Chapter 13
Kanina pa nagsiuwian ang mga office staff at ang mga utilities nalang ang natira ngunit hindi parin lumalabas si Loki sa office nito, ang kambal niya ay kanina pa nakauwi kasama ang girlfriend nito.
Tatlong oras pa ang lumipas ngunit wala pa ring Loking lumalabas…kumakatok ako ngunit walang sumasagot, andiyan pa naman ang kotse niya kaya sigurado akong naroon pa siya sa loob.
“George tama?” nabaling ang tingin ko sa security guard na sumulpot sa gilid ko.
“Opo.” sagot ko sa edad kwarentang security guard.
“Hindi ka pa ba uuwi? Isasara ko na sana ito.” tumayo ako at kinatok muli ang pinto ni Loki.
“Ang alam ko umuwi na si Sir Loki.” nagtaka ako sa sinabi niya
“Po? Nandyan pa po yung kotse niya, ako na po ang magsasara.” ngumiti ako at nilahad ang kamay upang kunin ang susi.
“Sigurado ka ba? Ohh sige roronda pa ako saglit bago umuwi… siguraduhin mong sarado ha Hijo?” paninigurado niya na sinagot ko ng tango.
Siguro kung babae ako ngayon ay hindi ako iiwan ng security guard at pauunahin pang umuwi.
Lumipas pa ang isang oras, napahikab ako ng makitang alas-onse na nang gabi, bakit ba hindi pa siya lumalabas?
Napatingin ako sa cellphone ko ng magring ito
“George? Where are you?” matamlay na tanong ni Aurora
“Nasa campany ng kuya mo Ma’am Aurora, bakit?” bumuntong hininga siya na siyang pinagtaka ko.
“Go home now… kanina pa nakauwi si Kuya, we had a fight because of Hiro.” kanina pa siya nakauwi?
Pero iniwan niya ang kotse niya… pero tanga nga yata ako dahil nakalimutan kong mayaman pala siya.
“Sige.” walang emosyon kong saad bago patayin ang tawag.
Paglabas ko ay sinigurado kong sarado ang pinto, akmang pupuntahan ko ang kotse ng mapansing wala na ito duon.
Napaigtad ako ng mamatay ang lahat ng ilaw sa parking lot, nilabas ko ang cellphone at napangiwi ng makitang 10% nalang ito.
Mabuti na lamang ay umabot ang battery nito hanggang sa makalabas ako, biglang kumulog at sunod ang unti-unting pagpatak ng ulan hanggang sa naging malaki na ang patak nito.
Umupo ako sa gilid at napayakap sa sarili ng umuhip ang malamig na hangin.
Halos hindi ko na makita ang daan dahil sa lakas ng ulan, gutom na ako…kung bakit ba naman kasi hindi ako nagdudang nakauwi na pala siya.
Hindi naging sapat ang lilim ko pangsangga sa ulan, ayoko naman ng pumasok sa loob dahil mas nakakatakot pa duon.
Halos manigas na ako sa lamig ng may humintong itim na sedan sa harap ko,
“Get up stupid!” sa tawag lang nito saakin ay alam kong si Loki na ito.
“Alam mo…SIRAULO KA TALAGA!” bulalas ko
Nakaupo ako samantalang siya ay may hawak na payong na itim, sa lakas ng ulan ay nagbrownout kung kaya’t madilim ang paligid at ang tanging liwanag lang namin ay ang paminsan-minsang kidlat.
“You’re a liar… and a liar deserves to be punish.” natawa ako ng sarkastiko sa sinabi niya.
Ibig sabihin ay alam niyang nagsisinungaling ako kanina?
Ang ngipin ko ay nagkikiskisan na dahil sa lamig, umalis siya sa harap ko at muling pumasok sa kotse, iniwan niyang bukas ang pinto sa passenger seat.
![](https://img.wattpad.com/cover/281351066-288-k87242.jpg)
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...