Chapter 62

940 68 19
                                    

Chapter 62

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga taong nasa harap ko. Pinaglalaruan ko lang ang daliri ko habang nasa harap nila.

Dinala ako ni Loki sa bahay nila at nang makita ako ni Ma'am Diana ay masayang niyakap niya ako ngunit iba ang tingin ni Loki, ng kambal niya at ng kanilang papa.
Si Ray Ann ay nasa garden binabantayan ang mga bata.

Wala pa man silang tinatanong pero kinakabahan na ako.

Tumikhim si Sir Lucian na siyang nagpakaba lalo sa 'kin. "How are you?" seryosong tanong nito.

"It's been a long time," sabi naman ni Sir Thor.

"She's doing well, Pa. Look at her! She looks expensive!" sarkastikong sabi ni Loki.

"Tumigil nga kayo! Bakit ba ang seseryoso niyo?! You should be happy to see George!" Tumayo si Ma'am Diana at isa-isa silang pinalo sa balikat. Ang kabang nararamdam ko ay bahagyang nabawasan.

"We're just asking, Ma," nakahalukipkip na sabi ni Sir Thor.

Umirap si Ma'am Diana ngunit nang mapaharap siya sa 'kin ay malaking ngiti ang pinakawalan niya. Walang nagbago-maganda pa rin siya.

"Ang ganda-ganda mo pala, George! Kaya pala cute ang kambal dahil ikaw ang ina!" Napangiti ako sa sinabi niya.

Lumapit siya sa 'kin at pinakatitigan ako. Ang mga mata nila ay nakuha nila kay Ma'am Diana at bukod tanging si Aurora lang ang naiiba.

"Bakit ka umalis, George?" Nakurot ko ang daliri ko nang sabihin iyon ni Sir Lucian gamit ang malalim nitong boses.

"Pinuntahan ko po ang papa ko," nakayukong sabi ko. Nang mapatingin ako kay Loki ay titig na titig ito sa 'kin, ang bawat galaw ko ay inoobserbahan niya-kahit saglit ay hindi pa niya inaalis ang tingin sa 'kin. Ngumisi siya nang panliitan ko siya ng mga mata.

"Loki cried after you've left-"

"Thor, stop!" sabat ni Loki sa kambal.

"Whatever..." Tumayo si Thor upang salubungin ang anak na palapit.

"So, you already have children? Where's your husband?" tanong muli ni Sir Lucian.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil wala naman akong asawa at kahit anong piga nila sa 'kin ay hindi nila ako mapapaamin-naitago ko ang mga anak ko sa loob ng apat na taon at hindi ako papayag na kunin nila ang kambal sa 'kin.

"H-hes busy," halos hindi ko maisatinig.

"I see. Does he has gray eyes too?" Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Gustohin ko mang tignan sila ay hindi ko maiangat ang ulo ko. Kuya?! Nasaan ka na ba?!

Tumango ako sa tanong niya. Pwede ko namang pagsuutin ng contact lenses si Kuya-pero nagkita na sila ni Loki!

"Ma, Pa...excuse us." Tumayo si Loki at tinignan ako. Nang hindi ako kumilos ay tinaasan niya ako ng kilay. "Ano pang hinihintay mo?!"

"Bakit?" Mas lalong nagdikit ang kilay niya sa tanong ko.

"We need to talk!"

"E, nag-uusap na nga tayo 'di ba? Ano pang usap ang sinasabi mo?" pinilit Kong huwag taasan ang boses dahil nakakahiya sa magulang niya.

"We need to talk...privately." Wala na akong nagawa nang hilahin niya ang kamay ko patungo sa garden kung nasaan ang mga batang naglalaro.

Walang sali-salitang binuhat niya sa kanyang magkabilaang braso ang kambal. Hindi na nakaangal pa si Ray Ann nang makita niya ako.

"Teka! Saan na naman tayo pupunta?!" naiinis na tanong ko.

"In my condo!" Nakakainis dahil ang mga anak ko ay tahimik lang, ni hindi man lang nila ako ipagtanggol!

"Ayoko! Uuwi na kami, hinihintay na ako ng asawa ko!" Napahinto siya sa sinabi ko.

"You're going to stay in my condo! Sabihin mo sa asawa mo kunin ka niya sa poder ko...kung kaya niya," puno ng determinasyon niyang sabi. "You're going with me no matter what...your sons will be my hostage from now on. Sila  lang ang magagamit ko para mapasunod ka." Napakuyom ang palad ko sa galit.

