Chapter 31Sumapit ang hapon, hindi ko makita si Loki...saan kaya nagpunta ang angry bird na 'yon? Naghahanap na kaya ng dalaga? Dalagang bukid.
"Nasa labas ang kasama mo, Hijo." Napatingin ako kay Nanang Lita.
"Ano pong ginagawa niya ron?"
Sinalin niya muna ang tubig sa takure bago sumagot. "Tinulungan ang asawa ko sa pagsasako ng mga kamote." Si Loki, tumulong? Totoo ba?
"Nasaan po sila?" Tinuro niya ang likod bahay nila.
Nagpasalamat muna ako bago tumakbo papunta sa pwesto nila. Si Loki ay nakasakay sa kariton, samantalang si Tatang naman ang nasa kalabaw. "Sandali! Sama ako." Hinihingal ako pagkasakay sa kariton.
"Aba! Hindi pala ako mag-iisa sa pagbyahe," humalakhak pa si Tatang. "Sigurado bang sasama kayo sa pagtitinda ko ng kamote?" Pareho kaming napatango ni Loki.
Habang lumalakad ang kalabaw ay kumakanta si Tatang ng..."Bilog ang Mundo" na kanta ni Many Pacquiao. Pansin ko ang dumi sa noo ni Loki kaya naman pinunasan ko ito gamit ang palad ko.
Taka siyang tumingin. "Do you have girlfriend?"
Bakit ba nagtatanong 'to? "Meron syempre!" pagsisinungaling ko.
"Really? Where's your parents then?" tanong na naman niya.
Naging background music namin ang kanta ni Tatang. "Busy sila sa buhay." Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Bilog ang mundo"
"Baka bukas, magkasama na tayo."
"Sa muling pag-ikot ng ating-Maaaah!"
Pareho kaming natawa ni Loki dahil sumabat ang kalabaw ni Tatang na parang sinasabing tumigil na siya dahil wala naman sa tono. Ilang minuto pa ay narating namin ang lugar na may marami ng bahay, sementado rin ang daan.
"KAMUTE! GUMATANG KAYU TI KAMUTE?!" sigaw ni Tatang.
Kinalabit ko si Loki. "Ano 'yong sinisigaw ni Tatang?"
"KAMUTEY! GUMATANG KAYU TI KAMUTEY?!" pigil ko ang pagtawa dahil ginaya niya lang ng sinabi ni Tatang-may German accent pa ang loko!
"Sabi ko, anong sabi ni Tatang?" pag-uulit ko.
"I don't f*cking know!" bagot niyang sagot. Dahil sa paggaya niya sa sigaw ni Tatang ay nakaagaw kami ng atensyon.
Maraminglumapit; bata,matanda,
dalaga, pati na mga tambay sa tindahan. Ang mga kababaihan ay parang kinikiliti dahil sa mga impit nilang tili, pati na may mga asawa na ay itsurang kinikilig din."Mang Pablo, sino itong mga nagu-gwapuhang kasama niyo?" tanong ng isang maputing dalaga na may matamis na ngiti sa akin.
"Ahh, nakituloy lang, bili na kayo ng kamote para matuwa sila sa inyo!" pangse-sales talk ni Tatang. Ibig sabihin ang sinisigaw pala niya kanina ay...bili na kayo ng kamote.
Hindi naman magkamayaw sa pagbili ang mga kababaihan lalo na nang kami ni Loki ang mag-abot ng binili nila.
"I'm starving..." wala sa sariling bulong ni Loki.
Hapon na at oras nang meryenda, nilibot ko ang paningin at napangisi sa nakita. "Angry Bird, tara!" Bumaba ako sa kariton at nagpaalam kay Tatang.
"Tang! Sandali lang ho, may kukunin lang kami." Tumango lang ito.
"Where are we going?" Kahit naguguluhan ay sumunod si Loki.
"Gutom kana 'di ba?" Hindi siya sumagot.
May lamay sa hindi kalayuan, at nasisiguro kong kakalibing lang ng patay dahil nagsisipunta ang mga sasakyan sa gawing yon. Kung may libing...ibig sabihin may pagkain!
Parang batang patingin-tingin si Loki sa paligid, nakipila ako kaya nakipila na rin siya. Panay ang tingin sa amin ng mga tao.
Nang turn ko na sa pila ay inabot sa akin ang isang styrofoam-na alam kong may lamang pagkain.
"Pwede pong isa pa?" hirit ko na agad namang sinunod ng dalagitang taga-bigay.
Nagtaka si Loki matapos siyang bigyan ng styro. "What's this white thing for?" tanong niya kaya agad ko siyang hinila.
Hila-hila ko siyang hanggang sa makarating kami kay Tatang. Inabot ko ang isang styro sakanya. "Ibang klase kayo mga binata! Hindi naman kayo nakipaglibing pero..." Tinapik-tapik ko nalang ang balikat ni Tatang dahil ayaw ko ng marinig na sabihin niyang makapal ang mukha ko.
"What?!" angal ni Loki.
"Huwag ka ng umangal! Kumain kana lang!" Salubong ang kilay niya pagkabukas ng styro na may lamang karne at kanin.
"Stupid..." nagbabadya ang galit niya kaya sinubo ko na agad ang minatamis sa bibig niya.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
Roman d'amourSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...