KAZE'S POV
Hanggang ngayon ay nakatingin parin ako kay Zain habang abala siya sa ginagawa. Nakatalikod sa akin habang pinupunasan iyong mga basang plato saka niya iyon sinalansan sa lalagyan na nasa gilid lang.
Para akong nanonood ng telebisyon sa nakikita kong tanawin mula rito. Mukha siyang artista kahit napakasimple ng suot niyang sweatpants at simpleng gray na t-shirt. Kung iisipin ay para bang kagagaling niya lang gumising at kaagad na pumunta dito sa amin.
Gayun man ay hindi ko parin matago na gusto ko siyang tanungin kung ano ang ginawa niya kagabi. Gusto ko lang namang malaman, hindi ko alam pero mayroong kakaiba sa kutob ko.
Nagtama ang paningin namin nang humarap na siya sa akin. Hinubad niya ang suot na apron at nilukot iyon sa kamay niya. Basa na iyon maging ang tshirt niya ay may bakas na rin ng tubig.
"Akin na." lumapit ako saka ay kinuha ang hawak na apron sa kamay niya.
Saka ko iyon inilagay sa ilalim ng lababo kung saan mayroong mga lalagyan ng kung ano, naroon din ang iba pang mga apron na hindi pa nagagamit.
Sa lagay niya ngayon ay para bang hindi naman totoong naghuhugas siya ng pinggan. Basang-basa kasi ang apron maging iyong damit niya. Pinasadahan ko siya ng tingin.
"Nabasa ka pa tuloy." sambit ko ngunit nakatitig lang siya.
"Kaze, pwede bang mag usap tayo?" bigla ay sambit niya.
"Nag-uusap naman tayo ngayon ah." sarkastiko kong sagot.
Kumunot ang noo niya.
"Kaze." pairap na tawag niya.
Nagkatitigan lang kaming dalawa bago ko iniwas ang tingin sa kanya.
"Kukuha lang ako ng damit sa kwarto, basa iyang damit mo." sambit ko saka ay kaagad na humakbang palayo sa kanya.
Habang paakyat ng hagdan ay iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na nagtatampo ako. Pero ang problema ko rin ay di ko alam kung sapat ba na rason iyon upang umakto ako ng ganito. Tss.
Rinig kong sumunod siya ngunit hinayaan ko lang hanggang sa tumigil ako sa harap ng kwarto ko saka ko siya nilingon.
"Diyan ka lang sa labas--" naputol ang sasabihin ko nang inunahan niya akong buksan ang pinto ng sarili kong kwarto.
Hindi makapniwala akong tumingin sa kanya nang lingunin niya ako at tinaasan ng kilay.
"Come in." aniya sa kaswal na boses.
Napailing nalang ako sa ginawa niya. Narinig ko nang sumara ang pinto saka ay tumayo siya sa likod ko.
"Your room looks so spacious." kumento niya. Ganoon siguro kalapit ang katawan namin sa isa't-isa dahil ramdam ko nang magsalita siya.
Hindi ko siya sinagot sa halip ay dumako na kaagad ako sa aparador. Mabuti nalang at hindi ko naramdaman na sumunod siya. Kaya ay binuksan ko na ang dalawang pinto niyon at saka ay naghanap na.
"May kakasya ba sa akin diyan?" tanong niya.
"Meron..." kinuha ko iyong kulay puting t-shirt. "Sayo naman kasi to, pinabili ko."
"What?"
Humarap na ako sa kanya at nakita ko siyang nakasandal sa may pintuan. Nakapamulsa habang nakatitig na sa akin.
"Pinabili ko nong na ospital ka." sagot ko.
Hindi man lang siya kumibo o nagpakita ng kahit anong reaksiyon nang sabihin ko iyon sa halip ay inayos niya lang ang tindig sa ganoon paring posisyon.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
AksiSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
