Chapter 8

807 45 0
                                        

Chapter 8

Lumipas ang tatlong araw at masasabi kong isa talaga siyang antipatiko, arogante at nakakabwiset na lalaki! kung hindi ko lang siya boss ay nunkang titiisin ko ang mga panglalait niya saakin!

Anak ba talaga siya ng Mama niya? dahil ang ina nila ay walang kasing bait, ngunit ang ama nila ay nakakatakot lalo na nga makaharap ko ito.

Naalala ko pa ang pinagusapan namin, hindi ako madaling matakot pero pagdating sa ama nila ay tiklop ang tuhod ko.

“So, you’re the watcher that Leonardo’s talking about.” Sumagot ako sabay tango sa sinabi niya, nakakatakot siya ngunit hindi ko itatangging gwapo siya

“Do your job well, make Loki change. Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang pinili ni Leonardo, don’t let Loki know your secret.” Naguluhan ako sa sinabi niya, secret daw? Did he know? May alam kaya siya?

“Asahan niyo po Sir.” Mabuti na lamang ay tuwid ko itong nasabi, ngumiti siya kaya nakahinga ako ng maluwag

Dito ako tumira sakanila, sa guestroom ako tumutuloy ngunit hindi ako sumasabay sa pagkain nila dahil nakakahiya naman, hindi rin ako nakikiepal sa tuwing may bonding ang pamilya nila.

Hindi ko man sabihin ngunit inaamin kong naiinggit ako sakanya, kung gaano siya kaswerte at kung anong klase ng pamilya ang meron siya ngunit wala ako

“I promise, I’ll be back anak. I’m sorry I can’t bring you there” masuyong sabi niya saakin.

Gusto kong magwala at magmakaawang wag na siyang umalis ngunit pinigilan ko dahil ang turo niya saakin ay bawal ang maging mahina.

“Hanggang kailan ka doon Pa? will it take years? why are you leaving? bawal ba kaming sumama ni Mama?”

I simultaneously asked, sa  murang edad ay naturuan niya akong maging matapang at malakas, he’s  the best father in the whole universe! But I was wrong back then.

You’re coming back right?” umaasang tanong ko, ang itim niyang mga mata ay malungkot na tumingin saakin,

“Of course anak! babalik si Papa” litanyang pinanghahawakan ko parin hanggang ngayon

Lampas isang dekada na akong naghihintay sakanya, marami akong tanong na hanggang ngayon ay wala pang sagot, I’m thinking about him everynight, kahit minsan lang makita ko siya ayos na ako don.

Alam kong isang dayuhan si Papa dahil iba ang itsura niya sa mga tao rito at dahil na rin sa itsura kong mukha raw may lahing Australian kaya naman una kong pupuntahan ang Australia pag nakapagipon na ako.

Nawala ang atensyon ko sa pagtanaw sa nakaraan ng tumunog ang cellphone ko “Shaira is Calling” basa ko sa caller ID, alam kong bubungangaan lang nanaman niya ako.

“Hey woman! Why you didn’t tell me na sumama ka na pala sa boyfriend mo?” nailayo ko ang cellphone sa tenga ko ng tumili siya,

“He’s old but rich kaya ok lang naman para--” bago pa niya matapos ang sasabihin ay inunahan ko na siya.

“FYI miss Chua, hindi ako sumama sa boyfriend ko dahil wala ako nun…naka-hanap ako ng bagong  trabaho, stay-in kaya hindi pa ako makakauwi.” Paliwanag ko, madali pa man din maniwala sa mga sabi-sabi ang babaeng to!

“Really? But aling Mayet said--” napairap ako sa sinabi niya, sabi na nga ba at iba ang iniisip ni Aling Mayet eh!

“Hindi totoo wag kang maniwala.” Sabat ko sakanya

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now