ZAIN'S POV
Sinalubong ako ng matamis na ngiti ni dad at Zardi nang makababa na kami sa platform na nandon sa harap ng gymnasium. Tapos na kaming umakyat ni mom para tanggapin ang isang medal at certificate.
Kaagad akong niyakap nila nang sabay kaming naglakad pabalik sa pwesto namin. Sa makalipas na tatlong oras ay ganoon ang naging takbo ng ceremony. Hindi ko alam kung anong oras ito matatapos dahil sa marami kaming magtatapos ngayon. Though, hindi ganoon karami katulad sa ibang college, kung ikukumpara ay medyo maliit lang ang populasyon namin sa course ko.
Nang makabalik ako sa pwesto ay tinanaw ko si mom at dad na naroon sa upuan nila. Panay ang sulyap nila sa amin, ganoon din ako. Ngunit alam ko sa sarili ko na kahit saan ko pa man ituon ang atensiyon ko ay naroon lang ito sa hawak kong cellphone. Ilang oras na bago ako mag send ng message kay Kaze, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakatanggap ng reply galing sa kanya.
Though it's not a big deal. I mean, nasanay na ako na ganito. She's not into texting, mas mabuti kung tatawagan mo siya, yun nga lang ay hindi naman siya naglalagay ng contacts sa phone niya kaya ay hindi ko alam kung paano niya malalaman kung sino ang tumatawag sa kanya. Siguro ay memorize niya or what, hindi ko alam. Kakaiba talaga ang babaeng yon.
Napailing nalang ako sa naisip. Muli kong in-open ang inbox ko at pumunta sa message box naming dalawa. Paulit-ulit kong binabasa ang text niya saka ang reply ko. Nilagay ko nalang ulit sa bulsa ang hawak na cellphone.
Lumipas ang mga minuto at paunti-unti na ring natatawag ang lahat. Matapos ang ilang oras ay ginawa na namin ang ilan pang mga parte ng ceremony. Hanggang sa marating na namin ang pagtatapos. Sa ilang oras naming nandoon ay hindi mapawi ang ngiti sa mga labi namin. Nagkita-kita kaming lahat ng mga kaibigan ko, sabay kaming nagpapicture sa isa't-isa habang nandoon pa kami sa loob kanina.
Hindi rin mawala sa mukha ng mga magulang ko ang tuwa dahil sa wakas ay nakapagtapos na ako. I'm not sure what to feel, para kasing ang bilis lang ng panahon and at the same time parang napakabagal din.
"Congratulations!" bati ng mga magulang nila Nathan dahil kami ang magkasabay ngayon palabas ng gymnasium.
"Thank you, tita." ngiti ko.
Bumaling ako nang tingin sa mga kaibigan ko, kanina ay nabati na namin ang isa't-isa pero ngayon ay nandito na naman kami at hindi matahimik sa kaka congratulate sa lahat. Natawa nalang ako.
Sina Psalm, Keil, Axel at Nathan ang kasama ko ngayon at kasabay kong lumabas. Samantalang sina Luke, Martin, Miguel at Ivanny ay kanina pa nauna. Ang sabi ay gutom na raw sila kaya ay pinagbigyan na namin. Isa pa, kasama rin naman nila kasi ang mga magulang nila kaya ay hindi na namin pinigilan.
"So ano na ang next step natin mga dre?" si Psalm habang hinihintay namin na tuluyan na kaming makaalis patungo sa parking lot.
"Of course, we'll have to throw a graduation party!" si Axel na minsan na lang naming makita dahil busy sa girlfriend niyang hindi pa namin nakikita hanggang ngayon.
"That's given, what I mean is after this..." pinutol ni Nathan ang sasabihin pa sana ni Psalm.
"Ano ka ba dre! Syempre maghahanap ng trabaho." tawa niya.
Natawa rin ako. "I don't wanna be unemployed." sabi ko. "Right, Kiel?" siniko ko siya.
"I think it's not hard for you to get a job since madaming connection ang family mo." si Kiel. Natahimik kami. "But for me, ayoko munang mag trabaho after graduation. I wanna enjoy my free life."
Kumunot ng noo namin.
"Ulol!" si Nathan. "Free life! AHAHAHAHAH"
"Baliw, syempre magtatrabaho ako pero hindi after graduation. Tinatamad pa ako eh." lumapit si Kiel sa akin saka umakbay, nagtaka ako.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
