Chapter 23

741 38 7
                                    

Chapter 23

Matapos kong ihatid si Loki sakanila ay umuwi na ako kaagad.

Parang bigla kong na-miss ang mala-megaphone na boses ni Aling Mayet—nami-miss din kaya niya ako? May huli pa pala akong Two Thousand Five Hundred sakanya.

Bumili nalang ako ng hapunan ko sa katapat na karenderya na inuupahan ko.

Bubuksan ko na sana ang gate nang mapansin ko si Aling Mayet na todo kung makayakap sa bewang ni Manong Boyito habang nakasakay sa tricycle.

Nang makita niya ako na nakatingin sakanila ay agad-agad siyang bumitaw kay Manong Boyito.

Iniwas ko nalang ang tingin at pumasok na…tingin ko ay magandang edeya na magkaroon ng lovelife si Aling Mayet para naman mabawasan ang pagiging bungangera niya.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Hindi na ako nakapaghugas ng plato; matapos kong mag-toothbrush ay humiga ako agad.

“You’re a girl, huh?” Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin saakin.

Napa-atras ako nang lumapit siya.

“You fooled me! Ano? Nag-enjoy kaba?” umiling-iling ako sa sinabi niya.

Nasa tabi nito si Ray Ann na nakangisi saakin—sinabi niya? Akala ko mapagkakatiwalaan ko siya!?

“Hindi ko sinasadya—“ Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ng sakalin niya ako.

“I’m gonna kill you!” Sigaw niya at mas humigpit pa ang pagkakasakal saakin.

Gusto kong kumawala pero hindi ako makagalaw, nakakatakot ang tingin nito, hindi na ako makahinga…mamamatay na ako!

“L-Loki! BITAW!” Buong lakas ko siyang tinulak, kasabay ng pagtulak ko sakanya ay ang marahas kong pagmulat—panaginip?

Napaupo ako at tinakpan ang mukha. Sa panaginip ko ay galit na galit siya…paano kung malaman niyang babae talaga ako? Papatayin ba talaga ako ni Angry Bird?

“Good morning!” Muntik na akong mapasigaw nang may magsalita sa harapan ko.

Kinusot ko ang mata; baka nananaginip lang ulit ako…pero nasa harap ko parin siya!

May hawak itong sponge at plato, mabula din ang mga kamay nito tanda na kasalukuyan siyang naghuhugas ng plato.

“Anong ginagawa mo dito?! Paano ka nakapasok?!” Ngumiti lang ito ng alanganin sa mga tanong ko.

Tinalikuran niya ako at bumalik sa lababo pero sumunod ako at kinalabit siya sa balikat.

“Pinapasok ako ni Aling Mayen.” Simpleng sagot niya.

“Aling Mayen?” nagtaka ako sa sinabi niya…paano siya papapasukin ni Aling Mayet kung napaka-istrikta niya?

“The owner of this room. Her name is Aling Mayen and according to her she’s single and ready to mingle,” tatawa-tawa pang  sagot niya saakin.

Single? Kagabi lang ay ang sarap pa ng yakap niya kay Manong Boyito—break na agad sila?

Dahil alam ko ang ugali ni Aling Mayet ay nararamdaman kong may sinabing kondisyon ito kay Isaiah para makapasok.

“Magkano ang binigay mo kay Aling Mayet?”
Mabilis siyang napatingin saakin…sabi ko na nga ba at nasuhulan nanaman ang matandang iyon!

Matapos niyang mahugasan ang pinagkainan ko kagabi ay nagpunas siya ng kamay sa twalyang nakasabit sa gilid ng lababo ko—bakit ba naghuhugas to? Pati hugasin ko pinakialaman niya!

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now