Chapter 75
WARNING, SPG ALERT!
It's been two months, masyadong busy si Loki sa nalalapit naming kasal. Hindi niya ako pinayagang tumulong, lagi niyang sinasabing leave it to me.
Ni wala akong idea sa kasal ko!
Habang naggo-grocery kaming buong pamilya ay may nakita akong pamilyar na pigura. "Isaiah?" wala sa sariling sambit ko.
Humiwalay sina Loki sa 'kin dahil ang lahat ng mga nilalagay nilang hindi naman kailangan ay binabalik ko.
"Isaiah?" alanganing sabi ko dahil baka hindi naman siya. May buhat itong batang lalaki na sa tingin ko ay walong buwan pa lamang. Nang lumingon siya ay pareho kaming nagulat.
"George!" masayang sambit niya. Napangiti ako nang makita kong walang gaanong nagbago sa kaniya. Looking fresh pa rin!
"Kumusta? Ang cute naman niya...anak mo?" Nginitian ako ng bata na siyang ikinalitaw ng dalawa niyang ngipin.
"Gaya pa rin ng dati. This is Psalm my-" Hindi na natapos ni Isaiah ang sasabihin nang sumulpot ang babaeng matagal ko nang kinakainisan.
"Kanina ko pa kayo hinahanap!" Pabalang na binigay ni Sofia ang malaking pack ng pampers kay Isaiah bago kunin ang batang nasa bisig nito. "Wait..." Tumingin siya sa 'kin, mula ulo hanggang paa. "George?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes?" Seryosong sagot ko. Maganda pa rin siya, medyo tumaba nga lang. "Cute naman ng anak niyo." Sila pala ang nagkatuluyan?
"What? Anong sinasabi mo diyan?" taas kilay na sambit ni Sofia.
"Hey, we've been looking for you!" Ang titigan naming tatlo ay napukaw ni Loki na may dalang cart na punong-puno ng kung ano-nong pagkain. "What a coincidence!" dugtong niya nang makita kung sino ang mga nasa harap ko.
"Hindi mo nabanggit sa 'king may anak na pala sila?" baling ko kay Loki. Naguluhan ito sa tanong ko ngunit kalaunan ay natawa.
"Kung ano man ang nasa isip mo-mali 'yan. Isaiah and Sofia can't be together because they're cousins!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman. Hindi ko alam na magpinsan sila!
"Kung ganoon sinong ama niyan?" Turo ko sa batang buhat ni Sofia.
"Asawa ko siyempre, si Brandon!" May asawa na siya? Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa katotohanang hindi na magiging hadlang pa si Sofia.
Hindi na nagtagal pa ang usapan namin dahil pupuntahan pa raw ni Sofia ang asawa niya. Si Isaiah ay may girlfriend na pala at ang sabi niya ay ipapakilala niya sa 'kin. Masaya ako para sa kanilang dalawa.
Si Aling Mayet na lang talaga ang kulang, gusto ko siyang makita sa kasal ko. Gusto kong malaman kung kumusta na ba siya, kung bungangera pa rin ba siya gaya ng dati.
MAINGAY ang paligid, ang ilaw ay nakakasilaw dahil iba-iba ang kulay. Kasama ko ngayon si Mama Diana, Mama, Tita Meredith, Aurora, Ray Ann, Shaira at si Aling Mayet sa maingay at nakakahilong kwarto.
Kaya pala wala si Aling Mayet sa dati nilang bahay ay sumama na pala siya kay Mang Boyito sa probinsya nito. Akalain mong may asim pa pala si Aling Mayet?!
Ngayon ang bridal shower ko at heto kami ngayon sinasayawan ng limang kalalakihan na pumuputok ang mga muscles!
Naka-brief lang ang mga ito kaya hindi ako makatingin nang diretso. Pakana 'to lahat ni Shaira! Akala ko kung anong surprise ang sinasabi niya, ganito naman pala!
"Igiling mo pa!" malanding sigaw ni Aling Mayet. "Ayaw ko na yatang umuwi, bakit ba walang ganiyan si Boyito?!" lahat kami ay natawa sa sinambit nito.
Si Mama at Tita Meredith ay nagkaayos na, nagkausap na rin sila ni Papa kaya wala ng samaan ng loob. Cocktail lang ang iniinom namin upang hindi kami gaanong malasing. Ano na kaya ang ginagawa ng mga kalalakihan? May babae rin kayang sumasayaw sa harap nila?!
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...