Chapter 36

772 42 11
                                    

Chapter 36

Tahimik lang si Loki habang tinutungga ang hawak na bote ng scotch. Parang gusto kong ibalik ang hawak niyang bote at ibalik sa counter tapos sa harap ng tindahan na lang kami uminom ng redhorse na tag Sixty Pesos lang ang halaga.

"Hey, As*h*le! Give me tequila," utos niya sa dumaang waiter.

"Angry Bird, nakakadami kana, a? Baka gumapang ka pauwi." Nilayo ko ang boteng hindi pa nabubuksan ngunit tinapik niya ang palad ko.

"Let's play a game!" sabi niya. Mapungay na ang mga mata niya—halatang tinamaan na.

"Ayoko," pagtanggi ko.

"Kapag sayo huminto 'tong nguso ng bote...iinom ka." Napailing ako sa sinabi niya. "Kung ayaw mo ibig sabihin supot ka," natatawa niyang sabi.

Pinihit niya ang bote at talagang huminto pa sa tapat ko. "O, shot!" Inabot niya sa 'kin basong puno ng scotch. Seryoso ba?

Upang wala na siyang masabi ay nag-bottoms up ako. Waaaah! Grabe, ang tapang! Dahil sa sobrang pait ay mabilis akong sumubo ng spicy chicken na pulutan niya ngunit napangiwi kalaunan dahil sobrang anghang.

Naging sunod-sunod ang pag-ikot niya sa bote at 'eto naman ako panay rin ang inom. Nasa VIP room kami ng bar kaya naman tahimik. Pakiramdam ko umiikot ang paligid, ang basong hawak ko minsan ay nagiging dalawa.

"Ugh! Ano 'to? Ang sama ng lasa!" reklamo ko dahil sa pulang juice sa baso. Parang masusunog ang baga ko sa init.

"Bloody Merry," bulong ni Loki na hirap sa pagtusok sa kukuning liempo.

Matapos ang sagutan nila ni Aurora ay dito kami bumagsak. Wala siyang binanggit kahit ano tungkol kay Aurora kaya naisipan kong magtanong.

"Bakit galit si Aurora? Dapat nga matuwa siya kasi pinagtanggol natin siya..." sumisinok kong sambit.

"Ahhhhh...because she's madly inlove, she's stupid! I hate her—hindi ko magawang magalit sakanya, d*nm!" Hinampas niya ang table kaya gulat akong bumangon mula sa pagkakadukdok do'n.

"Iba talaga ang pag-ibig," inaantok kong sabi. Hindi ko alam kung sa'n 'yon galing, siguro dahil sa alak kung ano-ano ng nasasabi ko.

"Lason ang pag-ibig na 'yan, buti na lang hindi ako nai-inlove." Tumawa siya ng sarkastiko.

"Pa'no mo nasabi?" tanong ko.

"Tignan mo si Thor, nababaliw na dahil kay Ray Ann and even Aurora...I won't be like them!" Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na naman siyang tumungga.

Tumayo ako dahil sa naiihi na 'ko. "Banyo lang ako," sabi ko bago lumakad nang pagewang-gewang. Nakadukdok na siya sa lamesa ngunit tumango pa rin.

Pagkarating sa tapat ng dalawang pintuan ay natigilan ako. "Dito, o dito?" Pareho kong tinuro ang pinto papasok sa banyo ng babae at lalaki. Inaantok na tumingin ako sa sapatos kong panlalaki. "Ahhh, dito." Turo ko sa panlalaking banyo saka pumasok.

Sa cubicle ako dumiretso. Habang naglalabas ng tubig sa katawan ay may mga hakbang akong narinig.

"Sa'n mo ba narinig 'yan? Baka malintikan tayo."

"Basta! May trauma raw siya sa clown na may buhat na bata, sa tuwing nakakakita raw siya nun ay hindi siya nakakagalaw!"

"Nakakainis kasi si Boss Rex! Gaganti pa kasi alam na nga niyang dehado tayo!"

"Subukan na lang natin, malay mo effective. Tagal ko nang gustong bangasan ang mukha ng g*gong Muller na 'yon!"

Tatlong boses ng lalaki ang naririnig ko, dahil binanggit nila ang Muller ay nasisiguro kong si Loki 'yon. At ano? May trauma si Loki? At may masama silang balak!

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now