Chapter 26
Muntik na akong matalo sa laro namin. Masyado ko siyang minaliit, siguro kung hindi niya ako tinulungan ay siya ang panalo...nabuko na sana ako ngayon.
"Why are you not saying anything?" Nagtataka akong tumingin sakanya. "Hindi mo ba ako uutusan? Hindi mo ba ako uutusang tumalon sa buiding? Or to eat a live chicken?" Nangunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi niya.
Bukas na ang party kaya kailangan ko ng umuwi ngayon ng hindi nalalaman ni Loki.
"Bakit naman kita uutusan ng mga ganong bagay? Ano ako...kasing isip bata mo?" Ang abuhing mga mata nito ay galit na tumingin saakin.
Siguro kung siya ang nanalo ay ganon ang balak niyang ipagawa. "Ito ang unang utos ko. Pumasok ka na sa kwarto mo at maligo—" Huminto ako upang umisip ng ibang sasabihin. "At 'wag mo akong gagambalain hanggang lunes." Hindi man lang umimik sa sinabi ko bago ako talikuran.
Maayos akong nagpaalam kay Ma'am Diana bago umuwi. Kung ano man ang mangyari bukas ng gabi ay hinihiling kong sana'y maging maganda.
Pagkauwi ay naglinis agad ako ng apartment...nakakahiya naman kay Aling Mayet; baka malait ulit. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog.
Four ng hapon dumating si Isaiah upang sunduin ako. Bakit parang ang aga naman yata? Gaano ba katagal akong mag-aayos? Nine pa ng gabi magsisimula ang party pero sinisimulan na nilang ayusin ang mga gagamitin ko.
"Bakit kailangang kasama pa kayo?!" gulantang kong tanong nang sumunod ang apat na babae saakin papasok sa banyo.
Iniwan ako ni Isaiah sa apat na babaeng ito. Sila raw ang maga-assist saakin, ang dalawang babae ay mukhang teenager pa palang samantalang ang dalawa ay may edad na. Mukhang mabait ang tatlo ngunit ang pinakapinuno nila ay mabagsik ang tingin.
"Hubad." Hindi makapaniwalang tumingin ako sa pinaka-leader nil ana nangngangalang Criselda.
"Ha? Hindi! Ayoko," sagot ko. Napailing ang tatlong babae sa sinabi ko.
Humalukipkip si Criselda at matalim na tumingin saakin. "Maghuhubad ka...o gusto mong pwersahin ka pa namin?" Umusbong ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi nito.
"Uuwi na'ko. Sasabihin ko nalang kay Isaiah na—" Natigilan ako nang bumulong ang isang babae saakin.
"Miss, Auntie po siya ni Sir Isaiah...ganyan po talaga siya." Auntie? Ano ngayon? Ayoko ng pinupwersa ako.
"Poor Isaiah... ganyang klase ng babae ang tipo niya?" Lumapit ito saakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "So plain—simple, a woman without poise. I want Isaiah to date a woman with class and sophisticated... and I guess, you couldn't be that woman." Lumayo siya saakin at napailing.
Napatayo ako ng tuwid sa sinabi niya. Nilait niya ako, anong alam niya sa pagiging babae ko?!
"Sige umuwi kana. Ipamukha mo kay Isaiah na hindi karapat-dapat ang pinili niyang date—" Natigilan ito nang maghubad ako.
Malawak ang banyo nila Isaiah, muntik na nga nitong pantayan ang lawak ng apartment ko. Tinitigan ni Criselda ang buong katawan ko saka napangisi, walang mapupuna sa hugis ng katawan ko, hindi man ako kaputian ay makinis naman an balat ko.
"I don't need a class to be a woman, I can be sophisticated if I just want to. Plain? Sorry but I'm still beautiful." Ngayon, ako naman ang lumapit sakanya. Ang poise na hinahanap nito ay sinigurado kong kanyang makikita.
"Well said." Pumalakpak siya. Kung kanina ay mabagsik ang tingin niya saakin, ngayon ay nakangiti na ito.
Lumabas ito kaya nakahinga ako nang maluwag. Nagulat nalang ako nang pumalakpak din ang tatlong babaeng naiwan sa loob.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...