Chapter 11

754 46 1
                                    

Chapter 11

Tulog pa si Clyde ng lumabas ako, kailangan ko ng umalis dahil lunes nanaman at panibagong pagsubok nanaman ang haharapin ko dahil kay Loki.

“Bakit ba George?! Ang aga-aga nambubulabog ka!” agad na salubong ni aling Mayet pagbukas ng pinto niya, kanina pa ako kumakatok at nananakit na ang kamao ko bago niya ako pagbuksan.

“Makikisuyo ho sana ako-” natigilan ako upang tantyahin ang reaction niya,

“yung batang lalaki  po nasa kwarto ko, pwede po bang ihatid niyo siya sakanila?” alanganin akong ngumiti ng nakakunot kilay niya akong tignan.

“Abah oo naman! saan ko ba ihahatid?” mabilis niyang sagot ng abutan ko siya ng dalawang libo.

“Dito ho-” sabi ko at inabot ang papel na sinulatan ko ng address nila mama,

“at kung tanungin nila kung saan niyo siya nakita ay sabihin niyo nalang pong napulot niyo sa daan.” panay lang ang tango niya sa sinasabi ko at hindi na maalis ang tingin sa dalawang libo.

“At siya nga po pala, kung magpunta po sila dito at magtanong kung may George Torres dito ay sabihin niyo pong wala.” alam kong hindi magtatagal ay sasabihin ni Clyde kung nasaan ako.

“ANO? INUUTUSAN MO AKONG MAGSINUNGALING?!” napatikom ang labi ko ng sumigaw si Aling Mayet.

Kahit labag sa loob ay dumukot ako ng 500 sa wallet ko at inabot sakanya. Pano ako makakapagipon nito?

“Ayyy yun lang naman pala! Ok no problema!” gusto kong mapairap dahil basta pera ay mabilis si aling Mayet.

“Sige po, alis na po ako.” paalam ko na hindi na niya pinansin.

Dumaan muli ako sa gasoline station upang makigamit ng banyo, mabilis akong nagbihis lalaki…tumitig ako sa salamin upang I-check kung pantay ba ang pagkakakabit ng balbas at bigote ko.

Sinigurado kong hindi na mahigpit ang pagkakakabit ng benda ko. Sukbit ang backpack ay lumabas ako ng banyo, nagulat ako ng makitang may mga babae ng nakapila, busangot na ang mga mukha nila tanda na kanina pa naghihintay.

Gulat na gulat silang tumingin saakin, marahil ay nagtataka sila dahil bakit may lalaki sa girl’s restroom. Pumasok akong babae ngunit lumabas na lalaki.

Alas syete na ako nakarating sa bahay nila Loki, nakasalubong ko pa si Aurora na papasok palang sa paaralan…mabuti pa siya may nagpapaaral at hindi nadadanasan ang hirap na dinadanas ko, halos dalawang taon lang ang agwat namin.

Natigilan ako ng makitang pababa sa hagdan si Loki, tulala siyang naglalakad at hindi man lang ako pinansin. Sinundan ko siya hanggang sa kusina, nagtataka ko siyang pinapanuod.

Kumuha muna siya ng cerial bago magbukas ng ref, kinuha niya ang pitcher na may lamang tubig bago ibuhos sa cerial na nakalagay pa sa box….what? Wala ata siya sa sarili!

“Hoy!” malakas kong sabi na siyang kinagulat niya.

Napakurap-kurap siya na parang kagigising lang sa mahimbing na pagkakatulog, hindi ko napigilang matawa ng manlaki ang mata niya habang nakatitig sa cerial na nilagyan niya ng tubig.

Napatingin ako sa neck tie niyang baligtad…ano bang nangyayari sakanya? Siguro ay napuyat siya sa kasamang babae kahapon…siguro nga.

“Teka lang.” pigil ko sakanya bago siya sumakay sa kotse

Taka siyang napatitig saakin ng lumapit ako at ayusin ang baligtad niyang neck tie, hindi siya umangal at pinanuod lang ako. Pinagpag ko pa ang balikat niya kahit na wala namang dumi, ang tangkad niya pala talaga, matangkad ako ngunit dahil sa tangkad niya ay nagmistula akong pandak.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now