Chapter 6

792 41 0
                                    

Chapter 6

Pagpasok sa bahay nila ay namangha ako sa ganda at lawak…kaya pala malaki magpasahod dahil sobrang yaman naman pala! Dinala niya ako sa sala kung saan may dalagang busy sa panonood ng Spongebob…..Spongebob talaga?

Tahimik lang akong nakaupo sa mamahalin nilang sofa ng mabaling ang tingin saakin ng dalagang nakaupo. Hindi ko maiwasang matulala sa ganda niya….parang hindi tao! Mas lalo siyang gumanda ng ngumiti siya ng matamis saakin

“Hi! I’m Aurora! And this is Jellybean!” masayang pakilala niya saakin…hindi ako natakot sa malaking puting daga na nasa kandungan niya bagkus ay nagulat ako dahil bakit daga ang alaga niya?

Sa lugar namin ay mas malalaki pa ang daga duon…. nakasimpleng shirt at short lang siya ngunit sexy parin tignan

“I’m George, watcher ni Loki” sagot ko…tumango siya at sinabi ang “Goodluck”

Dumukot siya ng cookies at walang pagaalinlangan niya itong isubo ng buo…bumaling siya saakin at binigay ang isang toblerone. Nakasimangot na bumaba si Loki at pabagsak na umupo sa tabi ni Aurora”

“Oppps!”sambit ni Aurora at nilayo ang garapon ng akmang kukuha si Sir Loki sa cookies niya

“I told you…stay away from Hiro” rinig kong sabi ni Sir Loki kay Aurora

“I can handle myself Kuya” walang ganang sagot nito sakanya

Kung sino man ang pinaguusapan nila ay hindi ako makasunod at hindi ko na babalakin pa.  Bumuntong hininga si Loki sa naging sagot nito sakanya, napakurap ako ng may bumabang kamukhang-kamukha ni Sir Loki ang pinagkaiba lang ay ang porma at buhok, hindi binanggit ni Sir Leonardo na may kambal pala ang babantayan ko.

“Loki! Saan ka nanaman pupunta?” tanong ng Mama niya na sinagot nya ng “Somewhere” tumayo ako at sumunod sakanya palabas

“Are you really going to follow me everytime?!” galit siyang bumaling saakin, tumayo muna ako ng maayos saka tumikhim

“24/7 Sir, makakasama mo ako bente kwatro oras” hindi ko pa pala nahihiling kay Sir Leonardo na sana ay magday off ako ng   linggo dahil ayokong makasama siya sa buong linggo

“D*MN IT! She’s treating me like a kid!” marahas niyang ginulo ang buhok bago pumasok sa kanyang Sedan----ilan ba ang kotse niya?

Tumigil kami sa harap ng isang University , hindi siya bumaba at pinapanood lang ang mga estudyanteng  naglalabasan… ‘Ano bang ginagawa namin dito?’

Naalarma siya ng lumabas ang isang matangkad, maputi at gwapong lalaki…dahan-dahan siyang nagmaneho at sinundan ang lalaking estudyante at ng akmang papasok na ang lalaki sa kotse ay lumabas siya at sinagaw ang pangalang “HIRO!!”

“Yes why?” rinig kong tanong ng lalaki ng lumabas din ako. Sa tingin ko ay magkakilala sila base sa mga ekspresyon ng mukha ng mga ito

“Stay away from Aurora.” sabi ni Sir Loki na sinagot lang naman ng ngisi ng nagngangalang Hiro---siya pala ang Hiro na binanggit niya kanina

“Why would I? ikaw ba si Aurora?”ngumisi ang lalaki at hinawi ang buhok nito

“F*CK YOU! Alam ko ang likaw ng bituka mo kaya wag mong idadamay ang kapatid ko!” nanatili akong nakatayo sa gilid ng pintuan at nanood sa bangayan ng dalawa

“I’m serious, ikaw lang ang nagiisip na lolokohin ko siya” nakapamulsang sagot ni Hiro---ayos din ang lalaking ito! Ang tapang!

“I’m warning you as*hole! isang pagkakamali lang at patay ka saakin!” banta ni Sir Loki bago pumihit paharap saakin, mariing nakatikom ang mga palad nito

He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now