Chapter 20

758 45 1
                                    

Chapter 20

Hindi ko alam paano kikilos sa dami ng taong nakikita ko, ngayon ang birthday ng Mommy ni Isaiah at heto ako ngayon nakaupo lang sa gilid dahil si Loki ay abala sa pakikipagusap sa mga kakilalang bisita.

Mabuti na lamang ay nakahiram ako ng black suit kay Sir Leonardo dahil ang naiisip kong isuot ay barong tagalog sana.

“Hi! You seems not enjoying the party.” Napatingin ako kay Isaiah na may dalang champagne.

“Wala rin naman akong kakilala dito,” sagot ko bago ngumiti sakanya.

“Well nandito na ako!” tumawa siya at nakipag-tossed sa hawak kong tubig.

Kanina pa nakauwi na sila Ma’am Diana, maaga silang umuwi dail inaantok na raw ito. Gusto ko na ring umuwi ngunit busy pa si Loki…saan na pala ang Angy Bird na iyon?

Kanina lang nasa tabi-tabi lang siya, kung nahanap man siya ng bagong babae ay hahayaan ko muna dahil nakakatamad ring bawalan siya palagi…hindi naman siguro malalaman ni Sir Leonardo ano?

“A penny of your thoughts!” nagulat ako ng pumitik si Isaiah sa harap ko…sandali na pala akong nawala sa sarili.

“Huh? Hinahanap ko kasi si Loki,” alanganin akong ngumiti sakanya.

“Don’t mind him…malaki na siya—” tumayo ito upang kumuha ng cupcake sa dumaang waiter. “Want some?” alok niya saakin.

“Thank you.” Sagot ko pagkalapag niya ng cupcake sa harapan ko.

“Where are your family, George?” Natigilan ako sa naging tanong niya…ayoko sanang pagusapan pero nakakahiya kung hindi ako sasagot.

“Si Mama nasa bago niyang asawa tapos si Papa naman hindi ko alam,” tinikom ko ang labi at pinaglaruan ang cupcake na hawak ko.

“Pano kung hinahanap ka pala ng Papa mo?” napaisip ako sa tanong niya.

Hinahanap nga ba niya ako? Hindi naman ako nagtatago sakanya sa mga nakalipas na taon, kung hinahanap niya talaga ako edi sana matagal na niya akong nakita…malabong hinahanap niya ako.

“Malabo yun, sa tagal ng panahon bakit hindi niya ako nahanap?” sarkastiko akong sumagot.

“Malay mo,” seryosong sabi niya ngunit ngumiti din kalaunan.

Habang kinakain ko ang cupcake ay parang may mali, nangangati ang lalamunan ko at nahihirapan akong huminga. “A-anong flavor to?” hirap kong bigkas.

Color orange ito at hindi naman lasang pinya pero bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko? “A-nong flavor to?”  pag-uulit ko, nangunot ang noo niya at nataranta.

“Pineapple,” tumayo siya at agad hinagod ang likod ko…pineapple? Bakit color orange?!

Allergic ako sa pineapple, sa t’wing nakakakain ako nito ay nahihipan akong huminga…hindi na ako umiinom ng anti-allergy dahil naiiwasan ko naman ang pagkain nito pero ngayon ay hindi ko naiwasan!

“What’s happening to you?!” natatarantang tanong ni Isaiah nang tumayo ako. Kailangan kong magpunta sa banyo upang luwagan ang benda ko dahil mas pinapasikip lang nito ang paghinga ko.

“Banyo lang a-ako,” hinahapong sabi ko, hinawi ko ang kamay niyang nakahawak saakin bago hirap na maglakad.

“Stupid!” rinig kong sabi ni Loki na nakasalubong ko ngunit hindi ko na pinansin pa.

“George!” humabol si Isaiah saakin…dahil hirap na ako sa pagtayo ng tuwid ay muntik na akong matumba ngunit umalalay si Isaiah saakin.

“Tell me what is happening to you!?” galit nitong bulong saakin, “I-Ilayo mo ako kay Loki.” Humawak ako nang mariin sa dulo ng suot niyang coat. Ayokong makita ako ni Loki sa ganitong sitwasyon at baka madiskubre pa niya ang pagkatao ko.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now