Chapter 9
Lumipas ang isang linggo at laging may pasabog si Loki para saakin, tulad na lang ng pananakot saakin sa gabi, pagkawala ng tubig habang naliligo ako at ang pinakamalalang ginawa niya ay ang paglalagay ng ipis sa pagkain ko.
Hindi ko maisip kung talaga bang bente-kwatro na ang binabantayan ko dahil sa mga ginagawa niya ay para siyang edad sampu pa lang.
Nakita ko na rin ang girlfriend ng kakambal niya ngunit hindi ko pa nakakasalamuha, masyadong sweet si sir Thor sa girlfriend niya at parang isang maamong kuting ngunit pag kami ni Loki ang kausap niya ay nagiging mabangis na Leon.
“LOKI SIRAULO KA TALAGA!” nangilabot ako sa pandidiri ng may tumapong malapot, madulas at kulay itim sa aking ulo…slim? Slim nga!
Hindi ako makakita ng mabuti dahil natatakpan ng bagay na iyon ang buong mukha ko, gusto ko lang namang uminom ng tubig ngunit pagbukas ko ng ref ay iyon ang bumungad saakin.
“Siraulo? Sinong siraulo ako?” rinig kong sabi ni Loki na nasa gilid ko.
“OO IKAW! Ikaw na dinaig pa ang isang bata sa pagiging isip-bata mo!” ganti ko sakanya, alam kong nasa tabi-tabi lang ang pamilya niya ngunit sumagot parin ako.
“No one ever called me siraulo!” pinunasan ko ang mata at nakita ko siyang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
“You dared to call me siraulo--” hindi ko na siya pinatapos at agad pinahid sa mukha niya ang naipon kong slim
“Oo eh ano ngayon?” pilit kong pinapalalim ang boses ko upang magmukhang matapang
Napaatras ako ng humakbang siya palapit, umikot ako sa kitchen counter nang humakbang nanaman siya hanggang sa naghabulan na kami sa kusina.
Nagngingitngit ang itsura niya samantalang nakangisi lang ako, pikunin pala to eh!
“Anong nangyayari dito?!” pareho kaming natigilan ni Loki ng sumulpot ang Mama niya
“SIYA/SIYA PO!” magkasabay naming sabi at tinuro ang isat-isa.
“Para kayong mga bata! Hala sige linisin niyo yan!” hindi naman galit ang boses niya ngunit tumango agad kami ni Loki.
Nilibot ko ang paningin sa buong kusina at napangiwi ng makitang nagkalat ang itim na slim at ang mga ibang kagamitan ay nalaglag.
“It’s your f*cking fault/ Kasalanan mo.” sabay na sisi naming sa isat-isa
Kanya-kanya kami ng kuha ng panlinis, at sa bawat pagkakataon na nagkakatinginan kami ay pareho kaming napapasimangot.
Tagaktak ang pawis namin nang matapos kami, agad ko siyang iniwan at pumasok sa banyo. Inalis ko ang benda sa dibdib ko, nakaramdam ako ng kaginhawaan ng maalis ito, napapikit ako ng alisin ko rin ang pekeng bigote at balbas, masyadong madikit at ang sakit sa tuwing tatanggalin.
Napatitig ako sa salamin, kung nandito lang si Papa ay baka hindi ako nahihirapan ng ganito. Muntik na akong maluha ng mapatingin sa suot kong kwintas na bigay ni Papa.
Isang gold necklace na may desenyong maliit na baul sa gitna, ayon sakanya ay isa itong dream catcher, it will take all my nightmares away, but he’s one of my nightmare…ang pagiwan niya saakin ang naging bangungot ko.
“Babalik si Papa.” yun ang paulit-ulit na tinatanim ko sa isip kahit na parang malabo na.
Pagkatapos kong maligo ay balik ulit ako sa pagiging lalaki, natanggap ko na ang kalahati ng sahod ko at dahil binigyan ako ng day off ng linggo kaya bukas na bukas ay magliliwaliw ako kahit saglit!
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...