Chapter 1
"George!!!! buksan mo to! Tatlong bwan muna akong binubukas! magbayad kana ng upa!" napahikab ako dahil sa boses ni Aling Mayet
Hindi pa natutunaw ang muta ko pero ayan nanaman ang human alarm clock ko---nag stretch muna ako bago magtungo sa pinto kong malapit ng bumagsak kakakatok niya. Parang high-end condo naman itong paupahan niya, hindi na siya nahiya sa mga kapitbahay sa matinis niyang boses.
"Aling Mayet! Magandang umaga sa magandang ginang na tulad mo---aray naman!" nahimas ko ang ulo ng pukpukin niya ako ng dyaryo
"Wag muna akong bolahin George! amin na ang renta mo! kung hindi kapa magbabayad ngayon ipaparenta ko na ito sa iba!" muntik ko ng takpan ang tenga sa lakas ng boses niya eh magkatapat lang naman kami
"Aling Mayet! ang puso mo, wag kang masyadong high blood! dumadami ang wrinkles mo ohh, ikaw rin baka hindi ka magustuhan ni Manong Boyito nyan" sa sinabi ko ay mabilis niyang hinawakan ang pisnge at noon niya..
Si Aling Mayet ay ang landlord sa nabubulok ko ng inuupahan, singkwentay singko anyos na siya at isang balo at may isang anak--talagang nakakatakot ang itsura nito, palaging naka sabit sa buhok niya ang sampung curler, laging naka-duster, at sa gilid ng labi niya ay nakasuksok ang Marlboro.
Malaki ang katawan niya at kung tumingin ay nanlilisik kaya ang mga nangungupahan ay mabilis na nagbabayad upang hindi sila madakdakan ngunit ako ay tatlong bwan ng hindi nakakapagbayad at dinadaan lang sa pambobola.
Palagi niyang sinasabing papaalisin na niya ako ngunit hanggang ngayon ay narito parin ako at binobola nanaman siya
"Hay nako! sino bang maysabing gusto ko ang lintek na Boyitong iyon!!--" natigilan siya ng mabilis kong ituro likuran niya " Si Manong Boyito!!" sabi ko na mabilis niyang nilingunan
"Saan?" aligaga niyang sabi kaya lihim akong napangiti
"Kita muna po--ouch!"muli niya akong hinampas ng dyaryo at binugahan ng usok ng sigarilyo
"Magbayad kana George! natanggal nanaman sa trabaho si Bojo kaya kailangan ko ng pera!" Nilahad niya ang palad saakin kaya alanganin akong ngumiti
"Aling Mayet kase ano.... wala pa akong sahod pero pramissss! magbabayad ako sa oras na magkapera ako!" naggpacute ako sa harap niya ngunit umirap lang ito
"Siguraduhin mong magbabayad ka! lintek ka talagang bata ka! sa dami-dami ng uupahan dito kapa sakin napunta!" tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo habang dumadakdak
"Haaaay nako! ang kukunat magbayad! hoy kayo jan! magbayad na kayo, Hoy Arlene! wag kang shishilip-shilip jan akinahh ang bayad mo!" dahil may nakasuksok na sigarilyo ay mahirap intindihin ang sinasabi niya
Mabuti na lamang ay muli ko siyang nabola dahil wala talaga akong pera at tanging si Manuel nalang ang laman ng wallet ko---kailan ko kaya muling mahahawakan ang magasawang Aquino at si Josefa, Jose at Vicente?
Ang hirap ng walang pera legit! naging sunod-sunod kase ang bayarin sa school kaya nasagad nanaman ako, sa edad na bente ay namumuhay na ako magisa, nagworking student ako para lang makapagaral.
Konting tiis nalang, isang taon na lamang ay gagraduate na ako sa kursong Tourism...pangarap kong maging flight attendant, upang mahanap ang Papa ko.
Pagbukas ko ng kaldero ay ang lamig na kanin at tuyo ang nabungaran ko---tinititigan ko ito na parang bigla nalang siyang magiging letchon...haaay ano pa bang aasahan ko. Bumuntong hininga ako at sinimulan nalang na kainin ang tira ko kagabi
Susubo sana ako ng may muli nanaman kumatok, si Aling Mayet nanaman! kasasabi ko lang na wala pa akong pera ehh!
