ZAIN'S POV
Isang marahas na hinininga ang pinakawalan ko. I hate myself for letting her feel that way. Kung sinabi ko nalang sa kanya ay hindi kami aabot sa ganito.
And ayaw ko ring idiin sa kanya iyong sitwasyon kanina dahil baka isipin niyang binabaling ko doon ang problema.
If she can't tell me, what's new? anong bago doon. For the past years, she doesn't want to tell me. Sinabi ko na noon na hindi ko ja siya pipilitin pa pero heto ako at kinakain din ang sinabi ko. But what could I do? I love her that it hurts me to think about it.
Ngayon ay araw ng Lunes, para bang nanibago ako dahil wala na akong pasok. Noon ay alas nuebe ay nasa school na ako at naghihintay ng klase namin sa minor subjects. But today, nasa kwarto lang ako at nakatunganga.
I texted Kaze multiple times but I got no reply, kahit tawag ko ay ayaw niyang sagutin. It has been 2 days and it's torturing me to death.
Maya-maya ay kumatok ang maid namin sa kwarto ko pinapaalam sa akin na kakain na kami ng lunch. My mom informed me kanina na uuwi sila kaya gusto niya raw ay sabay kaming kumain.
Sinabi ko nalang sa maid na bababa na ako maya-maya kaya iyon ang ginawa ko. Lumabas na ako ng kwarto, tinanaw ko ang dinning area at nakiya ko doon si mommy at dad. Nang makalapit ako sa kanila ay kaagad akong umupo.
"Ayan na pala si Zain, tara kain na tayo." si mommy na sumenyas sa akin na umupo na.
"Are you okay?" tanong niya.
"Yes..." kaagad kong sagot. "Nanibago lang dahil wala na akong pasok." ngiti ko.
"That's when you realize anak na unemployed ka. Hahaha." tawa ni mommy.
Ngumiti kami ni dad saka ay tumawa.
"Darling, kailangan niya pang mag review for the licensure exam." napatingin ako kay dad. "Or if he wants to, he can pursue business in our company." tumingin siya kay mom, "Right?"
Humawak si mommy sa braso ni dad. "Dear, it's up to him kung ano ang gusto niyang i pursue. We can't dictate him on that matter."
"Oh right, so what's your plan, Zain? If you want to have your review, I can arrange that for you, anak."
Hindi kaagad ako nakasagot kasi sa totoo lang nawala iyan sa isip ko.
"Ako nalang ang gagawa niyan, dad." sagot ko kalaunan.
"Oh, so you're pursuing your degree?"
"Yes...dad." sagot ko.
"That's good to hear, Zain." kumento ni mommy na ngayon ay sinimulan nang isalin ang pagkain sa kanyang pinggan. Tumingin siya sa akin at inalok ako na kumuha na rin.
"Para at least kapag wala na kami ng dad mo, meron kang naitayo para sa sarili mo."
"Mom, matagal pa bago mangyari yan."
Nang matapos na kumuha si dad ay ako naman ang nagsalin sa plato ko. Kaunting rice lang ang kinuha ko saka maraming ulam.
"It's the reality. That's why you should focus on planning the things for the real world." aniya na may diin ang dalawang huling salita.
Tumango nalang ako saka ay kumain na, ganon din sila. Kaming tatlo lang ang nandito dahil may pasok si Zardi at doon na siya sa school mag lu-lunch since whole day ang pasok niya.
Maya-maya ay hindi na nagsalita pa sina mom at dad dahil nagpatuloy na sila sa pagkain. Nakatingin lang ako sa pinggan bago ako nagsimulang kumain.
Parang ngayon lang nag sink in sa akin ang mga sinabi nila mom at dad, na iyon pala dapat ang inaasikaso ko ngayon. Hindi naman nila ako minamadali but ayaw ko ring magpakampante lang. I don't want them to think na I'm not planning for my future. Yes, may pera kami but sa parents ko yon. Ayaw ko ring pumasok sa company ni dad na hindi ako qualified.
YOU ARE READING
BOLD AND BRAZEN | BOOK 2
ActionSequel to book 1 formerly, GANGSTERS. This book has adapted a new title. However, the contents, characters, events and all the details of what has been written in this book remained the same. Thank you for understanding! I have plans to discontinue...
