KAZE'S POV
Nang matapos akong maligo ay kaagad kong pinatay ang shower. Sinuot ko ang kulay puting roba na naroon at nakasabit sa likod ng pinto. Kaagad kong binalot ang aking sarili nang hindi man lang sinusuot ang nakalaang tsinelas. Kailanman ay hindi ko iyon pinansin at kailanman ay wala akong planong suotin.
Malamig ang sahig dahil rin sa mamasa-masa ko pang mga paa. Dumaragdag pa ang nakabukas na aircon sa kwarto.
Kaagad kong pinukol ng mga tingin ang telepono kong naroon sa kama saka ko iyon pahablot na kinuha mula sa kabilang banda ng higaan at mabilis na binuksan. Ngunit ganoon nalang ang panlulumo ko nang makitang kahit isang missed call o text man lang ay wala akong natanggap.
Nang makita ko ang oras ay lampas alas 8 na. Hindi ko nalang iyon masyadong dinibdib at inisip na baka ay kumakain pa sila ng hapunan at may nangyaring salu-salo sa bahay nila kaya ay hindi siya muna makakatawag.
Kung tutuusin ay ayos lang naman kahit mamaya pa siya tatawag dahil iyon naman talaga ang ineexpect ko. Kaya lang siguro ako nagkakaganito ay dahil sa nakita ko. Tsk!
Umiling nalang ako upang matanggal iyon kahit papaano sa isip ko. Ngayon ko lang napansin na panay pala ang tulo ng buhok ko sa roba patungo sa marmol na sahig. Inis kong kinuha iyong tuwalya na naroon sa banyo at kaagad ko itong ibinalot sa buhok ko. Nang matapos ay napagdesisyunan kong mah bihis ng damit kaya ay tumungo na ako sa malaking aparador.
Hinalungkat ko ang mga natitira kong damit doon at nakita ang isang kulay itim na sando na ang napili kong kapares ay iyong kulay abong sweat pants na may kakapalan ang tela. Mahaba iyon at medyo malaki sa akin ngunit siyang gusto ko kapag ganoon ang mga pantalon na sinusuot ko. Napakapresko at magaan sa katawan kahit na medyo makapal iyong pants ay ayos lang dahil malamig naman sa kwarto ko.
Nang matapos ay basta ko nalang hinayaan ang buhok ko na matuyo. Sinuklay ko lang iyon at hinayaang nakalugay saka ay muli akong bumalik sa kama upang tingnan ang telepono ngunit sa pangalawang beses ay bigo akong makarinig ng tawag mula roon.
"Tch." napasinghap ako.
Sa totoo lang ay ayos lang naman sa akin kung sakaling hindi kami makakapag usap ngayon. Kaya ay muli ako nag hintay ng ilang mga minuto. Ayoko pang matulog kaya ay imbes na humig ako sa kama ay binuksan ko iyong malaking bintanang gawa sa salamin at tumambad sa akin ang veranda. May maliit na upuan at mesa s gilid nito ngunit mas pinili kong tumayo paharap sa railings.
Isinandal ko ang isang kamay habang tinitingnan ang mga ilaw mula sa iilang mga bahay na naroon sa di kalayuan. Nasa bandang silangan ito ng bahay at ang makikita mo ay iyong mga bakanteng lote sa paligid. Hindi naman ganoon kataas ang kinaroroonan ko kaya ay limitado lang ang nakikita ko mula rito.
Sinalubong ko ang hangin, malamig iyon lalo pa at katatapos ko lang maligo kaya ay ramdam na ramdam ko ang dulot niyon sa aking mukha at balat.
Doon ko nagpalipas ng sandali, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay napakabagal ng takbo ng oras. Maya-maya ay napagod ako sa kakatayo kaya ay lumipat ako sa upuan na naroon sa gilid. Sumandal ako sa sandalan saka at patingalang tinanaw ang langit.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Napakatahimik ng pligid na tanging ingay ng mga insekto lang ang naririnig ko bukod sa kaluskos ng hangin mula sa palm tree na nasa paligid ng bahay ni Master.
Ngunit ang akala kong paghihintay lang ng ilang minuto ay nauwi sa iilang mga oras. Nang mag desisyon akong pumasok na sa loob ay kaagad akong napatingin sa telepono na hanggang ngayon ay wala parin kahit ni isang tawag.
Alas 10 na ng gabi at wala akong natanggap kahit text man lang. Ganoon nalang ang panlulumo ko. Inisip ko na baka ay pagod na siya mula kanina hanggang ngayon kaya ay hindi niya na magagawang tawagan ako. Tuloy ay napaisip ako kung anong klaseng selebrasyon ang hinanda nila.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
