Epilogue

1.1K 62 22
                                    

Epilogue

"Ang ganda mo, anak," rinig kong sabi ni Mama. Pareho kaming nakatitig sa reflection ko habang nakaharap sa malaking salamin.

Mamula-mula na ang mga mata niya dahil kanina pa siya umiiyak. "Ma naman! Nasisira na ang make up mo, o?!" mahina akong tumawa ngunit ang mga mata ko'y namamasa na.

"Parang kailan lang, karga pa kita. Ni hindi kita nasubaybayang lumaki." Nakaramdam ako ng lungkot sa narinig. Dahil sa paglalayas ko ay matagal kaming hindi na-usap ni Mama. Nagsisisi akong nagalit ako sa kaniya, kung maibabalik ko lang ang panahon ay mas pipiliin kong maging masaya sa tabi niya.

"Stop crying, you two!" naiiyak ding sambit ni Tita. Lumapit ito kay Mama at tinapik ang balikat nito.

"Oo nga! Nakakahawa kayo!" singit ni Mama Diana. Napapalibutan ako ng mga magaganda ngayon!

Kanina pa paikot-ikot ang photographer ngunit hindi namin alintana. Hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin sa isiping kasal ko na ngayon. Ang wedding gown ko ay kumikinang, mahaba ang laylayan at sleeveless. Simple gaya ng gusto ko ngunit elegante pa ring tignan.

Ako, ang kutsero at si Shaira lang ang sumakay sa puting karwahe. Papunta kami ngayon sa airlines na pagmamay-ari ni Isaiah. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin do'n, nanatili itong mistoryoso hanggang ngayon. Si Shaira ang made of honor ko samantalang si Thor naman ang bestman.

Pagkarating sa airport ay red carpet agad ang bumungad sa 'kin. Labas pa lamang ay napapalibutan na ng mga palamuti, may mga tila tauhan ng mga hari at reyna ang yumuko sa gilid ko pagkababa ko pa lamang sa karwahe.

Habang palapit ako nang palapit ay nagiging pamilyar ang mga taong nakikita ko. Nagulat ako nang makita ko si Captain Jack, pati na ang mga kapwa ko flight attendant pati na ang mga naging kaibigan kong piloto.

Naunang maglakad ang mga bata, abay, ninong at ninang. Syempre hindi ko makakalimutang kunin si Aling Mayet. Mas sumidhi ang saya ko nang makita ko ang matandang mag-asawa na nakasama namin sa Nueva Ecija nang minsang mapadpad kami ro'n.

Nakita ko pa ang mga anak kong kay laki ng ngiti habang nasa tabi ni Clyde. Bago ako makarating sa tapat ng paring magkakasal sa 'min ay dadaanan ko muna ang mga lalaking nakaputi habang nakataas ang kanilang espada.

Tila ako nasa isang royal wedding!

Bumabalot sa buong lugar ang malamyos na tugtog ng pianist na nasa gilid. Ang tinutugtog nito ay ang tono ng Cant't Help Falling Inlove na talagang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kin. Bago ako magsimulang maglakad ay tumabi si Mama at Papa sa 'kin. Nagtubig ang mga mata ko nang humawak sila sa magkabilaang braso ko. Hindi ko akalaing sa kasal ko ay sila ang maghahatid sa 'kin.

"I wish for your happiness my daughter," ngarag pang sabi ni Papa dahil sa pagpigil ng iyak.

"Thank you po, mahal ko po kayo." Pareho ko silang hinalikan sa kanilang pisnge.

Habang naglalakad kami ay alertong ibinababa ng mga lalaking nakaputi ang kanilang espada. Ang suot ng mga bisita ay inspired pa sa medieval period kung saan ang mga kababaihan ay nakasuot ng corset—not in my wildest dream that I'll be married like this!

Unang sumalubong sa 'min ang magulang ni Loki. Hinalikan ako ni Mama Diana samantalang yumakap naman ang asawa nito sa 'kin. Kumindat si Thor sa 'kin nang matapat ako sa kanya.

Nang sa wakas ay si Loki na ang nasa harap ko ay hindi ko mapigilang umiyak. Ang gwapo ng asawa ko!

Nasa likod niya si Kuya na may malaking ngiti. Nang ibigay ni Papa ang palad ko kay Loki ay tila naging triple ang kabog ng dibdib ko. Napangiti ako nang maramdaman kong nanginginig ang palad ni Loki.

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now