Chapter 45Wala nang atrasan, aalis na talaga ako. Mabuti na lamang ay hindi ako nahirapan kay Ma'am Diana—ayokong magsinungaling dahil sobrang bait niya ngunit wala akong magawa.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Aling Mayet.
Yumakap ako sakanya. Masakit sa loob na iiwan ko na siya, pero kung dito ako mananatili ay baka hindi magtagal mahanap na ako ni Loki.
"Kahit saan po," sagot ko. Inaabot ko sakanya ang limang libo ngunit ayaw niyang kunin.
"Ayaw ko sanang umalis ka...sino pang sesermonan ko kung wala ka na?!" Bigla siyang napapiyok kaya mapait akong napangiti.
"Ayaw niyo po non? Wala ka nang makunat na tenant." Tumawa ako to lighten the mood.
"Basta! Mag-iingat ka! Kung magkaroon ka ng problema balik ka dito ha?!"
"Si Nanay naman! Para namang mamamatay na itong si George! Sige George—larga ka na! Kung aantayin mo pa ang walang katapusang paalam ni nanay baka hindi ka na makaalis," singit ni Kuya Bojo sabay akbay sa ina. Natawa ako matapos siyang pingutin ni Aling Mayet.
Habang nakasakay sa bus ay naisipan kong buksan ang facebook ko. Nagpalit na ako ng sim para hindi niya ako ma-contact. Ide-deactivate ko na sana ang account ko nang makita ko ang naka-tag sa 'kin.
Maraming naka-tag ngunit hindi ko na inisa-isa. Picture namin ni Loki habang nasa rooftoop—sinasabi ko na nga ba! May hindi magandang mangyayari! Kung sino man siya—sana habang buhay siyang magtae!
'Yuck, bakla!'
"Sayang, gwapo pa naman.'
'Isa ako sa naikama niyan...bakla pala ang gag*'
Maraming hate comments...at marami pang magkokomento. Hindi kinuha ang mukha ko kaya si Loki lang ang nilalait...pero nakita ako nung lalaki? Bakit hindi niya ako sinama?
Dahil kilalang personalidad si Loki ay laman na siya ng usapan ngayon, baka mamaya ay nasa balita na agad siya.
Nanlaki ang mga mata ko matapos kong mapanood sa facebook live ang pagdumog ng mga media kay Loki paglabas niya ng bahay nila.
"Sir?! Totoo po ba ang balita!?"
"Are you really a gay?"
"Sino ang lalaking 'yon?! Sir?"
"Sino siya at paano nahulog ang matikas na gaya niyo sa tulad niyong lalaki?"
Rinig na rinig ko ang mga tanong ng reporters. Hindi sila pinansin ni Loki at pilit na umiiwas sa camera, naawa ako sakanya dahil para bang pinagtatawanan siya ng mga tao ngayon.
"PADAANIN NIYO AKO! I NEED TO FIND SOMEONE!" hindi na niya napigilan ang pagsigaw.
"Sino? Ang misteryosong lalaki po ba?" tanong ng isang reporter.
Humarap siya sa camera. Pakiramdam ko ay nakikita niya ako ngayon. Malungkot ang mga mata niya na parang nangungusap.
"Let's talk. I need to say something...please." Wala siyang sinabing pangalan ngunit pakiramdam ko ay ako ang kinakausap niya. Nagsilabasan ang mga men in black sa mansion nila Loki kaya naitaboy ang mga reporters.
Pinatay ko ang cellphone at tuluyang nag-deactivate. Sumandal ako sa upuan ko at pumikit. Kawawa naman ang papa mo, baby ko.
Nagkakamali sila. Hindi siya bakla, babae ako at nabuntis pa nga niya, lasing lang siya non kaya niya ako niyakap. Ang mga tao ay malisyoso talaga, ang gumawa non ka Loki ay may malaki ang galit sakanya—pero sino?
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...