sa mukha ko. Tangina nagbablush ako. Eew. Anung kulay ng mukha ko nun? Violet?
Kinuha mo yung scratch paper at inabot sakin.
"Itransfer mo sa malinis na papel." mahinahong utos mo habang seryosong nakatingin sakin ang mapupungay mong mata.
Lumunok lang ako at tinanguan ka. Kumuha ako ng malinis na papel at nag-umpisang kopyahin yung mga isinulat mo sa scratch paper. Ikaw rin naman eh nagsulat na rin ng panibago.
Sobrang ingay sa classroom no'n. Maraming naglalakad lakad, nagtatakbuhan at nagtatawanan. Pero kahit sobrang ingay nung mga panahong yan, dinig na dinig ko pa rin yung puso kong sobrang lakas ng tibok.
Parang balewala lang yung nasa paligid basta ang mahalaga, nandito ka sa tapat ko at nakatuon lang sa papel mo ang atensyon mo. Gusto ko palaging ganito, yung malaya kitang natititigan at nandyan ka lang malapit sakin. Masarap sa pakiramdam. Nakakataba ng puso.
Natapos yung pagsusulat natin ng report no'n nang puro lunok at tango lang ang ginagawa ko. Grabe, sa kabila ng kadaldalan ko, ikaw lang pala ang magpapatiklop sakin.
Pero may kalokohan akong ginawa, diba binibigay mo sakin yung scratch paper mo? Inipon ko lahat yo'n at pinupuslit pag di ka nakatingin.
Umuwi ako ng bahay no'n nang masayang masaya. Gumawa ako ng maliit na box, sapat lang para sa mga papel. Doon ko nilagay lahat ng scratch paper at pag may pagkakataon eh tinitignan tignan ko at kusa na lang akong napapangiti. Oy wag kang feeling ha, di ako obsessed sayo. Medyo medyo lang.
Isang nakakaintrigang araw, nagchichikahan kami ng mga kaibigan ko ng biglang masingit ang isang topic na nagbigay ng napakagandang explanation sa nakakagagong nararamdaman ko para sa isang tao, para sayo.
"Sinong crush nyo?" tanong ni Christine saming dalawa ni Joyce.
Kinikilig kilig pa kaming tatlo no'n pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Ikaw? Sino?"
Lumingon ako at nakita kita na seryosong nagbabasa ng Webster habang nakataas ang dalawang paa.
Crush ba kita? Sapat na ba yung nararamdaman ko para gawing batayan ng pagka-incrush?
Umayos ako ng upo at seryosong tumingin sa dalawang kaibigan kong hinihintay ang sagot ko.
"S-si.. Si Patrick." sabi ko at sabay yuko.
Nagtilian naman yung dalawa at pinalo-palo pa ako.
Pero atleast.. Malinaw na yung nararamdaman ko. Crush nga kita.
Sa totoo lang, madami nang nakakahalata nyan na crush kita, pero ewan ko ba sayo. Di marunong makahalata. Letse.
Nagperiodical test na tayo at syempre seryosong nagrereview ang lahat. Kami naman ni Tine at Joyce eh nagtatanungan tungkol sa mga pinag-aralan natin.
Ikaw naman eh sumasali din pero may halong pang-aasar. Girly pa kami kumilos no'n kaya imbes na walis tambo ang ipalo namin sayo eh yung mga bulaklakin pa naming mga pamaypay yung pinampapalo namin, with poise.Isang test na lang ang natitira at yun ay ang Filipino. Kinuha ko yung notebook ko at nagreview nang maramdaman kong may lalaking nakikireview rin sa likod ko habang nakatukod ang dalawa nyang kamay sa upuan ko. Nanginig yung mga kalamnan, laman-loob, bituka at esophagus ko non nang tumingin ako sa taas para maaninag kung sinong hampas-lupa ang nangahas makireview saken.
Psh. Ikaw pala. Ikaw lang pala na crush ko ang nakikireview. Wala lang yon, promise. Kahit gusto ko ng lumubog sa upuan ko at mabura sa mundong ibabaw para hindi mo lang mapansin na nagkakaroon ng kakaiba sakin pag nandyan ka at malapit sa katawang-lupa ko.
Nag-eherm ehem ako pero di ka umalis sa pwesto mo.. Malapit pa rin ang katawang lupa mo sa nanginginig kong biceps.
Napatingin ako sa dalawang kaibigan ko at huling huli ko ang pagsasign language nila sa isa't isa, na obvious namang tayong dalawa ang tinutukoy. Ang sarap pakinggan ng "tayong dalawa".
Hindi ka pa nakuntento at ikaw pa ang nagbuklat buklat ng notebook ko. Ayan mas lumapit ka pa saken. Amoy na amoy ko pa tuloy yung pabango mo.
At hindi lang yung pabango mo, nakakaamoy rin ako ng tagumpay nang magkalapit tayo.
Natigil ang masayang pagrereview natin este ako lang pala, (ako lang naman kasi ang nag-enjoy eh) noong pinabalik na tayo sa proper seats.
Nagbuntong-hininga na lang ako at huminga ulit nang huminga hanggang mawala ang weird na pakiramdam ko.
Grabe, first year pa lang tayo ibang klaseng pakiramdam na ang kaya mong ibigay sakin. Bwisit ka talaga.
BINABASA MO ANG
The Boy I Once Loved
Teen FictionThe love that loves the longest is the love that is never returned.