ZAIN'S POV
Nang lumabas kami sa kwarto ni Kaze ay panay ang sulyap ko sa mukha niya. Walang emosiyon, blangko ang mukha niya nang magtama ang paningin namin. Kung tutuusin ay wala naman dapat akong iisipin kahit pa tumawag si Grace dahil wala naman akong pakialam sa kanya.
I don't even mind her presence not until umamin siya sa akin kagabi. Nakakabigla dahil hindi ko inisip na magkakagusto siya sa akin. Well, I tried to like her, before, noong hindi pa bumalik si Kaze. And I hate myself for that, tsk!
I feel guilty, gusto kong sabihin sa kanya pero at the same time baka magalit siya sa akin. And I hate to admit it na sinubukan kong magustuhan si Grace, even though I didn't like it. And I did that just because I thought I coud forget her if susubukan kong magustuhan si Grace. Pero hindi iyon nangyari dahil dumating si Kaze, bumalik siya, and even if she didn't come back malabong magustuhan ko si Grace.
"Zain?" napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko.
Nakaupo ako sa malaking sopa dito sa sala. Habang siya ay kagagaling lang sa kung saan, kaagad siyang lumapit sa akin. Tumayo sa mismong harap ko, tumingala ako sa kanya.
"Kailan ka uuwi?" tanong niya.
"Pinapauwi mo na ba ako?" biro ko. Umirap siya sa akin.
"May gusto sana akong puntahan ngayon. Gusto ko sumama ka."
"Saan?" Humawak ako sa bewang niya upang mas lalong siyang lumapit sa akin.
"Sa dati kong condo."
"Anong gagawin mo doon?" kunot noo kong tanong.
"May kukunin lang ako."
"Ngayon na?"
Tumango siya saka ay kumawala sa pagkakahawak ko. Sumenyas siyang magpapalit ng damit at kaagad na umakyat sa kwarto niya. Hindi nag tagal ay kaagad din siyang bumaba. Niyaya akong lumabas na kami.
"Do you mind telling me kung ano ang kukunin mo doon?" tanong ko habang sumusunod sa kanya sa labas.
"Basta." mabilis na aniya. Lumingon siya sa akin saka at tumigil sa paglakad. "Pwede bang sasakyan mo iyong gagamitin natin?" aniya.
"Yeah..." that's what I thought. Ayokong magdala siya ng sasakyan niya.
Lumakad na ako upang pantayan ang lakad niya hanggang sa marating namin ang gate. Nauna ako ng bahagya kaya ay pinagbuksan ko siya. Tumingin siya sa akin ngunit hindi ko na nakita ang mukha niya dahil tuluyan na siyang nakalabas bago ako sumunod sa labas.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ng pants ko at binuksan iyon gamit ang keyless feature. Dali-dali akong pumunta sa passenger seat at pinagbuksan siya. Pumasok na siya sa loob at matapos non ay umikot na rin ako sa driver seat at tuluyan nang pumasok.
Noon lang siya nag lagay ng seatbelt nang kinabit ko ang akin.
"Let's go?" sumulyap ako sa kanya.
Hindi na siya nagsalita sa halip ay tumango lang at sumenyas na umalis na.
"Nag s-stay ka ba doon sa condo mo sometimes?" tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe namin.
Ilang minuto na rin kaming nakasakay pero para bang wala siyang ganang kumibo man lang sa akin. Hindi pa siya sumagot kung hindi ko siya sinulyapan.
"Hindi na."
Iyon lang, tipid ang sagot. Pinakiramdam ko siya dahil bigla ay nagbago ang mood niya. Panay ang sulyap ko sa kanya habang siya ay nasa harap lang ang tingin at ni minsan ay hindi man lang tumingin sa akin.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
