Chapter 25

798 51 10
                                    

Chapter 25

I, Uno, and Dos... we are on one side, while Ninong Leonardo, Tres, and Stupid are on the other.

Why did I ever mention that I want him to walk around naked on our bet?! This is not good anymore…pero why not diba?

Hindi ko makalimutang nakita niya akong suot ang spongebob boxer ko…this time ako naman ang tatawa sakanya.

When I was in college, I was the MVP at our university, sisiguraduhin kong kakain siya ng alikabok.

Bakit ba ang tagal magbihis ng Stupid na yun? Dami kasing arte ni Ninong—kesyo hindi daw siya makakapaglaro ng maayos kung naka-black suit, ‘di raw fair ang ganun…sinasayang lang nila ang oras.

Sa sobrang pagkabagot ay sinipa ko ang maliit na batong naligaw sa paanan ko dahilan ng pagkakatanggal ng sintas ko. I knelt  down to re-tie my shoes’ laces, suddenly, a black shoe stopped in front of me as I was tying the laces of my white rubber shoes, naglakbay ang tingin ko sa makinis niyang binti pataas sa mukha nitong nagmistulang nagliliwanag dahil sa sikat ng araw.

I was taken aback because he was sweetly smiling at me while dribbling the ball.

Because of stupid's sweet smile, I felt as if time stood still for a brief moment, hindi ko mapigilang mapangiti rin dahil nakakahawa ang ngiti niya.

Parang naging dahan-dahan ang naging paghawi nito sa kanyang buhok.

Pumikit ako sandali dahil nakakasilaw; masakit na sa mata ang liwanag nito.
When I reopen my eyes…Stupid is no longer smiling.

Nakatitig ito saakin na para siyang nakakita ng hindi kapani-paniwalang bagay.

“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?” walang emosyon niyang tanong.

Napakurap-kurap ako nang ilang beses bago marahas na tumayo.

“Me? Smiling? Are you blind?” palusot ko ngunit nagkibit balikat na lamang siya.

What the f*ck just happened?! Ano bang nangyayari saakin? Am I hallucinating? Kailangan ko na ba ng Psychiatrist?

“Ano pang tinatayo-tayo mo r’yan?!” Pinasa niya ang bola saakin na muntik ko pang hindi masalo.

Nakasuot ito ng jersey na sobrang bumagay sakanya…WHAT THE F*CK?!

“Loki? May problema ba?” Ninong Leonardo sarcastically said. “You look stunned, nagwapuhan ka ba kay George?” Tumawa ito nang malakas bago agawin ang bola saakin.

“Of course not!”
Tumigil ako upang imisip ng magandang sasabihin. “Ni wala pa siya sa kalingkingan ko.”

Panay ang puntos ko ngunit siya ay hindi pa rin nakakapuntos hanggang ngayon.

Hindi ako mapalagay, pakiramdam ko ay may binabalak siyang hindi maganda,

“Pwede po bang mag-solo kami Sir?” Stupid asked to Ninong.

Nagkatinginan sila at sabay na napangisi.

“Sure!” tatawa-tawang sambit ni Ninong.
“Boys! Mamaya na tayo,” aya niya sa mga pamangkin.

“Warm up palang yun. Tinotoo mo naman,” mapang-asar nitong sabi saakin. “Trenta minuto… at ang may pinakamaraming puntos sa trenta minutong iyon ang siyang panalo,” dugtong nito na hindi ko inangalan.

“Then… lets the real game begin.” Lumapit ako sakanya at nag-dribble ng bola.

Pinapanood lang nito ang kilos ko, seryoso siyang nagmamasid, naka-sampung puntos na ako pero puro pa rin siya masid at hindi ako gaanong hinaharangan…hinahayaan niya lang akong makapuntos.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now