ZAIN'S POV
Tahimik at walang imik na lumabas si Kaze sa sasakyan. Hindi man lang ako nilingon at dire-diretso ang lakad. Napahawak nalang ako sa pinto ng sasakyan at sinara iyon.
Humabol ako ng lakad sa kanya hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Alam kong kami palang ang nandito dahil wala pa doon ang sasakyan na ginamit nila kanina.
"Kaze," tawag ko sa kanya. "Ano bang nangyari doon kanina?"
"Hindi ko alam."
Kumunot ang noo ko sa kanya, mataman siyang tinitigan saka ay hindi makapaniwalang napabuga ng hangin.
"Bakit ayaw mong sabihin sa akin?"
"Zain, wala nga."
Napailing ako sa sinabi niya.
"Hindi ako tanga o bobo para hindi malaman na may kung anong nangyari doon kanina. Whatever it is I know it concerns you dahil hindi ka naman magmamadaling umuwi at bumalik dito kung wala!" hindi ko napigilang tumaas ng kaunti ang boses ko.
Kaagad na nagbago ang ekspresiyon niya na para bang natamaan siya sa sinabi ko at pilit niya iyong tinatago.
"Problema ko na yon, Zain."
"Are you hearing yourself right now?" mahinahon bagaman ramdam ang inis sa boses ko. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Fine, if you don't want to tell me, alright." itinaas ko ang kamay sa ere na para bang sumusuko ako. "But don't make me a fool, Kaze. I hate that."
Natahimik siya, matalim na ang tingin sa akin. Alam kong ganito ang magiging reaksiyon niya. Mahirap siyang basahin pero kilala ko siya.
"Ano bang nangyari doon?" muli kong tanong, ngayon ay mas lalo akong sumeryoso.
Napabuntong hininga siya.
"You're not allowed to tell me?"
Kaagad siyang umiling.
"Hindi sa ganon."
"Then why!?" seryoso ang tingin ko sa kanya. "What's the need of giving me a damn gun, kung wala lang iyon?"
"Hindi ko nga alam!" tumaas ang boses niya. "Iyon ang kinaiinisan ko dahil baka hindi ko mamalayan at mapahamak ka na naman!"
Matalim ang titig namin sa isa't-isa. Nakikita ko ang mabilis niyang paghinga. I know she's upset but I need to know what's happening. Ayokong magmukhang walang kaalam-alam at tumunganga lang.
"Then tell me what it is kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari." lumapit ako sa kanya. "Kaya ko namang protektahan ang sarili ko."
Nagtama ang mga mata namin. May pag-aalala sa mga mata niya ngunit hindi nagtagal ay bigla siyang umiwas ng tingin sa akin. Sa lagay niya ngayon ay alam kong hindi siya magsasalita tungkol doon.
"Alam ko."
Iyon lang ang tanging sinabi niya. Hindi ko rin magawang magalit sa kanya dahil alam ko kung bakit niya iyon ginagawa. And I hate myself for that kasi ako pa ang pinoprotektahan niya na para bang wala akong magagawa. I hate that, pero wala eh. Siya mismo ay ayaw akong papasukin sa parteng iyon ng buhay niya.
"You know that I love you." sabi ko, mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "And I don't regret what we have right now. I don't care even if it will cost my life."
Bumaling siya ng tingin sa akin, mas lalong tumalim ang titig niya.
"Zain, hindi mo ako naiintindihan."
Kumunot ang noo ko.
"Anong hindi kita naiintindihan? Hindi ko gustong hanggang dito lang ako sa buhay mo." umiling ako. "I can risk my life just to be with you."
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AçãoSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
