Chapter 64
"I'm sorry, Ma'am but we can't let you travel in this airlines." Pilit kong tinatago ang galit ko ngunit hindi ko magawa. Pangtatlong airport na namin ito at iisa lang ang sinasabi nila-pagod na pagod na ako!
"I'm a cabin crew, I have all the needed documents, I have VISA at kung gusto niyo ay kukunin ko pa ang driver's license ko pati na birth certificate-just tell me!" Nahihiyang ngumiti sa 'kin ang babaeng kausap ko.
Nang lumingon ako sa likuran ko ay kay haba-haba na ng pila. Tinamaan ako ng hiya kaya napipilitan akong umalis sa pwesto ko.
"Mom? I'm hungry!" Luffin growled. Napabuntonghininga ako nang maalala kong hindi pa pala kami nananghalian. Alas-kwatro na.
"Sorry mga anak." Inayos ko ang buhok nilang nagulo sa sobrang hangin dito sa labas. Pumara ako ng taxi habang hila-hila ang maleta namin.
Ayaw pang umuwi ni Kuya, wala pa raw sa fifteen days at gusto niyang sulitin ang bakasyon kaya hinayaan ko na pero hindi rin pala kami makakabalik sa Melbourne. Bawat airport na pinuntahan namin ay ayaw kaming pasakayin...kompleto ako sa lahat; may visa ako at ticket at kahit hindi kailangang documents ay dala ko, ni wala silang ibinigay na rason!
Nauna pang makarating ang pagkaing in-order ko kaysa sa 'min. Mabilis iyong nilantakan ng mga anak ko. Napahilot ako sa sintido nang pumintig ito, sumasakit ang ulo ko sa sobrang inis.
Tumunog ang doorbell. Bagot akong naglakad palapit do'n. "What-"
"Good evening!" Isang bugkos ng pulang rosas ang bumulaga sa 'kin ngunit bakit ganito? Lagas ang ibang petals at ang ribbon nito ay wala na sa ayos na parang pinulot sa daan o pinanghampas kung kanino man.
"Loki? Anong ginagawa mo rito?" Binaba nito ang rosas nang hindi ko ito kunin. Pagsasarhan ko sana siya ng iharang nito ang kaliwang paa at ipasok ang kalahating katawan.
"Aray!" daing niya matapos kong pilit siyang palabasin. Nagtulakan kaming dalawa sa pinto at wala talagang magpapatalo ngunit sumulpot ang kambal.
"Mom, Mr. Big Bird, what are you doing?" rinig kong sabi ni Luffin. Tumawa ako ng pagak at tinitigil ang pagtulak sa pinto.
"A-ahm...nothing! Tapos na ba kayong kumain?" Ngumiti ako ngunit nang ibaling ko ang tingin kay Loki ay inirapan ko siya.
"Yep...what are you doing here po?" baling ni Logan kay Loki.
"Ha? Wala, he's just passing by-uuwi na siya!" Pinagtulakan ko uli si Loki ngunit nanlaban ito. "Umuwi ka na..." bulong ko sa kanya.
"Bakit mo ako pinapauwi kung narito ang mga anak ko?" Para akong isang kotseng biglang napapreno.
"Anong pinagsasasabi mo?!" Tuluyan siyang pumasok at wala na akong nagawa pa. Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus nagtungo siya kay Logan at Luffin at sabay silang binuhat sa magkabilaang braso niya.
"How have you been, little gentlemen?!" masayang tanong ni Loki sa dalawa. Nakangiti siya ngunit ang mga mata nito ay nagtutubig.
"We're fine! We just ate something delicious!" sagot ni Logan. Pinaupo niya ang kambal sa kama bago ito lumuhod sa harap nila. I just stood and watch them.
"Ahh...can I ask?" sabay na tumango ang dalawa. "Where is your daddy?" Nakagat ko ang labi dahil sa tanong ni Loki. Alam ko na kung saan ito patungo.
"We have no idea. When we asked about him, Mom was always sad. But, according to Grandma, he is working in a faraway land," malungkot na sabi naman ni Luffin.
"Do you want to meet h-him?" nanginginig na ang boses ni Loki. Napapunas ako sa mga mata nang maramdaman kong humahapdi na ito kakapigil ng luha.
"Yeah! We want to ride a bike with him, eat with him, sleep with him!"
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...