Chapter 12
Habang nagtitimpla ako ng kape ay nakita ko si Ma’am Diana na may bitbit na basura, marahil ay itatapon na niya ito at dahil lalaki ako ngayon ay magpapapka-gentleman muna ako.
“Ako na po Ma’am!” nakangiti akong lumapit sakanya.
“Salamat George.” pasasalamat niya ng kunin ko ang dala niya.
Pagkalabas ko ay saktong dumating ang truck ng basura.
Papasok na sana ako ng makita kong muli ang big bike na nakatigil hindi kalayuan saakin, matyagang nakaupo duon ang isang pulis.
Ang sikat ng araw ay masakit sa balat kung kayat nakapagtatakang natitiis niya ang init.
“Hi George!” nagulat ako ng sumulpot si Aurora, bihis na bihis ito…sa suot niyang itim na bestida ay umangat ang taglay niyang puti.
“May lakad ka yata.” sagot ko sakanya
“May date ako ngayon-” bulong niya saakin,
“kuya Loki is still asleep, please wag mong sabihing magkasama kami ni Hiro.” palinga-linga siya habang nagsasalita na parang may inaabangan.
“Ha? Bakit hindi kana lang magpaalam ng maayos.” nanamlay ang itsura niya sa sinabi ko.
“I can’t… he doesn’t like Hiro” tumigil siya at bumuntong hininga,
“Si Mama lang ang may alam na aalis ako…please George, ikaw na ang bahalang magpalusot.” hindi pa ako naakasagot ng may pumaradang pulang sports car sa harap namin at agad pumasok si Aurora.
Sa hindi malamang dahilan ay nabaling ang tingin ko sa pulis na may-ari ng big bike.
Marahas niyang tinanggal ang helmet at tinapon ang hawak na bugkos ng rosas, hindi na siya nagabala pang isuot muli ang helmet bago paharurutin ang sasakyan.
I’ve witnessed how a man broke his heart today…bakit ba kase nandiyan lang siya? At bakit nandiyan parin siya palagi kahit na alam na nga niyang may iba na si Aurora, haaaaay nako!
Napailing ako bago pumasok sa bahay. Sinulit kong kumain hanggat tulog pa si Loki dahil baka mamaya ay magaya na siya kahit hindi pa ako nakakakain.
“Did you see Aurora?” napalunok ako ng magtanong si Loki nang makarating kami sa company nila.
“Sir? A-aahm ano--” natigilan ako ng mariin siyang tumitig saakin.
“The red sports car earlier… whose car was that.” napaisip ako sa tanong niya…kung sasabihin ko ang totoo ay baka magtampo si Aurora saakin kaya mas
mabuting pagtakpan ko siya kahit isang beses lang.“Sa classmate niya raw, may meeting sila ngayon yun ang sabi niya saakin.” nakipagsukatan ako ng tingin sakanya at sinigurado kong convincing ang pagkakasabi ko.
Hindi na siya umimik at nagtuloy-tuloy nalang sa pagpasok sa office nito. Sana ay maunang makauwi si Aurora saamin, napatingin ako sa luma kong cherry mobile android phone ng magring ito.
Shaira is calling…..
“Ohh?” pabalang kong sagot
Ilang segundong walang nagsasalita kaya’t ibababa ko na sana nang marinig ko ang boses nang nasa kabilang linya.
“Georginna… anak umuwi ka na.” mabilis kong nailayo ang cellphine sa tenga ko upang I-check kung number ba talaga ito ni Shaira.
“Hindi na ako uuwi.” bakit na kay Mama ang cellphone ni Shaira? Ang babaeng iyon talaga pahamak!
![](https://img.wattpad.com/cover/281351066-288-k87242.jpg)
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...