Chapter 47
Kinabukasan ay excited akong nagbihis; gusto ko na siya agad makita. Wala nang atrasan 'to, sasabihin ko na sakanya ang totoo.
Pagkababa ko ay nagtaka ako dahil wala si Loki. Nakita kong nagtitimpla ng strawberry milk si Aurora kaya siya na lang ang pagtatanungan ko.
"G-good morning..." nahihiya kon bati. Naalala kong galit pala siya sa 'kin dahil sa ginawa namin ni Loki sa boyfriend niya—anon a kayang nangyari sa Hiro na 'yon?
"Good morning! A-ahm...George?" Binaba niya ang hawak na tasa. "I'm sorry, I didn't mean those words." Nagulat ako sa paghingi niya ng tawad.
"Hindi! Ayos lang...wala kang dapat na ika-sorry!" sabi ko ngunit umiling siya.
"Bati na tayo?!" Napangiti ako dahil para siyang batang nakikipagkamay sa 'kin.
Tumango ako na kinatalon niya sa tuwa. "Ano 'to?" tanong ko matapos niyang iabot ang maliit na bot.
"Piece offering," sagot niya. Binuksan ko ang pink box, limang cookies ang laman at ang isa ay may kagat pa.
"Ohh, gosh!" Napasinghap pa si Aurora. "Sorry ulit! Nakagatan ko pala..." Ilang siyang ngumiti at malikot pa ang mga mata niya.
Natawa ako sa inasta niya. Kinuha ko ang kinagatan niya at kumuha pa ako ng isa saka binigay sakanya na kinabilog ng mga mata niyang kayumanggi.
"For me?" Tumango ako. "Ihh! Thank you!" Ang cookies sa kanila ay mahalaga at iyon ang napansin ko, willing silang makipag-trade kapalit ng cookies ng mama nila.
"Si Loki pala?" Naalala ko bigla ang pakay ko.
"Kasama ni Kuya Thor sa sementeryo. Ayaw umuwi ni Kuya Thor kaya sinamahan ni Kuya Loki," malungkot na sagot niya.
Nalulungkot ako sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Ray Ann, pati walang muwang na bata namatay. Sana ay hindi matulad ang anak ko sa nangyari sa anak nila.
"Gano'n ba..." Bumuntong hininga ako. Naging malungkot ang pamilya nila sa nangyari.
"Pinapasabi pala niya na mauna ka na sa company," dagdag niya bago umakyat sa kwarto niya.
Pa'no ko ba sisimulan ang paliwanag ko sa kanya? Pa'no kung hindi siya maniwala na magkakaanak na kami? Haist! Naguguluhan ako! Dapat ba nakabihis babae na ako agad? O ganito na lang muna?
Habang nagmamaneho ako papunta sa campany nila ay lumilipad ang isip ko, mabuti na lamang ay ligtas akong nakarating.
Pagpasok ko ay tunog ng keyboard at printer lang ang maririnig. Tahimik ang lahat at tila takot na takot magsalita, ngunit kabaligtaran ang nangyayari sa labas; maraming media ang nag-aabang sa pagpasok ni Loki. Buti na lamang ay sa likod ako dumaan.
Habang naglalakad ako papunta sa office ni Loki ay may humila sa 'kin papasok sa janitor's room. Madilim at mainit sa loob ngunit kampante ako dahil ang amoy ng nakahawak sa 'kin ngayon ay pamilyar.
Sumindi ang ilaw dahilan ng paglinaw ni Loki sa paningin ko. "What took you so long?" bulong niya.
"Anong gagawin natin dito? Labas tayo ang init!" Nakasandal ako sa pinto habang nasa harap ko siya—cornering me.
"Sofia is in my office," sa sinabi niya ay uminit ang ulo ko.
"Teka nga!" Mabilis ko siyang itinulak. "Hindi ba't special si Sofia sayo?!"
"What? Who said that?" Pilit niya akong kinukulong sa bisis niya ngunit lumalayo ako dahilan ng pagkasagi ko sa map na tumama sa ulo ko.
Agd niyang hinaplos ang ulo kong natamaan. "Basta! At saka 'di ba girlfriend mo siya?" Parang may nagbara sa lalamunan ko.
YOU ARE READING
He's A Girl ( Published Under Ukiyoto Publishing)
RomanceSynopsis Loki Müller couldn't ask for more, he has it all...the looks, fame, money, loving family and tons of girls! Maraming babaeng lumuhod, lumuha at nagmakaawa sakanya.. He's a man who doesn't believe in relationships, he never sees himself...