"May pamilya na ako, Loki. Maayos na ang buhay ko-"

"Ako hindi! Kung may asawa ka man wala akong pakialam! Kung kinakailangan agawin kita sa kanya gagawin ko!" Natigilan ako.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya ngunit saglit lang iyon dahil napalitan agad ng ngisi. "If you run, I'll chase you, if you hide I'll find you...even if I need to abduct you I'll do-you can't runaway this time."

Tumalikod siya upang magtungo sa monster truck niya na kinatuwa ng kambal. Nanatili ako sa pwesto ko ng ilang segundo. Nang mapatingin ako kay Ray Ann ay sumenyas itong sumama na ako.
Bumuntong hininga ako nang makapasok ako sa kotse.

Tahimik lang ako buong byahe. Kilala si Loki sa pagiging drag racer nito ngunit ngayon ay hindi pa siya nago-overtake at nananatili sa pinakamabagal na takbo ng kotse.

Pagkarating namin sa condo ay naglabas si Loki ng isang box na puno ng panlalaking laruan. Hinawakan niya ang palad ko at hinila palabas sa kwartong kinakalalagyan ng mga anak ko.

"Are you hungry?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Nagbukas siya ng cabinet ngunit ang lahat ay walang laman. "Hindi ka pa naman siguro gutom, ano?" Palihim akong napangiti. Mag-aalok tapos wala naman pala siyang ihahanda.

"Anong pag-uusapan natin? Kailangan na naming umuwi." Malakas niyang sinara ang bawat pinto ng cabinet.

"Stop ruining my mood." Ano? Ako pa ang nakakasira ng mood? Magaling!

"Kaya nga uuwi na lang kami-"

"Why did you left me?" mahinang tanong niya. Aalis na sana ako sa pwesto ko ngunit hinarang niya ang mga kamay sa bawat gilid ng bewang ko.

I'm now cornered. Wala na akong aatrasan pa dahil dikit na dikit na ako sa kitchen counter. "Loki!" galit kong sambit. Ang braso ko ay nakatakip sa dibdib ko.

"Ikaw, bakit hindi mo pinakinggan ang paliwanag ko?" Unti-unti ay nagbalik ang sakit ng nakaraan. "Sabi mo pa nga, 'You're a whore, a bitch, gold digger, two-timer and a cunning woman!' tanda mo pa ba?" Sinisikap kong huwag manginig ang boses at maging matapang sa harap niya.

Lumamlam ang mga mata niya. Ang dating halos magdikit na niyang kilay ay bumalik sa dati. Ayokong makita ang expression na pinapakita niya ngayon... he's playing another tricks!

"I'm sorry...I didn't mean that. Naging mababaw ako! Nagsisi ako, gusto kong bawiin ang nasabi ko but you left me!" Hinawakan niya ang pisnge ko ngunit hinawi ko iyon.

Kung hindi ba ako umalis agad...nagkaayos kaya kami? Hihingi ba siya talaga ng tawad no'n o sinasabi lang niya iyon ngayon?!

"Pero ok na 'ko," pagsisinungaling ko. "Maayos na ang buhay ko, may asawa na 'ko-may sarili na akong pamilya!" Paulit-ulit siyang umiling, namumula na ang mga mata niya ngunit hindi ako nagpatinag.

"Five years, I've waited for five years...hinanap kita but I couldn't f*cking find you!" Yumuko siya. Tinulak ko ito at para itong isang papel sa sobrang dali ko siyang naitulak.

"Mom? Are you two fighting?" Napaayos ako ng tayo nang sumulot si Luffin kasama si Logan.

"No," tanggi ko. Lumapit ako sa kanila. "Uuwi na tayo, okey?" Kahit napipilitan ay tumango sila.

"I'll ask you once again, who's their father?" Determinadong tanong niya.

"Kilala mo kung sino siya. Alalahanin mo kung gusto mong malaman." Tinalikuran ko siya.
Hinila ko ang mga anak kong panay ang kaway sa kanya.

Hindi ito humabol o umangal man lang ngunit bago ako makalabas ay nagsalita siya, "Once I knew that I'm their father...you can't get them away from me...at kahit may asawa ka pa. I'll let you go this day, be ready for tomorrow 'cause I'm going to take what's rightfully mine."

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now