Chapter 16

764 46 1
                                    

Chapter 16

Pang-apat na araw na namin rito, kahit na hindi ako nakakalangoy ay ayos lang dahil ang pagmasdan lang ang tanawin rito ay makakapagrelax kana…hindi ko  alam kung anong rason bakit umuwi agad ang girlfriend ni Sir Thor.

Hindi ko makita si Loki…siguro ay nakahanap nanaman ng babae, talagang pambihira ang karisma niya dahil kahit wala siyang gawin ay kusang lumalapit ang mga babae sakanya.

“Can I sit here?” hindi ko pinansin ang nagsasalita dahil baka hindi naman ako ang kausap.

“Hey George! Yuuuu-huuu!” lumingon ako ng may kumalabit saakin… si Isaiah? What is he doing here?

“Sir Isaiah! kayo pala--” napatayo ako at gulat na tumingin sakanya, “ano pong ginagawa niyo rito?” napakamot siya sa kilay at alanganing ngumiti saakin.

“Having a vacation? Like what you’re doing?” hindi pa siguradong sagot niya…. oo nga naman bakit hindi ko naisip na magbabakasyon din siya.

“Ahhhh.” nahihiyang napatango ako ng paulit-ulit.

“Why don’t you swim?” nagkibit-balikat nalang ako sa tanong niya.

“You know what…we should enjoy this moment!” nabigla ako ng tumayo siya at pilit akong hinihila.

Humawak siya sa kamay ko at hinila papunta sa volleyballl net….napatingin ako sa kamay kong hawak niya.

Ngayon lang ako nahawakan ng isang binata sa kamay, siya rin ang unang binatang nakaharap ko kumain mula ng magdalaga ako…hindi ko alam pero magaan ang loob ko sakanya.

Dahil wala namang naglalaro ay solo namin ang buong lugar, sabay kaming tumatawa tuwing may hindi nakakatama ng bola…sa tuwing tatalon siya ay umaangat ang sando nito dahilan ng pagsilip ng matitipuno niyang dibdib, pilit ko mang iiwas ang tingin ngunit madalas paring magawi duon ang paningin ko….traydor na mata!

“Magaling ka pala mag-volleyball!” sabi niya matapos kong tirahin ang bola ng malakas.

“Marunong lang po.” sagot
ko.

“Kanina kapa po nang po, Sir nang Sir… just call me Isaiah.” natawa ako ng makita muli ang pagkamot niya sa kilay.

“Sige Isaiah nalang!” sa sinabi ko ay ngumiti siya at maganang hinampas ang bola.

Masaya kaming naglalaro ng sumulpot si Loki kasama ang kambal at ang Papa nila, lahat sila ay puro nakasando at bukod tanging ako lang ang naka t-shirt at 8 pockets short.

Nakipag-apir si Isaiah kay Thor at Loki tapos ay tumango nalang kay Sir Luciano.

“Stupid.” walang boses na sabi ni Loki ngunit basang-basa ko sa galaw ng labi niya.

“Angry Bird.” ganti ko.

“Ok let’s play! Who’s on my side?” sigaw ni Isaiah….sasali sila?

“Me! Sali ako!” humahangos na singit ni Aurora.

“Ok then…Aurora and George is my team!” masayang anunsyo ni Isaiah.

Walang imik na pumwesto sila Loki sa kabila... parang lugi kami? Nang mapatingin ako sakanya ay ngumisi ito na waring may binabalak nanaman.

Nagsimula kaming maglaro at talagang walang nagpapatalo, magaling maglaro si Aurora na siyang hinangaan ko.

Tagaktak na ang pawis namin ngunit walang tumigil, naging mainit ang laban at palakas ng palakas ang palo namin sa bola… nakaagaw narin kami ng atensyon dahil sa galing nilang maglaro.

“Go mga anak!” pagche-cheer ni Ma’am Diana na hindi na alam kung saan papanig dahil bawat puntos naming lahat ay nagche-cheer siya.

“Tirahin muna George!” utos ni Isaiah, dali-dali akong tumalon at kahit mataas pa ang bola ay pilit kong inabot upang mag- spike.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now