Chapter 53
"Ms. Hart, I'm sorry to say this but you failed my subject." Parang gumuho ang mundo ko matapos kong marinig ang sinabi ng professor ko.
Matapos ang dalawang taon ay napag-isipan kong bumalik sa pag-aaral ngunit unang semester pa lamang ay bumagsak agad ako. Ibang-iba ang edukayon dito, malayong-malayo sa Pilipinas. Pilit akong nangangapa at para akong daga na paikot-ikot upang hanapin ang principal's office, room ko at cafeteria.
Hirap akong makibagay dahil iba ang lahi ko ngunit hindi naman nila ako hinaharas. Dahil kay Kuya Rob, Papa at Tita Meredith ay naglakas loob akong bumalik sa pag-aaral. Hindi sila nagtanong kung sino ang ama ng mga anak ko ngunit alam kong may alam sila.
Hindi ako makapag-focus kakaisip sa mga anak ko. Sa tuwing recitation at quizzes ay mababa ang score ko dahil lagi akong lutang-major subject pa man din.
Pinilit kong itago ang lungkot na nadarama matapos kong makarating sa tirahan namin. Pasinghot-singhot pa ako nang pagbuksan ako ng guard. Hindi pa man ako nakakatapak sa loob ay malalakas na yapak agad ang narinig ko.
"Mommy!"
Suddenly, my mood lighten up. Mabilis yumakap sa binti ko ang kambal at ang yakap nila ay may panggigil-halatang miss nila ako.
Humahangos na lumapit sa 'kin ang yaya nila. "Sorry, Ma'am," paumanhin ko na sinagot ko ng ngiti.
"How's your day boys?" Una kong binuhat si Logan sunod si Luffin. Mabibigat man sila ay pilit kong kinaya...lalakas ka talaga kung isa ka ng ina.
"They were playing all day with the guards and Ma'am Meredith, Ma'am," sagot ng yaya nila.
"Where's Papa po?" Sa pakikipag-usap ko sa kanila ay kahit na english ay hindi nawawala ang "po"
"He's in the garden, Ma'am," sagot nito.
Diretso na kung magsalita si papa. Kaya na nitong itulak ang wheelchair niya nang mag-isa. Kasalukuyan siyang nagte-therapy upang makapaglakad na, gustong-gusto na raw nitong makipaghabulan sa mga anak ko.
"Shhhh..." rinig kong maliit na tinig ni Luffin.
"Shhhh," pang-gagaya ng kapatid nitong si Logan.
"What are you up to?" nagdududa kong tanong. Simula nang makapaglakad na sila ay hindi na natahimik ang bahay.
Nagulat na lang ako nang sabay silang humalik sa pisnge ko. Ang pagkabigo ko kanina ay napalitan ng kasiyahan nang gano'n kadali. Maghapon ko lang naman silang hindi nakasama pero pakiramdam ko ay isang taon agad ang lumipas.
"Ano na kayang ginagawa ng papa niyo...hmm?" Napaisip ako bigla. Kumusta na kaya siya? Nag-asawa na kaya siya? Babaero pa rin kaya siya? Sino na kaya ang bagong bantay niya? Tulad ko rin ba na nagpapanggap? Haist! Bwiset ka, Loki!
Nang makarating ako sa garden ay naabutan kong masayang nagtatawanan si Tita Meredith at papa. Naalala ko pa kung paano ko sila pagbatiin...dahil wala na rin namang pag-asa si mama at papa ay pagbabatiin ko na lang sila-sila naman talaga dapat noon pa.
"Georginna, dear!" masayang bungad ni Tita. Walang tumatawag sa 'kin ng George rito dahil panglalaki lang daw iyon. Ang dati kong maikling buhok, ngayong hanggang balikat na, ang dating pang men in black kong suot ngayon square pants at dress na.
Ang laki nang pinagbago ng buhay ko sa nakalipas na tatlong taon. Ako na ngayon si Georginna Hart at hindi na si Georginna Torres, ang apelyido ni papa ay dala ko na at parte na ako ng mayamang pamilya ng mga Hart.