Kahit naiinis ay pinagbuksan ko siya ng pinto-- napaatras ako ng hindi si Aling Mayet ang kumakatok kundi si Shaira
"Bat ang tagal mong buksan??" nakataas kilay na tanong niya
"Akala ko kase si Aling Mayet nanaman" tumalikod ako at binalikan ang kinakain ko
"Hindi kapa nakakabayad?, sabi ko na nga ba at tuyo nanaman ang ulam mo, I told you, you can stay in our house" maarteng nagpaypay siya---napailing nalang ako ng nandidiri niyang hawiin ang nabubulok ng saging
"Ayokong makitira, kaya nga ako umalis saamin dahil sa mga sinasabi ng byenang babae ni Mama" narinig ko ang buntong hininga niya
Naglapag siya ng styro sa mesa---alam kong ulam nanaman ang laman nyan palagi naman. Ewan ko ba sa hilaw na intchik na ito bakit dalaw ng dalaw tapos kung ano-ano pa ang sasabihin
"We won't do that to you naman--- or lipat kana lang ng bahay it's so kadiri here!" hindi ko nalang siya pinansin at nilantakan ang dala niya
Siya si Shaira Chua ang half Chinese kong kaibigan, classmates kami sa isang subject at dahil lagi kaming seatmate ay naging malapit kami sa isat-sat. Mayaman sila di tulad ko na mahirap pa sa daga, maarte siya pero may mabuti namang puso.
"I gotta go na, so mabaho here! if you need something just call me" tumango ako sa sinabi niya
"Sige salamat, wag kana kaseng punta ng punta dito lalamukin lang yang makinis mong legs" pahabol kong sabi bago siya lumabas
Habang nagliligpit ng pinagkainan ay napansin ko ang 500 na nakaipit sa notebook ko, talaga naman ang babaeng iyon talaga! baka sabihin pa ng iba na pineperahan ko lang siya
Naligo ako at nagbihis dahil may pasok pa ako ngayon, dala-dala ko rin ang mga Avon products na binebenta ko sa mga classmates ko. Mabuti na lamang ay may scholarship ako sa unibersidad na pinapasukan ko at ang tanging gastos lang ay ang projects at mga materials na ginagamit namin.
Dahil lunes ngayon ay maraming pasahero kaya pahirapan ang sumakay, talagang nakipagsiksikan ako sa keep dahil ayokong malate may exam kami ngayon
"Manong para!" sabi ko sabay abot ng bayad
"Miss bakit kalahati lang ang bayad?" rinig kong tanong ng driver
"Ehh kalahati ng pwet ko lang po ang nakaupo eh" sabi ko at mabilis na tumakbo upang wala na siyang magawa -- dapat akong magtipid ngayon dahil wala pang sahod,
Muntik na akong malate mabuti na lamang ay naunahan ko ang Prof. Dimaculangan. Mabilis kong hinanda ang ballpen at eraser ko at hindi na inayos pa ang buhok kong parang tinirhan ng uwak sa gulo
"Good morning! Class bring your pen, we're going to start in a minute!" masungit niyang sabi--palibhasay matandang dalaga--- sa lahat ng Prof ay siya ang pinaka strikta ngunit pinakamagaling
Habang nageexam ay may tumulong pulang likido sa test paper ko kaya napahawak ako sa ilong ng maramdamang may tumutulo duon...agad kong kinuha ang panyo upang takpan ang dumudugo kong ilong.
Kahit hirap ay pinilit kong tapusin ang exam ko, palagi nalang akong nagnonosebleed dahil siguro sa puyat at pagod
"Torres, maiwan ka" kinabahan ako sa sinabi niya
"Prof bakit po?" kinakabahan kong tanong ng makaalis ang lahat ng estudyante
"I'm sorry to say this pero bumaba ang grades mo, maaring maalis ang scholarship mo kapag nagtuloy-tuloy ang ganito" muntik na akong maiyak sa nalaman--nagaaral naman akong mabuti pero kulang parin!
Sandali pa kaming nagusap bago ako lumabas ng lugong-lugo, pinatawag rin ako sa registration office dahil kailangan kong bayaran ang kalahati ng tution ko, dahil sa pagbaba ng grades ko ay hindi na ako fully scholar. Gusto ko lang namang makapagtapos pero bakit ang daming hadlang?!
Kailangan ko ng trabahong kaya akong pagaralin...
A/N
Halooooow! ako'y muling nagbabalik!
Bago po ito basahin, basahin po muna ninyo ang "The Devil's Possession" at "Kiss me Officer" ng magkaroon kayo ng idea sa mga characters na mababanggit
Kindly leave your comments and vote narin po😊
Hahahahahahhappy reading!
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...