Chapter 52
It's been a year, I still think about her. I don't need a watcher nor driver anymore because I'm now a well-changed man. I never f*ck any other woman since Stupid left me...I'm such a fool back then.
Doble na ang trabaho ko ngayon dahil hindi makapagtrabaho si Thor kakaasikaso sa naiwang problema ni Ray Ann. Tanga na ako pero mas tanga ang kambal ko dahil kumikilos siya nang palihim.
After that night... I never saw Stupid again. Akala ko ay bubugbugin ako sa lugar nila ngunit hindi; hinayaan nila akong umuwi na buo pa ang katawan. I was mad, nagalit ako sa lahat...lalo na sa kanya.
I still remember my conversation with Ninong Leonardo...
"You fooled me," mariin kong sabi habang hawak ang scotch.
"Pasensya na—"
"Too late, Ninong. Kung hindi sana siya ang pinili mo, kung tunay na lalaki sana ang pinili mo ay hindi ako magkakaganito!" Lumapit siya ngunit umiling ako. "If you didn't lie, kung sinabi mo lang sana nang maaga—hindi sana ako mababaliw kakaisip kung bakla ba ako!"
Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ngunit nanginginig ako sa galit. Stupid left me...she left me...she left me!
"Wala sa isip ko na magkakagusto ko sa kanya! Kaya nga nagpanggap siyang lalaki upang hindi siya maging isa sa babae mo! At hindi ko inexpect na hindi mo mapapansin agad na babae siya!" paliwanag siya.
"Nonsense—" Natigilan ako nang dumating si papa kasama si mama. I'm in my condo, nilulunod ang sarili sa alak.
"Loki! Why are you speaking to your ninong in that manner?!" Mabilis lumapit si mama sa 'kin sabay kuha sa basong hawak ko. Hinahawakan niya ang mukha ko at pinakatitigan. "Mas mukha ka nang matanda sa papa mo, anak naman!"
"Ma...I can't see Stupid!" Muli ko sanang babawiin ang baso ko ngunit inilayo niya. "He's a girl, ma. I'm not a gay," dugtong ko.
"Kaya hindi ka umuuwi dahil sa kanya?" Tumango ako. "Lucian...totoo ba?" baling niya kay papa.
"I told you, don't be a fool. You were blinded by your feeling, pinaniwalaan mong lalaki talaga siya dahil iyon ang tinatatak mo sa kokote mo," sabi ni papa.
"You knew?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I knew from the start. Leonardo has my permission to make George your watcher." Napayuko ako sa narinig. George need money kaya siya pumayag, mag-isa na siya sa buhay...I can't imagine how hard for her to work while studying.
Nawala ako sa pagpa-flashback sa nakaraan nang mahulog ang ballpen ko. Napatapik ako sa mesa ko habang naghihintay sa investigator na inutusan ko upang hanapin siya. Kahit magkano magbabayad ako mahanap lang siya.
"Sir," bungad ng investigator.
"Any improvement?" I can feel his tension. Ang lahat ng inuutusan kong pumapalpak ay agad kong pinapalayas.
"S-Sir...I couldn't find a girl name Georginna Torres, nagpunta na ako sa dating tirahan niya at maski ang babae roon ay hindi alam kung nasa'n siya. Nagpunta na rin ako sa mama niya ngunit pati ito ay walang alam... hindi rin ma-trace ang papa niya dahil alien emigrants ito at walang tamang pagkakakilanlan." Napakuyom ang palad kong tumatapik sa mesa.
"Out..." Mabilis siyang lumabas. Even Brando, hindi niya mahanap. Saang sulok ba siya nagpunta?! Pati si Isaiah ay wala ring alam!
Stupid, where are you?!
Hindi lang si George ang hinahanap ko pati na rin si Aurora. She's been missing for almost a month! Mababaliw na ako kakaisip! Hindi namin pinapaalam kay mama dahil baka magwala ito.
I came home feeling heavy, but it vanished as soon as mama greeted me with our youngest, Lucy—she's now eight months old.
"Lucy!" She reached out her arms, as if she wanted me to carry her. When I lifted her, I kissed her cheek, causing her to laugh and giggle.
"Bakit ba hindi na umuuwi si Aurora? Nami-miss na siya ng Baby Lucy ko, e. Ano baby?" Pumalakpak si Lucy sa sinabi ni mama.
Kahit pagod ako ay hindi ko kinalimutang dumaan sa candy shop upang bumili ng chocolate para sa kanya. Mahigpit siyang kumapit sa leeg ko at ayaw nang bumalik pa kay mama ngunit nang dumating si Thor ay sa kanya naman ito nagpabuhat.
Kung pagod na ako ay mas doble ang pagod ni Thor dahil kung saan-saan na naman siyang lugar nagpunta mahanap lang ang dating doctor ni Ray Ann.
***
Aligaga ang lahat dahil kaarawan ni Kuya Rob. Gusto ko mang tumulong ngunit hindi ko magawa dahil kakapanganak ko lang. Hindi ko inasahang kambal na lalaki ang ipinagbubuntis ko. Ako naman ang nagdala sa kanila ng siyam na buwan ngunit wala silang nakuha sa 'kin.
Ang mga mata nila ay abuhin. Kay puputi at talagang nakakagigil sa sobrang cute. Si Tita Meredith—ang asawa ni papa na dating masungit sa 'kin ngayon ay kay bait na, para ko na siyang ina at siya ang umasikaso sa 'kin nang manganak ako.
Gustong-gusto nila ang mga anak ko at minsan ay ayaw pa nilang ibalik sa 'kin. Si papa ay nagsimulang magpagamot nang dumating ako, kaya pala ganon ang kondisyon niya ay na-stroke ito noon dahil sa away nilang mag-asawa at umayaw itong magpagamot dahil sa galit niya.
Nang unang punta ko rito ay hindi makapagsalita at makabangon si papa ngunit ngayon ay nakakapagsalita na ito nang kaunti at nakakaupo na rin sa wheelchair. Sobrang ganda ng buhay ko rito: masaya, maayos at sagana. Hindi ko na kailangang magtrabaho para may makain.
Isang taon na pala ang lumipas. Kay bilis ng pangyayari, parang kailan lang ay kumakatok si Aling Mayet sa pintuan ko para maningil, ngayon ay kumakatok na ang mga katulong upang dalhan ako ng pagkain sa tuwing hindi ako nakakababa.
"Happy birthday, Kuya!" Humalik ako sa pisnge niya. Sa isang stroller ay nakahiga ang kambal ko. Tatlong buwan na rin sila ngayon.
"Thank you!" pasasalamat niya. "Why are you looking at me? Huh?" baling niya kay Luffin na nakangiti sa kanya.
Binuhat niya ang isa. Nahabag ako nang lumabi si Logan—siguro gusto ring magpabuhat. Haaaaay! Pa'no ko makakalimutan si Loki gayong ang mga anak ko ay sinisigaw ang pagmumukha niya?!
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...