Gusto kong makibalita sa Pilipinas ngunit pinipigilan ko ang sarili...si Shaira siguradong galit na iyon, si Aling Mayet siguradong hihilahin non ang buhok ko dahil umalis ako nang walang paalam...si Clyde kaya? Nagpupunta pa rin kaya siya kina Aling Mayet upang hintayin ako? Si mama? Nami-miss din kaya niya ako?
Lumapit ako sa kanila upang halikan sila sa pisnge. Agad kinuha ni Tita ang mga anak ko upang laruin. Umupo ako sa tabi ni papa saka yumakap sa braso nito.
"What happened, my Princess?" Napalabi ako sa tanong niya.
"Pa...I failed," malungkot kong sabi. Hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ako sa tuktok ng ulo.
"It's all right. You're new to this type of situation. Don't put too much pressure on yourself; it's only a subject...failing that one won't mean the end of your dream-you want to be a flight attendant, right?" Tumango ako.
"Nami-miss ko agad ang mga anak ko. Can I bring them there!?" Mukhang maganda ang naisip ko.
"Na..ah. You can't. They will disturb you." Tama siya, dito pa nga lang na marami na kaming nag-aalaga ay hirap na silang sawayin. Sobrang kukulit nila-manang-mana sa ama.
Matapos ang pag-uusap naming ni papa ay dumiretso na ako sa kwarto upang makipaglaro sa mga anak ko.
"Dada!" Ang sanang pagpasok ko ay naudlot matapos kong marinig ang sinambit ni Luffin. "Dada!" Pag-uulit niya.
"Mommy is here!" Muli kong binalik ang ngiti kong nawala kanina.
"Dada!" Kung kanina ay si Luffin lang ngayon ay pati na si Logan.
"Papa Rob is not here...nasa work, hmm?" Si Kuya Rob ay tinatawag nilang papa kaya naman nakapagtatakang sinambit nila ang dada.
Humikap ang kambal senyales na inaantok na ang mga ito. Ang matatambok at mapupula nilang pisnge ay hinalikan ko bago sila ipahiga sa kama.
"Ya, you can rest now," baling ko sa yaya nilang pagod na pagod.
Habang nagha-hum ako ay bumukas ang pinto at inuluwa non si Kuya Rob na may dalang chocolates ngunit tulog na ang kambal.
"Nilapat niya ang hawak sa side table. "How's you first semester?" Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
"A...Kase-Kuya I failed my major subject." Napayuko ako.
"Hey! Cheer up, Sis!" Mula sa likod niya ay nilabas nito ang paborito ko-sisig.
Mahirap magahanap ng tamang timpla ng sisig dito. Sobrang daming arte na nagresulta nang hindi nito pagiging sisig sa panlasa ko.
"I think I can't continue-"
"You're nearly there. You'll have your degree in a year... I promise you that the moment you become an attendant, I'll be your first passenger."
"Kuya..." Tinapik niya ang balikat ko.
"You're not asking about Phillipines?" tanong niya.
"Alam kong traffic pa rin do'n. I will not go back there, Kuya." Kung noon ay naisipan kong umuwi ngayon ay hindi na. Naalala ko ang hirap ko noong nasa Pilipinas ako: kung paano akong bastusin ng baklang si Honesto, kung paano ako hipuan ng matandang manyakis, ang hirap, pagod at gutom at higit sa lahat ay ang hirap na dinanas ko sa piling ni Loki...my sweetest dream and also my nightmare.
"I'm not talking about the traffic. Isaiah called me...your landlord was asking you-"
"Ayokong marinig." Hinaplos ko ang buhok ni Luffin matapos niyang umungot.
"You really don't want to go back?" muling tanong niya.
"Uuwi ako kung may matindi ng rason...I need valid and important reason to go back, Kuya. Kung ang ama lang naman ng mga anak ko ang rason ay 'wag na lang." Napipilitan siyang tumango. Akala ko ay suplado siya noon ngunit hindi pala...sa katunayan sweet siya at napagkakamalan pang ama ng mga anak ko.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...