Chapter 19

696 43 1
                                    

Chapter 19

Maganang sumubo ako ng hipon bago isunod ang pusit, kita kong tambak na ang pinagbalatan ko ng crabs at hipon pero patuloy parin ako sa pagbabalat ng bago.

“How many stomach do you have?” hindi makapaniwalang sabi ni Isaiah, pati si Loki ay kanina pa naka-salumbaba habang pinapanood ako.

“Ha? isa?” hindi siguradong sagot ko.

Humikab si Loki at nag-stretch pa ng mga braso bago walang ganang nag-wika. “You’re like a f*cking eating machine.” Napailing-iling pa ito.

“Hoy! ang sabihin niyo mahina kayo!” dinampot ko ang lobster at ginamit panduro sakanila.

Naunang sumuko si Isaiah, sunod si Loki…ewan ko ba sa mga ito! Kalalaking tao tapos ang hina kumain!

Nginisian ko silang dalawa ngunit nawala ang ngisi ko nang punasan ni Loki ang labi at  pisnge ko. “Ang dungis mo na.” seryosong sabi niya.

Natulala kaming dalawa ni Loki sa ginawa niya. “What? Let’s go now.” Napatikhim si Isaiah bago mag-iwas ng tingin.

Hindi ko na tinapos pa ang pagkain ko dahil baka mag-tuntrums na si Loki…halatang naiinip na. Akala ko ay uuwi na kami pero pumasok ulit si Isaiah sa isang jewelry store—galante talaga!

Dahil hindi naman ako bibili ay  nakakahiya namang makitingin kaya lumabas muna ako at nagtingin-tingin ng bagay sa paligid…maraming tao ang nagkalat sa lugar, may buong barkada, mag-kasintahan, may buong pamilya rin—pitong taon ako nang huli kaming mag-mall nila Papa, ang saya-saya ko nuon dahil binilhan nila ako ng manika.

Sa paglilibot ng paningin ko ay natigil ito sa isang game machine kung saan kailangan mong pukpukin lahat ng palakang lalabas sa butas.

May batang naglalaro duon ngunit umalis din kalaunan kaya naman lumapit ako at binasa ang instruction, ayon dito ay kailangan kong mapukpok ang lahat na lalabas na palaka at pag nagawa ko ito ay magkakaroon ako ng premyo which is mga candy—yun pala ang purpose ng mga candy sa gilid.

Five pesos sa isang game….buti na lamang ay may apat na limang piso ako sa bulsa. “Ayy madaya!” reklamo ko nang sumubok ng isang beses.
Bakit ang bilis namang mawala ng mga palaka?

Kahit isa ay wala akong matamaan hanggang sa naubos na nga ang bente ko.

Sa sobrang inis ko ay marahas kong hinampas ang laruang hammer na hawak, nasayang ang bente ko!

“Tsk tsk… such a loser!” Nakakainis na boses mula sa likuran ko ang nagpalingon saakin… Si Loki na may nakakalokong ngisi.

“Kaya pala…may malas sa likod.” Ganti ko sakanya.

“Wag mong isisi sa iba ang kahinaan mo…step aside and watch me.” Inagaw nito ang hawak kong hammer bago maghulog ng barya… abah ready?!

Napahalukipkip ako nang makitang pati siya ay hirap sa paghampas sa mga palaka…yabang wala rin palang binatbat. “Tsk tsk…such a loser!” pang-gagaya ko sa sinabi
niya kanina.

“F*CK THIS SH*TTY FROGS!” sunod-sunod ang naging mura niya matapos walang matamaan kahit isa.

Hindi nagtagal ay sumuko na siya at tanging isang mentos candy lamang ang nakuha. “Sayo na,” masungit nitong saad bago ibigay ang mentos saakin.

“Ayaw mo bang i-keep itong pinaghirapan mo?” nang-aasar ko siyang tinignan.

Hindi niya ako pinansin at nanatiling masama ang tingin sa game machine.

“Mommy, bili mo ‘ko remote car please!”

“Haaaay nako Clyde! Ang dami mo pang laruan sa bahay—hindi pa nga nailalabas mula sa box!”

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now