KAZE'S POV
Inis akong napabalikwas sa malambot na higaan. Hindi mapigil ang kabog ng dibdib ko dahil alam ko importante ang araw na ito para kay Zain.
Inis akong napapikit at napakagat labi dahil sa inis na bumabalot aa buo kong katawan. Hindi ako nakatulog kanina at inabot na ako ngayon ng madaling araw dahil sa dami ng iniisip ko. Lumipas ang mga oras hanggang sa sumilip na ang araw kaya ay lumabas nalang ako ng kwarto.
Nadatnan ko sa ibaba, sa kusina si Vior kasama si Gabraiel na nagluluto ng kung ano. Tumaas ang kilay ko.
"Kailan pa yan natutong magluto?" bungad ko na ang tingin ay nasa likod ni Gabraiel ngunit si Vior ang kinakausap ko.
Nag kibit balikat lang siya. "Heto," aniya at iniabot sa akin ang plato na mayroong nakahilerang tinapay. Kumuha ako at kumagat doon.
"He knows how to cook...but doesn't like it." ani Vior, at napalingon din kay Gabraiel.
"Ah..." reaksiyon ko. "Si Master?" pag-iiba ko sa usapan.
"Your brother left early..."
Tumango lang ako at hindi na nagtanong pa. Alam ko kung ano ang ginagawa niya kaya ay hindi na ako nagtanong pa.
Sumulyap ako sa orasan na naroon sa may sala at nakitang mag aalas nuebe na ng umaga. Napaisip ako, ngayon ang araw ng graduation ni Zain ngunit hindi ko alam kung anong oras magsisimula. Tsk!
"Vior, maari mo bang alamin kung anong oras iyong graduation ni Zain?" kalaunan ay sambit ko.
"What course is he enrolled in?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam ang kurso niya." sagot ko.
Napatawa ng mahina si Vior saka ay umiling. Tumalim ang titig ko sa kanya.
"Huwag nalang." bawi ko.
"Kaze...chill." aniya at sumeryoso. "Fine. Just wait a sec."
"TSS." iling ko saka ay umupo sa highchair.
Maya-maya pa ay inilapag na ni Gabraiel ang mga niluto niya. Dahil kaming tatlo lang ang nandito ay maingat din niyang inilapag ang tatlong malalaking puting plato saka niya kami niyayang kumain.
"Are you planning to go there?" si Vior na abala sa pagpindot sa hawak niyang telepono kaya ay sumulyap lang sa akin.
"Yes." sagot ko. Napatingin si Gabraiel sa akin habang humihigop ng kape.
"Your brother told you not to."
"At sino ka para sabihin yan sa akin?" inis na tanong ko.
Natahimik siya.
"Have you lost your manners?" gulat ako nang marinig ko ang boses ni Master mula sa likuran ko. Kunot noo ko siyang nilingon.
"Tss." iling ko saka sinabi "Akala ko ba umalis ka?"
"Yes, and I just arrived." malamig na aniya at hinubad ang suot na coat at saka iyon ipinatong sa braso niya.
Nakita ko na tumingin muna siya kay Vior bago tumingin sa akin na mayroong blangkong mukha.
"When you're finished eating, go to my office. RIGHT AWAY." ma awtoridad na aniya saka siya umalis kaagad at umakyat na sa itaas.
Natahimik kami saglit bago ako nagpakawala ng marahas na hininga.
"Pasensya ka na, Vior." usal ko habang ang tingin ay naroon parin sa kaninang pwesto ni Master. Nang ibaling ko ang tingin kay Vior ay nakatingin na siya sa akin. Di hamak na mas matanda siya sa akin kaya tama lang na pinagsabihan ako. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang maging bastos kapag naiinis ako.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AçãoSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
