Chapter 69

1.1K 65 15
                                    

Chapter 69

"Akala ko ba sa mall lang tayo pupunta?" mariing bulong ko kay Shaira na hindi makatingin sa 'kin.

"O! Thank you!" Imbis na sagutin ang tanong ko ay mabilis siyang tumayo upang salubungin si Ray Ann na may dalang meryenda.

Ang sabi niya ay sa mall kami pupunta ngunit heto kami ngayon-nasa bahay nila Ray Ann. Hindi ko alam kung anong pakulo niya at nagpunta kami rito, ni hindi ko nga alam ang bahay nila kahit matagal ko nang kakilala si Ray Ann tapos siya ay alam agad, e hindi naman sila magkakilala.

Masamang tingin ang pinukol ko kay Shaira na busy sa pag-inom ng orange juice. Nagulat na lang ako nang lumapit si Ray-sobrang lapit na kulang na lang ay magkapalit kami ng mukha.

Ilang na napalayo ako. "Hehe, sorry!" Lumayo siya ngunit titig na titig pa rin. "Ang ganda mo pala talaga! Lalo na ngayon na mahaba na ang buhok mo tapos pambabae na ang porma mo," namamanghang sabi ni Ray Ann.

"S-salamat..." sagot ko.

"Nauna pa palang nagkaanak si Loki kaysa kay Thor, ang lalaki na ng kambal," sabi niya habang nakatingin sa mga anak kong naglalaro sa gilid namin.

Maganda ang bahay nila, hindi kalakihan ngunit sobrang ganda... brown na may combination ng black, white at dark brown na talagang masarap sa mata.

"Balita ko inaayawan ng kuya mo si Loki?" natatawang tanong niya.

"Sus! 'Wag niyong sabihing takot si Loki sa kuya mo? Mukha namang bakla 'yon sa sobrang sungit!" sabat ni Shaira na sa kawalan naman nakatingin.

"Kahit naman hindi ayawan ni Kuya si Loki ay ayaw ko pa rin sa kaniya." Nawala ang ngiti ni Ray Ann sa sinabi ko. "Ikaw, buti naman at nagkaayos kayo ni Sir Thor," dugtong ko.

"Kasi mahal ko siya...at hanggang ngayon ay bumabawi siya sa 'kin. Malala pa ang pinagdaanan namin pero nagkaayos pa rin kami...nasisiguro kong magkakaayos din kayo." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

Sumapit ang gabi. Hindi ako pinayagan ni Ray Ann umuwi, kinakabahan ako dahil baka umuwi na ang asawa niya pero hindi pa rin ito umuuwi. Si Shaira ay kanina pa tulog dahil nakaubos siya ng tatlong beer.

Habang tinutulungan kong mag-ayos si Ray Ann ng damit nila ay nakarinig kami ng tunog na nagmumula sa gitara. Nagkatinginan kami at sabay na napatayo upang silipin kung saan 'yon nanggagaling.

Sinundan ko si Ray Ann nang magpunta ito sa veranda ng kwarto nila. Sumilip siya kaya nakisilip na rin ako, napahawak ako sa railings ng veranda nila nang makita ko kung sino ang mga nasa baba.

"O, ilaw...sa gabing malamig. Wangis mo'y, bituin sa langit-" Mula sa baba ay kumanta ang kambal ni Salazar Salazar.

"Ano ba! Umayos kayo!" Marahas na napakamot si Loki.

"Iyon naman talaga ang kinakanta sa harana, a!" Dahilan ni Sir Leonardo.

"Uncle Salazar! Pakiayos naman ang paggigitara ninyo-teka marunog po ba kayo?!"

"Hindi," malamig na sagot ng tinawag niyang uncle Salazar sa kaniya.

"Thor! Bakit ka may tambourine? Baka akalain niya mangangaroling tayo!" Napatingin ako sa kambal niyang si Thor na kanina pa pinapatunog ang hawak na tambourine. "How about you, Pa? Bakit may dala kang speaker?!" baling naman ni Loki sa papa nilang yakap-yakap ang singlaki ng kahon ng sapatos na speaker.

"Just in case you need it," kibitbalikat na sagot ng papa nila.

Hindi lang ang usapan nila ang pumukaw sa interes ko kundi pati ang outfit nilang pang-Hawai. Naka-floral polo sila at khaki short with white shoes. Kinalabit ulit nong Salazar ang gitara na lalong kinabusangot ni Loki.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now