Chapter 61

914 76 22
                                    

Chapter 61

"Mom, please?!" Hindi ko pinansin ang pakiusap ni Logan.

Kahit saan ako magpunta ay nakasunod sila. Sampung araw na lang ang ilalagi namin dito sa Pinas dahil tapos na ang leave ko. Nais nilang magpunta sa mall ngunit ayaw ko-what if tumakas ulit sila? Baka tuluyan akong mabaliw kung kay Loki ulit sila pupunta.

"We'll never do it again...Mom! Ikaw layag na...please!" Napayuko ako at palihim na natawa sa sinabi ni Luffin.

"Payag, Luffin," pagtatama ko na hindi niya pinansin. "Okey! We're going to the mall..." Napangisi ako sa naisip.

"Really?!" Nag-apir pa silang magkambal sa tuwa.

"But-" Humalukipkip ako na siyang kinawala ng ngiti nila. "You should please me using Filipino words...agree?" Napatikom ang labi nila at napaisip. "Okey, we are not going-"

"Agree!" magkasabay nilang sabi.

"Start!" Umupo ako sa kama. Dikit na dikit ang kilay nila sa sobrang pagkabusangot. "Galit kayo?!" galit kong tanong.

"No!" they said in unison. Ang cute nilang tingnan habang suot ang spongebob sleepwear nila at bunny slippers. Naalala ko tuloy ang boxer ni Loki na spongbob din.

"Aming ina, ikaw layag na pakipusa..." Luffin said. Mariin kong kinagat ang labi upang pigilan ang pagtawa. Imbis na sabihing payag at pakiusap ay iba ang pagkakasabi niya. Ngayon ko lang sila magpagtitripan dahil noong nasa Melbourne kami ay tatlo ang kakampi nila.

"Mom, kami..m-magbabait na-ikaw payag na, hmm?" Mabuti pa itong si Logan ay maayos ang pananagalog hindi tulad ni Luffin na mahirap turuan.

Napahawak ako sa baba at nagkunwaring nag-iisip. "Sige na nga!" Who can resists these cute gentlemen?!

Sabay silang humalik sa pisnge ko bago magpaunahang pumasok sa banyo.

Wala si Kuya, siguro ay may ibang pinagkakaabalahan, mabuti na 'yon at makapag-relax naman siya at hindi ang restaurant lang ang iniisip niya-he's a chef and owns a extravagant hotel and restaurant.

Matapos maligo ay hindi ko pa man naaayos ang kanilang buhok ay nagtungo agad sila sa sasakyan. Napailing na lang ako bago sumunod sa kanila.

Nang makarating kami sa mall ay tinginan ang mga tao. Rinig na rinig ko ang papuri nila sa mga anak kong nakasuot pa ng sunglasses.

Kumain muna kami bago mag-ikot-ikot. First time nilang kumain sa Jollibee at tuwang-tuwa sila nang magpakita ang maskot ng Jollibee. Sa lahat ng bata ay ang mga anak ko lang ang walanghiyang sumampa sa pwetan ng maskot, lumambitin pa sila sa braso nito.

Sasawayin ko na sana sila nang magsimulang sayawin ng maskot ang sikat na dance step ni Jollibee.

Ginaya ito ng mga anak ko na siyang tinawanan ng mga kumakain. Sa huli ay kinuha ko na sila at binalik sa pwesto namin.

Ilang sandali lang ay lumapit ang isang crew para bigyan ng libreng laruan ang kambal.

Hawak kamay kaming lumabas. Hinila nila ako sa lugar na gusto nilang puntahan-parang ako na ang naging anak at sila ang nanay.

Pumasok kami sa grocery store, kumuha sila ng cart. Habang tinutulak ni Logan ang cart ay panay naman ang lagay ni Luffin ng kung ano-ano na agad ko ring binabalik.

Umabot sa five thousand ang napamili namin-kung noon ay hirap pa akong makahawak ng isang libo ngayon ay isang kaskas lang ng card mabibili ko na ang lahat ng gustuhin ko. Pinadala ko na sa compartment ang pinamili namin dahil mabigat.

Hindi natapos sa paggo-grocery ang pamamasyal namin sa mall dahil nakarating pa kami sa "Quantum" isang palaruan sa mall na kinakailangan mong magapalit ng token para makapaglaro ka.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now