THIRD PERSON'S POV
Hindi maipinta ang mukha ni Israfel, malalim ang buntong hininga niya saka ay nabuburyong tinitigan ang matandang Arnault sa harap niya. Nakasandal ang likod sa sopa habang magkakrus ang braso, inis niyang tinitigan si Mr. Arnault.
"How long has it been...Mr. Arnault?" sarkastiko ang himig, mahinahon siyang nag tanong.
"It's only been three days, Israfel." tumaas ang boses nito.
"Three days!" umiling siya, "Three fucking days, and still no lead?" inis siyang tumayo.
Umiigting ang panga.
Hindi makapaniwala sa narinig. Tumalikod siya saka ay nakapamaywang na tinanaw ang labas mula sa bintana.
"I did my job to convince him, Israfel. In fact, I am exploiting all my connections! Even Hariel is helping me."
paliwanag nito.
"Your job Mr. Arnault is to give me what I want." mahinahon bagaman seryoso ang boses nitong humarap sa kanya. "Hariel, how can he help you with that? Huh? Tell me!" inis siya nitong nilapitan. "What I want right now is for you to do the damn job immediately."
Sa loob-loob ni Mr. Arnault ay gusto niyang makipagtalo ngunit may boses sa isip niya na sumunod nalang dahil ayaw niyang mapahamak siya. Nakuyom niya ang palad at huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili.
Kung wala lang siyang utang na loob sa lalaking ito ay hindi niya hahayaang sigaw-sigawan lang siya nito.
"Hariel is helping me to locate Cluade. We can use him as bait and lure them."
"That's not the answer that I want. Whatever you think that you should do, make sure it won't take long, Mr. Arnault." matalim siyang tinitigan nito. "My patience is thin."
"Tomorrow, I'll make sure that it's done." sagot ni Mr. Arnault matapos ang ilang saglit.
Iniisip niya na kung hindi lang siya binantaan ni Israfel na papatayin siya at matagal niya nang pinutol ang koneksiyon nila sa isa't-isa. Kung hindi niya lang ito kailangan upang mapatakbo ang negosyo niya ay hindi niya pipiliing makatrabaho ang lalaking iyon.
Ngunit wala siyang magagawa dahil ngayon ay hawak siya sa leeg ng mga Tanis.
"You better do that, Mr. Arnault." banta ni Israfel bago ito humakbang palayo sa kanya. Para bang kutsilyo ang talim ng mga mata nito na siyang tumutusok sa kanya. "Or else you'll end up like that bastard." tukoy nito kay Kalem.
Walang nagawa si Mr. Arnault kundi ang sumangayon kay Israfel. Hindi niya lubos akalaing dadating sila sa ganito, na gagamitin siya ng lubos ni Israfel. Hindi niya naisip na iyon din naman ang plano niya sa pera ng mga Tanis noong una. Ngayon ay tila ba wala siyang karapatan upang mag reklamo sa kung ano man ang iutos ng mga ito sa kanya.
Inis na tumayo si Mr. Arnault, kinapa niya ang telepono sa loob ng bulsa ng kanyang americana. Habang palabas siya sa bahay na iyon ay mabilis niyang binuksan ang telepono, sa kalagitnaan bago pa man siya tuluyang makalabas ay may naisip siya bigla.
Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Hariel, makalipas ang ilang segundo ay sinagot na nito ang tawag niya.
"Mr. Arnault, why did you call?" sa matigas na tono, ani Hariel sa kabilang linya. Maririnig mo ang tabas ng dila nito na hindi sanay sa pagbigkas ng Ingles.
"How is the plan going?" nagsimula siyang maglakad patungo sa kotse niya.
Si Hariel ay kamag anak ni Israfel, nag-iisang anak ito nang pinsan ng ama nila. Noong bata pa ito ay hindi niya na nakita ang parehong magulang dahil namatay sa aksidente kaya ay sa magkapatid na Tanis na nakatira si Hariel noon pa man simula nang mawalay ito sa mga magulang niya. Kung tutuusin ay ang ama at ina na ni Israfel ang nagpalaki dito.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
