Chapter 42"Ano 'to?" tanong ni Aling Mayet matapos kong iabot ang regalo ko sa kanya. Maang-maangan pa siya ngunit sa labi niya ay may ngiting hindi masupil.
"Happy birthday po!" bati ko. Malaki ang utang na loob ko sakanya dahil kung wala siya ay baka mas lalo akong nahirapan kung sa ibang paupahan ako napunta.
Nangasim ang mukha ko matapos niyang maluha pagkakita sa regalo ko—isang tablet. Matagal ko ng naririnig na nagpapabili siya ng tablet kay Kuya Bojo ngunit hindi niya nabibilhan ang ina. Kahit mahal ang tablet ay pikit-mata kong binili para sa kanya.
"At saan ka kumuha ng pambili, bata ka?!" Napalayo ako sakanya matapos niya akong hampasin ng pamaypay—kita mo 'tong si Aling Mayet, siya na nga binibigyan ganyan pa siya. "Mahahampas kita kung binenta mo ang katawan mo para dito?!" Napangiwi ako.
"Hindi ka naman gano'n ka-special para pagbentahan ko ng katawan—aray!" Hinaplos ko ang braso matapos niya akong kurutin.
"On the way, pasok ka sa bahay—naghanda ako!" Hinawakan niya ako sa braso.
"By the way po 'yon..." pagtatama ko na inirapan niya.
Pagpasok ko ay napakaingay sa loob, may speaker sa tabi na ginawa nilang videoke. Lahat ng tenant ni Aling Mayet ay narito—pati si Isaiah? At pa'no niya naimbitahan?! Kaya pala maraming handa dahil halos dala ni Isaiah ang mga bilao.
"Invited din pala siya, hihihi!" Tumawa si Aling Mayet na tila nakikiliti. "Bawal magsupot! Kainin niyo lahat dito!" baling niya sa mga bisita niya.
Lumapit ako kay Isaiah. "Pa'no ka niya inimbitahan?" tanong ko.
"Sinabi na niya noon pa, noong unang punta ko rito," sagot niya. Kapal talaga ng mukha ni Aling Mayet.
"Bakit hindi ka pa kumakain? Anong gusto mo? Sasandukan kita." Aalis na sana ako para magpunta sa mesang puno ng pagkain nang hawakan niya ang palad ko.
"Ako na," nakangiting sabi niya. Ako ang pinaupo niya at siya ang kumuha ng pagkain.
Mabilis siyang natapos sa pagkuha ng pagkain dahil inauna siya ng mga kapitbahay ko. Inabot niya ang paper plate na may lamang palabok, fried chicken at butchi.
"Salamat—" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil naduwal na naman ako.
"What's wrong? Ayaw mo sa pagkain?" Nag-aalalang binawi ni Isaiah ang hawak ko.
Parang hinahalukay ang sikmura ko sa amoy ng palabok, kulay pa lang nito ay nasusuka na ako. Hinimas ko ang sintido dahil sa biglaang pagsakit nito. Umalis si Isaiah upang kumuha ng tubig.
"George? Bakit?" Nagtatakang lumapit si Aling Mayet sa 'kin.
"Banyo..." Tinakpan ko ang bibig dahil naduwal muli ako.
Inakay ako ni Aling Mayet papasok sa maliit nilang banyo. Sunod-sunod ang naging pagduwal ko ngunit wala naman akong nailalabas. Napaiyak ako bigla sa hindi malamang dahilan. Pinatahan ako ni Aling Mayet sabay haplos sa likod at sikmura ko.
"May sakit ka ba? May nakain ka bang kung ano?" nag-aalalang tanong nito, umiling-iling lang ako.
"Ilang araw na po ito—"
"Sandali!" Nagulat ako sa biglaan niyang paghawak sa mukha ko. Pinaharap niya ako sakanya saka tinitigan ang leeg ko. Hinawakan niya rin ang palapulsuhan ko. Matapos niya itong gawin ay nanlalaki ang matang tumingin siya sa mga mata ko.
"Bakit po?" takot kong tanong.
"Kailan ka dinatnan?" Nagtaka ako sa tanong niya ngunit napabilang ako sa isip.
