Chapter 47

8 0 0
                                        

ZAIN'S POV

"Bakit ba kayo natagalan kanina, anak?" boses ni mom ang narinig ko mula sa aking likuran. Kaagad ko siyang nilingon.

"May dinaanan lang." rason ko. Pwede ko namang sabihin sa kanya kung ano ang totoong dahilan, ayaw ko lang na baka tanungin niya ako ng mga kung ano at wala akong masagot sa kanya.

"Was it because of the cake?" nilingon ni mommy ang cake na naroon pa sa mesa. "Madami ka namang cake." tawa niya.

Napatawa nalang din ako. Katatapos lang namin mag dinner ng buong pamilya. Nandito ako ngayon sa kusina at hinahanda iyong mga snacks mamaya para sa pool party dahil pupunta rito ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang ay na surprise ako dahil hindi ko naman alam na may ganoong usapan pala sina mommy at ang mga kaibigan ko.

Kaya pala ay may mga maliliit na table sa pool area, at kaya pala ang daming pagkain dahil sa plano nila.

"Actually, mom." humarap na ako sa kanya at iniwan ang ginagawa. "Kaze was there."

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Bakit hindi mo siya dinala sa amin ng dad mo sa that we can greet her?" tanong niya.

Napakamot ako sa ulo, ito ang iniiwasan kong mangyari. Sa totoo lang ay madali namang magsinungaling at hindi sabihin kay mommy ang totoong dahilan kung bakit natagalan ako, kaya lang ay nakokonsensiya ako.

Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy na sa ginagawa. Nilalagay ko sa skewers iyong mga karne para i grill mamaya sa labas. Ewan ko ba kung bakit ganitong pagkain ang hinanda, baka mag inuman pa iyong mga kaibigan ko dito sa bahay. Tsk!

"Anak, are you okay?" agap ni mommy.

Ngumiti ako. "Yes mom, don't worry. Ayos lang ako."

"Why don't you invite her tonight?" ngiti niya rin.

"I think it's late already. Isa pa, she said she's a bit busy kaya bukas nalang siguro kami mag d-date." sagot ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni mommy. "That's great, as much as I want to see her," tukso niya sa akin, "I think it's also nice if you can have a date tomorrow. Just the two of you."

Napangiti rin ako saka tumango.

"Alright, I'm just gonna go upstairs. Enjoy the rest of the night, gentlemen." matamis siyang ngumiti saka ay kumaway pa sa akin.

Ako na siguro ang pinakaswerteng anak sa mundo, kaming dalawa ni Zardi dahil napakabait ng parents namin. They never pressure me, palagi lang silang nandyan sa tabi ko at nakasuporta. It's so nice to have such parents like them. Wala na siguro akong hihilingin pa.

Lumipas ang ilang mga minuto at nagsidatingan narin ang mga kaibigan ko. Nagulat ako ng makita ko ang mga dala nilang cake. Mga nasa apat yata at mas nadagdagan pa ang kaninang dalawa na binili nila mommy.

"Naknang...ano ba yang pinagdadala ninyo." ungos ko saka isa-isang kinuha ang mga dala nila nang marating namin ang kitchen.
"Tsk! Tsk!" Sinundo ko kasi sila sa may sala.

"Dre, ganyan talaga kami ka sweet pagdating sayo." tawa ni Nathan. "Oh eto kiss para di ka na magsungit."

Sumugod siya sa akin at akma akong hahalikan sa labi nang itulak ko siya palayo.

"HAHAHAHAHAHAHA." natawa sila.

"Ano yan?" si Luke na kadadating lang din, kaagad siyang lumapit sa kitchen aisle. "Mga dre, di niyo man lang naisip na baka magka-diabetes tayo niyan?"

"Hayaan mo na di naman ikaw ang bumili." asik ni Psalm sa kanya saka sila muling nagtawanan.

Natawa ako, "Mga bwisit." sambit ko at inilingan sila. "Buti pa dalhin niyo to sa labas so that we can start our party para maka uwi na kaagad kayo." biro ko.

BOLD AND BRAZEN | BOOK 2Where stories live. Discover now