THIRD PERSON'S POV
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Klane nang makita niya ang tambak na paperwork na ipinadala ng secretary niya kanina. Sa sobrang busy niya ay minsan nakakalimutan niyang mayroon pa siyang negosyo na kailangang bigyan ng oras.
Ngunit ngayon pa ba niya iisipin ang trabaho sa ganitong sitwasyon?
Naroon siya sa mababang mesa ng kanyang opisina, nakaupo sa malapad at malambot na sopang gawa sa balat ng hayop. Iyon iyong pwesto kung saan niya tinatanggap ang mga bisita kung sakali mang may dadalaw sa kanya. Malapad ang espasyo niyon at bukod sa malaki ang upuan ay napaka lambot din. Nakatingin sa kawalan at tila ba malalim ang iniisip. Kaharap ang kanyang laptop, sa gilid naman nito ay ang bote ng red wine na kanyang iniinom.
Tumingin siya sa relong pambisig, nasapo niya ang noo nang makitang mag gagabi na. Kanina ay umalis siya upang tumungo sa resort niya sa Isabella, kung naroon siya sa bahay niya ay hindi siya makakapag isip ng maayos lalo pa at tila hindi sila magkasundo ngayon ng kapatid niya.
Bukod sa iilang mga tauhan niya sa resort ay si Rex at Jax lang ang kasama niya rito simula kanina. Bumibisita siya sa resort upang kumustahin ang dalawa niyang pinsan dahil mayroon siyang importanteng pinapagawa sa mga ito.
Si Vior naman ay naisipan niyang papuntahin rin dahil mayroon silang pag uusapan. Hindi naman na bago sa mga kasama niya sa bahay lalo na sa kay Kaze na palaging umaalis ng bahay ang kapatid niya.
Muli siyang napasulyap sa kumpol kumpol na mga papel na naroon sa kaharap na desk niya. Inis siyang napailing saka ay kinuha ang laptop at hinanap ang pangalan ng sekretary niya.
Habang ginagawa iyon isang katok ang narinig niya mula sa pinto. Hindi na siya sumagot pa dahil bumukas lang iyon at iniluwa si Vior na kararating lang mula sa bahay niya.
"How is she?" kaagad na tanong niya kay Vior. Ibinaling ang tingin mula sa laptop patungo sa kaibigan.
"She's fine, you don't have to worry." ani Vior saka ay lumapit at umupo sa katabi niyang sopa. Iyonf upuan na pang isahan sa may bandang kanan niya.
"Did you tell Gabraiel what to do?" muli ay tanong niya.
Tumango si Vior. "Yes, don't worry too much Klane. Kaya niya ang sarili niya."
"I know, I know." tumingin siyang muli sa laptop na nakapatong sa hita niya.
"Why don't you let your secretary do all that work?" tanong ni Vior habang nakatingin na rin sa laptop, saka niya ibinaling ang mga mata kay Klane. Para bang ramdam niya ang bigat ng pasanin dahil sa mukha ng kaibigan.
"I told her to take a vacation."
"What? Now that you need her the most you decided to let her go on a break?" tila di makapaniwalang sambit ni Vior.
"Let's not talk about my business here shall we?" may bahid na inis sa tinig ni Klane. "I already sent an email to her. She can take care of this while she's on a vacation. Besides, I told that she'll have a raise."
"Well then, that's good." tango ni Vior. "Iba talaga ang nagagawa ng pera." bahagya siyang tumawa.
"That's what money can do." aniya at suminghap kapagkuwan ay bigla nalang isinara ang laptop saka ito ibinalik sa lamesa. "This game is all about money. People need it and that's why they do what they can just to have it."
Nabalot sila ng katahimikan, ganoon kalalim ang pinanggalingan ng mga salita ni Klane. Sa isip niya ay wala namang masama at mabuti sa pera. He thinks that these are just pieces of insignificant value that makes the world revolve. Nasa tao parin kung saan at sa paanong paraan niya kikitain at gagamitin. People are just making a living.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AçãoSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
