Chapter 39Ilang ulit kong sinubukang mag-resign ngunit ayaw talagang pumayag ni Loki-ano bang problema niya? Dati ay halos sipain niya ako paalis tapos ngayon ayaw naman akong paalisin.
Tatlong araw na mula nang may mangyari sa 'min at mula rin nang araw na 'yon ay naging iba ang pakikitungo ko kay Loki. Hindi ko na siya maasikan-ni hindi ko siya matingnan sa mga mata! I feel suffocated whenever he's near. Ang nagyari sa 'min ay sariwa pa rin sa 'kin hanggang ngayon...ang unfair dahil ako lang ang naaapektuhan.
"Hi! It's been a long time, George," biglang sulpot ni Isaiah habang tulala akong nagbabantay sa labas ng office ni Loki.
"Isaiah!" gulat kong sambit. Kumamot siya sa kilay bago iaabot sa 'kin ang kapeng may tatak ng Starbucks.
"For you..." Nakangiting napatingin ako sa kape.
"Salamat-"
"Isaiah! You're here again!" Tulad ni Isaiah ay bigla ring sumulpot si Loki. "Ay, sakto! I didn't have coffee this morning!" Hindi ko namalayang wala na sa 'kin ang kape dahil na kay Loki na ito ngayon.
"That's not for you...as*h*le!" Pabiro siyang sinuntok ni Isaiah. "By the way, George...are you fee-"
"He's not free...we have somewhere to go," sabat ni Loki kay Isaiah. Teka...may pupuntahan kami? Pero wala naman siyang sinasabi, a?
"He's out of your control when Sunday so back off, Muller!" Isaiah said seriously. Nagtitigan sila na parang sa paraan ng tinginan nila ay may pag-uusap na nangyayari.
"Get inside, George..."
Nagtaka ako sa utos ni Loki. "Ha?"
"Just get inside!" galit na niyang sabi.
"Stop making him your puppet, Loki!" Kung nuon ay puro biruan ang usapan nila ngayon ay seryoso na. Si Isaiah ay wala na sa kalmadong postura.
"What? When did he become my puppet? Go home now, Gambino." Nilakihan ni Loki ang awang ng pintuan ng office niya na nagpapahiwatig na pumasok na ako.
"What's wrong with you, Loki?" pilit na tumawa si Isaiah.
"There's nothing wrong with me...excuse us." Hinila ako ni Loki papasok sa office niya saka padabog na i-lock ang pinto.
"Hoy, Angry Bird? May dalaw ka ba?" wala sa hulog kong tanong.
"Sit over there." Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinuro niya ang mahabang leather sofa na katapat ng table niya.
Nang hindi ako kumilos ay hinila niya ako at pilit na pinaupo. "Teka naman! Anong gagawin ko rito?!"
"Sleep, eat, sing, dance or do the things that you wanted to do!" frustrated niyang sabi. Napahalukipkip ako at hindi makapaniwalang tumawa.
May kinuha siyang kahon sa office niya tapos ay inihagis niya sa 'kin-mabuti na lang nasalo ko. "Ano 'to?"
"Are you blind? It's a cellphone, Stupid!" Awang ang labing tumingin ako sa kahong mas mahaba sa palad ko.
"I phone pro max! Totoo ba 'to? Wow!" Napatalon ako sa tuwa. "Akin 'to?" tanong ko na tinanguan niya, tinuro niya pa ang likuran ko at do'n ko nakita ang limang paper box na may tatak na Nike.
"Close you mouth now, Stupid...you already look like a sh*t." Tumalikod siya ngunit hindi nakaiwas sa paningin ko ang pagngiti niya.
Palihim akong napatili bago excited na buksan ang box ng cellphone na dating nakikita ko lang sa mga mayayaman kong classmates. Bumabait na talaga si Loki...
![](https://img.wattpad.com/cover/281351066-288-k87242.jpg)
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...