Dapat last-last week pa ako dinatnan at ibig sabihin ay three weeks na akong delayed. Napahawak ako sa bibig nang may ma-realized ako. Magdadalawang buwan na mula nang may mangyari sa 'min ni Loki!
"A-Aling Mayet..." Napahikbi ako. "Hindi naman po ako buntis 'di ba?" Umaasa akong hindi ako buntis...ayokong mabuntis! Isang beses lang 'yon! Malabong—putaaaaanginaaaa!
"Diyos ko, bata ka! Anong pinaggagagawa mo?!" mahina ngunit mariin niyang sabi. "Sinong ama niyan?"
"Wala po." Hinampas niya ang balikat ko sa naging sagot ko.
"Pwede ba 'yon? Ano 'yon may ligaw na tite ang tumama sa 'yo kaya bigla kang nabuntis?!" Namumula na sa galit si Aling Mayet.
"Hindi pa naman po sigurado, kung meron man—ipapalaglag—" Napahawak ako sa pisngeng sinampal ni Aling Mayet.
"Kayong mga kabataan! Matapos ang sarap, ayaw sa hirap!" Ohh God! I didn't mean it! Nabigla ako, hindi ko napag-isipan ang lumabas sa bibig ko
"Hindi ko po sinasadya..." Pareho kaming natigilan matapos may kumatok sa pinto.
"George? Are you okey?" Si Isaiah.
Inayos ko muna ang sarili bago lumabas, masama ang tingin ni Aling Mayet sa 'kin. Ngumiti ako ng pilit kay Isaiah.
"Hindi na pala ako kakain, mauuna na ako sayo," sabi ko.
"I'll stay in your room then." Hindi ko na siya napigilan dahil mas nauna pa siyang lumabas. Hindi ako pinansin ni Aling Mayet nang magpaalam ako.
Pagkarating sa tapat ng pinto ng kwarto ko ay hindi muna ako pumasok. "Magpapahinga ako, Isaiah. Bukas na lang ulit."
"Babantayan kita, you look sick," desididong sabi niya. Dinampi pa niya ang palad sa noo ko.
Umiling ako at pilit na ngumiti sakanya. "Okey lang ako," panga-assure ko sakanya.
Tatalikuran ko na sana siya nang magsalita siyang muli, "George, I need to say something...kung hindi ko pa 'to masasabi, baka hindi ako makatulog mamayang gabi."
Muli akong humarap sakanya. "Ano 'yon?"
"A-ahm... can I.... can I..." Pinagkaskas niya ang palad at hindi makatingin nang diretso sa 'kin. "Can I court you?!" Pareho kaming natahimik.
Hindi ko alam ang sasabihin. Nakakagulat—may gusto siya sa 'kin? Pero kaibigan ang turing ko sakanya...
"Please say something...
kinakabahan na 'ko," pagbasag niya sa katahimikan."Manliligaw ka?" paniniguro ko na tinanguan niya. "Hindi pwede."
"W-what?" Parang nawalan ng kulay ang mukha niya. Gusto ko nang humiga. Tinignan ko siya namg malamlam.
"Hindi pwede," pag-uulit ko.
"Just give me a chance...please?" Pinagsiklop pa niya ang palad.
"Pasensya na, Isaiah. Sa susunod na lang tayo mag-usap." Marami akong iniisip tapos dumagdag pa siya.
"George—" Tinalikuran ko siya at pumasok na sa maliit kong kwarto. "I'll give you time to think, huwag ka sanang mailang sa 'kin." Huling narinig ko bago ang yapak ng pang papaalis.
Buntis ako? Buntis ako! Pero...sana hindi totoo, sana nagkamali lang si Aling Mayet. Dali-dali kong kinuha ang jacket ko at lumabas upang magpunta sa pharmacy.
Limang magkakaibang brand ang binili kong pregnancy test. Wala na akong pakialam sa tingin ng pharmacist.
Hawak-hawak ko ang maliit na bagay na magsasabi kung buntis ba talaga ako. Huling pregnancy test na ito at isa lang Ang result nilang lahat. Pumikit ako nang mariin bago unti-unting silipin ang resulta.
![](https://img.wattpad.com/cover/281351066-288-k87242.jpg)
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...