Chapter 28

824 66 11
                                    

Chapter 28

Bawat pagsubo ko ay may kaba, kanina pa nakatitig si Loki. Iniiwasan kong tumingin sa mga mata niya dahil hindi ko alam kung maipagpapatuloy ko pa ang maayos na pagkilos gaya ng ginagawa ko ngayon.

"So...Georginna right?" tanong ni Sofia na tinanguan ko. "Where are you came from? Do your family own a business?" Naumid ang dila ko sa tanong niya. Anong isasagot ko?!

"Ahm... ahh—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang sumabat si Isaiah.

"Sofia? You have something on your face," sabi ni Isaiah dahilan ng pagsinghap niya. Kinuha nito ang pouch na nakalapag sa kandungan niya at hinugot ang mini mirror duon.

Sa ilalim ng mesa ay pinisil ni Isaiah ang palad ko. Hindi ko alam ang isasagot sa tanong ni Sofia kung sakaling hindi sumabat si Isaiah.

"Gaano na kayo katagal?" seryosong tanong ni Loki na nasa pagkain ang tingin.

"Well, we just met three months ago, then I courted her and she said yes. We've been together for almost two months." Hinawi pa ni Isaiah ang buhok ko matapos niyang sumagot.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko pang tinungga ni Loki ang wine niya. Nilibot ko ang paningin at pansin kong marami-rami na ang sumasayaw sa harap ng mellow music.

"Where were we? Ahh!" Tumawa pa nang mahinhin si Sofia. "Do you have a degree already?" Ayan nanaman siya sa mga tanong niya.

"Wala pa." Napa-Ohh siya sa sagot ko. Hindi kaya malasing tong Angry Bird na 'to? Kanina pa siya inom nang inom.

"I'm sorry to hear that, but may I ask why? Kase, bakit papatol itong si Isaiah sa isang hindi edukada, right? As far as I know, matataas ang expectation ng mga Gambino," sarkastikong sabi ni Sofia.

Nakakainsulto ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. Ito ba ang tipong babae ni Loki? Espesyal ba talaga ang babaeng ito sakanya? Maganda nga balahura naman ng ugali.

Simimsim muna ako sa wine ko bago sumagot para sosyal. "Is loving someone required you to have a degree first?" panimulang tanong ko, tinaasan lang ako ng kilay ni Sofia ngunit ganon pa man ay tinuloy ko ang pagsasalita. "Do I need that little piece of paper to show my love?" Ngumiti ako at pinagdaop pa ang palad.

"Loving someone isn't just enough... paano ka niya maipagmamalaki kung wala ka namang narating? For example..you're boyfriend is a pilot, son of a well know business man and you... the GIRLFRIEND is just a simple and plain human being—see my point?" mahinhin na sabi ni Sofia.

Nakakapanlinlang—hindi ko akalaing sa likod ng maamo niyang mukha ay nagtatago ang nabubulok niyang pagkatao. Kaawa-awang Loki, kung sa ganitong babae lang siya mauuwi ay nakakapanghinayang.

"Actually... I get your point, but I don't agree with you. Naaawa ako sa lalaking magmamahal sayo dahil sa uri ng perception mo sa pag-ibig." Ang peke nitong ngiti kanina ay mabilis na nabura. "I'm a third-year tourism student who can stand on my own two feet without the assistance of others... and that's reason enough for the man I love to be proud of me." Ako naman ang ngumit sakanya ngayon.

"Still not enough... Ok move on! Loki, let's dance!" Alam kong wala na itong maisagot dahil iniba nito ang topic.

Humawak sa kamay ko si Isaiah; proud siyang ngumiti saakin. Wala sa sariling tumingin ako sa gawi ni Loki—parang isang magnet ang abuhing mga mata nito dahil hindi ko maalis ang tingin sakanya, hindi ko nagawang pigilan ang sariling mapatitig sa mga abuhin niyang mata.

Nawala ang eye contact namin dahil sa pamimilit ni Sofia na sumayaw nila sa gitna. Wala akong balak sumayaw, masakit ang talampakan ko dahil sa suot na glass sandals. Napaiwas ako ng tingin dahil kahit na sumasayaw na sa gitna si Loki at Sofia sa gitna ay saakin parin nakatuon ang paningin ni Loki.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now